Prologue

16 3 0
                                    





"Nak pasensya kana ha hindi ko na kayang pag aralin ka sa kolehiyo wala na akong mahanap na trabahong makakaya ng katawan ko eh."

Alam ko na hirap na hirap na si papa sa pagtustos sa pag aaral ko at ng kapatid ko. Kaya naaawa na ako sa kaniya mas gusto ko nalang mag hanap ng trabaho sa Manila upang hindi na sila mahirapan dito.

"Naiintindihan ko po kayo pa. Ok na sa akin yung makatapos kahit highschool lang."nakangiti kong sabi sa kaniya kahit nalulungkot ako sa katotohanang hindi ko na matutupad yung mga pangako ko kay mama bago siya mamatay. "Kaya ko na naman pong maghanap ng trabaho sa Manila para makapag pahinga nalang kayo dito sa bahay."

"Aba anak alam mo namang hindi ko kayang pigilan ka sa mga desisyon mo sa buhay kaya sige lang. Kung ano nasa puso mo sundin mo lang." Pag aaral niya sa akin. Kaya minsan ang saya ko na isipin na ang swerte ko pala dahil ang supportive ng papa ko at alam ko na hindi karamihan sa mga kabataan ngayon merong ganito o nakakaranas ng sobrang pagmamahal galing sa ama.

Meron akong nakikita sa palengke na mga kabataan na namamalimos upang makabili ng makakain at karamihan sa kanila ay walang matitirahan at wala ring mga magulang.
Kaya minsan awang-awa na ako sa kanila na parang gusto ko silang kupkuping lahat. Pero ano ang maipapakain ko sa kanila gayong mahirap lang din kami. Kaya pangarap ko sanang makapagtapos ng pag aaral at matulungan ko rin kahit kaunti ang mga kabataang nasa kalsada lamang natutulog.

Pero paano ko na silang matutulungan dahil wala nang pag asa na matatapos ko ang pag aaral ko dahil sa hirap na hirap na rin kami.


Kaya buo na ang plano ko, sa susunod na linggo na ako luluwas ng Manila upang makaoag hanap ng trabaho. Uubusin ko lahat ng oras ko dito sa probinsya na kasama sina papa at Anne dahil medyo matagal tagal pa kaming hindi magkikitang tatlo.

"Ate iiwan mo na ba kami ni papa?"tanong ng kapatid ko na 8 years old palang na nakayakap sa akin na parang ayaw akong pakawalan. Sampung taon ang agwat naming dalawa kaya mahal na mahal ko to at parang ayaw kong iwan pero wala akong magagawa dahil para rin naman din ito sa kaniya at kay papa. "Tawagan mo ako palagi ate kung may oras ka ha."

"Syempre naman mamimiss ko kayo ni papa eh. Bantayan mo palagi si papa ha wag mong hayaan mag pagutom dahil masama sa kalusugan pag nagpapalipas ka nang gutom."
Sa murang edad tinuturuan ko si Anne sa mga gawaing bahay dahil wala naman kaming aasahang lilinis at aasikaso sa amin pag kailangan.

Masarap naman siyang kasama dahil mabait talaga siya sa maraming tao.

"Ikaw din Louisse anak wag mo pababayaan sarili mo doon ha. Walang mag aalaga sa iyo kundi sarili mo lang, wala kami don para aalagaan ka ha."pag aaral ni papa at tumango nalang ako.

Dumating na ang oras ng pag alis ko.
Hindi na ako hinatid nila papa baka hindi na ako maka alis pag makita ko silang umiiyak na dalawa.
Pagsakay ko ng eroplano ay tamang tama na malapit sa bintana ang upuan ko kaya nilibot ko ang paningin ko sa labas.
First time kong sumakay ng eroplano at kinakabahan ako kunga ano ang feeling pag nakaangat na.

Maya-maya pa ay nag announce na ang piloto na lilipad na raw ang eroplano at nagbibigay rin ng instructions ang mga cabin crew kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pagkatapos non ay nagsi upuan na ang mga crews at maya-maya pa ay naramdaman kong umaangat na ang eroplano.

Nung nasa ere na ay sinilip ko ang bintana at nakikita ko ang malapad na kapuluan ng Iloilo.
Mamimis ko to ng sobra sobra kagaya ng preskong hangin, malinis na paligid at wala masyadong kaguluhan.

Ilang minuto lang ay nakatulog ako gumising lang ako noong naiihi ako kaya pumunta ako sa isang cubicle,pagatapos ay bumalik rin ako agad sa upuan ko at natulog ulit dahil medyo malapit nalang daw.

Nagising ako ulit dahil sa pag salita ng piloto na maghanda na raw dahil mag lalanding na.

Pagkababa ko ng eroplano ay sinamyo ko ang hangin at iba yung pakiramdam at amoy hindi kagaya ng sa probinsya na hindi amoy usok.

"Welcome sa panibagong buhay self."
At naglakad na ako pa labas ng airport.

🦄

Babysitting Mr. Walton's DaughterWhere stories live. Discover now