Dedicated to Signora_skrivpenna lavyu mamsh🥲
Sa isang buong linggo ko dito sa Manila ay nahirapan ako sa paghahanap ng trabaho dahil
walang tumatanggap sa akin dahil sobrang bata pa ako at wala pa daw akong experience.Mag apply daw akong maid para matanggap ako kaagad, di ko alam kung iniinsulto ba ako o ano.
Kaya heto ako ngayon naglalakad pauwi sa maliit na apartment na tinitirahan ko. Medyo malayo pa mga dalawang kanto pa.
Pero napatigil ako nung may nakita akong poster na nakapaskil sa poste ng kuryente.
Ayon sa poster naghahanap daw sila ng katulong sa bahay may nakalagay na rin na numero kung sakaling interesado.
Kinuha ko ang poster at nilagay sa bag ko dahil wala na akong choice kundi maging katulong nalang.
Wala na kasi akong pera pamasahe at pangkain kaya mag aapply na ako bukas.Pag dating ko sa tinutuluyan ko ay nilagay ko lang yung bag ko sa gilid at sumalampak sa kama.
Nakatulala ako sa kisame ng biglang tumunog ang cellphone ko,tinignan ko iyon at kaagad na sinagot ang tawag dahil nakita ko ang pangalan ng kapatid ko na naka rehistro doon."Hello anak?"
"Hello pa. Kamusta na kayong dalawa jan may makakain pa ba kayo.. pasensya na kayo ha wala pa akong mahanap na trabaho eh"
"Ano kaba anak ok lang kami,ang alalahanin mo ay iyong sarili mo. Ano bang trabaho yang papasukin mo?"
Hindi ko pala nasabi sa kanila kung anong trabaho ang papasukin ko."Iyon nga pa eh hindi ako matanggap dahil wala pa raw akong experience dahil ambata ko pa kaya susubukan ko pumasok na katulong dito.
Wala na rin akong pera kaya no choice.Wag kang mag alala hindi ko naman pababayaan sarili ko." Kasi mag aalala na naman to."Anak ikaw ang bahala ha. Tawagan ka namin minsan o ikaw nalang tumawag sa amin."
"Cge pa magpapahinga muna ako ha pagod na kasi ako kakahanap ng trabaho kanina." Inaantok na talaga ako.
"Bye anak mahal ka namin" Iyon ang huli kong narinig bago pumikit ang mata ko dahil hinila na ako ng antok.
Kinabukasan ay gumising ako ng 7:30 at tinext ko muna ang numero na nakalagay sa poster.
Aapply na ako.Habang nag liligpit ako ng pinagkainan ko ay narinig kong may kumatok sa pintuan.
Pagbukas ko ay mukha ng supladang may ari ng apartment ang bumungad sa akin."Bakit ho Aling Cha?" Tanong ko sa kaniya, kasi naman ang aga aga andito siya.
"May pera kaba jan, mag advance kana lang ng bayad sa upa mo, talo ako sa tong-its kahapon eh." Weehh bakit bumait tong matandang to?
Parang iba. Ganyan talaga siguro pag may kailangan yung tao sayo bumabait."Ah wala pa po eh. Mag aapply nalang po ako bilang katulong kasi hindi ako matanggap- tanggap sa mga inaapplyan ko kasi wala pa akong experience at kulang na rin yung pinag aralan ko." Sino ba naman ako para tanggapin right?
"Sige na nga, wag nalang pala hehe." Ayon umalis na. Plastic talaga.
Ilang minuto rin ako nakatulala sa pintuan. Naputol lang iyon sa pag tunog ng aking cellphone.
Dali akong tumakbo papunta sa kusina dahil doon ko naiwan ang cellphone ko kanina bago pagbuksan si Aling Cha.
Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag ngunit unregistered number kaya sinagot ko nalang.
"Hello po. Magandang umaga sino po ito?"
Curious kong tanong."Magandang umaga po ma'am ako po pala ang sekretarya ni Mr. Ethan Walton ng Walton hotels. Natanggap namin ang iyong message and you're hired."
Nanlaki ang mata ko. Totoo ba to o baka niloloko ako nito.
"Eh agad-agad?" Tanong ko muna.
Narinig kong tumawa ang babae.
"Bakit ayaw mo ba?""Gusto naman pero baka niloloko mo lang ako." Kasi ba't tanggap agad hindi ba nila ako kikilatisin muna bago tanggapin?
"Sige ito nalang ha makinig ka."
"Okey"
"Sesend ko sayo yung address ng company namin at mga details kung saan ka pupunta at bukas ha."
"Opo sige salamat."
Ayon at pinatay niya ang tawag. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang cellphone ko agad ko namang tinignan iyon at nakita kong kaparehong numero ng katawagan ko kanina.Tinignan ko ang mensahe at nakitang mga detalye iyon kung saan ako pupunta bukas.
At medyo malapit lang naman.Buong araw kong inaabala ang sarili ko sa gawaing bahay una ay nag linis ako sa loob at panghuli yung sa labas.
Pagkatapos ng pananghalian ay naglaba ako ng mga damit kong nagamit .Madali lang naman yon dahil kaunti lang naman at walang masyadong dumi.
Pagkadating ng hapon ay lumabas ako ng apartment at naglakad lakad. Ang boring talaga dito sa Manila parang mabuti nalang tumira sa probinsya kasi presko ang lahat lahat doon at sagana sa mga pagkain gaya ng mga prutas at gulay.
Hindi kana mamomroblema sa mga pagkain.
At mayroong preskong hangin.Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa isang parke.
Tumigil ako sa gilid ng karsada at tinignan ang mga tao sa parke karamihan sa kanila ay mag papamilya. At nakaramdam naman ako ng inggit sa kanila kasi kumpleto sila at masaya na parang walang problema sa buhay pero alam ko namang lahat ng tao ay may kinikimkim na problema at pinapakita lang nila sa iba na masaya sila ngunit sa kaloob looban ay hindi talaga.
Naisipan kong tumawid kaya tinignan ko kung may sasakyan at isang truck lang naman kaya pag lagpas ng truck ay naglakad na ako ngunit huli na nang makita kong may sumusunod palang kotse kaya alam kong wala na akong kawala siguradong mababanggaan ako.
Kaya pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal na sana panaginip lang to.
Ngunit lumipas ang mga segundo pero wala akong naramdaman na may bumangga sa akin
At narinig ko ang pag busina ng kotse at kasabay ng paglabas ng lalaki galing doon."Tanga ka ba?" Iyon agad ang bungad niya paglabas ng kanyang kotse.
Nakita kong tumakbo agad palabas ang isang lalaki na mukhang driver niya ata.
🦄
YOU ARE READING
Babysitting Mr. Walton's Daughter
RomanceThey said that the love of a man who just comes into your life spontaneously is better than looking one for yourself. How can you find someone who will love you if you are just a maid, because of the hardships or financial problems in life right?