Sandali na lang

10 2 0
                                    

"Rian! Waitー" I said.

She stopped walking. Hindi niya ako nilingon. Bumuntong hininga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Pwede bang..'wag ka munang umalis? K-kahit saglit lang.." tumingala ako para pigilan ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata.

"For the last time, please.. " I bit my lower lip, begging.

Unti-unti siyang humarap sa gawi ko. She's wearing a blank expression. But I can see through her eyes, it's full of sadness.

She walked towards me and I did the same nang hindi inaalis ang aking paningin sa kanya.

We sat in a bench, two feet away from each other.

The silence was roaming all over the place.

I clenched my fists.

My heart can't take it anymore..

It hurts.

"Pag-umalis na kayo.." my voice cracked.

"Huwag mong pababayaan sarili mo, mag-iingat ka.. " hindi siya sumagot. Nananakit na rin ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng luha.

"I'm so sorry for everything" natigilan ako. Napalingon ako sa kanya. She's crying. Gusto kong punasan ang mga luha niya, gusto ko siyang yakapinー at sabihin sa kanya na magiging maayos din ang lahat.. pero hindi ko magawa.

"I love you, but I can't stay with you anymore" she wiped her tears pagtapos ay tumayo. Akma na siyang aalis ngunit hindi ko na napigilan ang sarili ko't hinawakan ko siya sa kamay at hinila papalapit bago niyakap ng patalikod. Namumuo na rin ang mga luha sa aking mga mata.

"Pwede bangー"

"I can't." sinubukan niyang magpumiglas kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Para akong hihimatayin sa sakit.

"Mahal na mahal na mahal kita, Rian.." I said. Please don't go..

Muli niyang sinubukang kalasin ang pagkakayakap ko sa kanya. This time, nagtagumpay siya.

"Let go of my hand" she said. Umiiling ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

Kahit sobrang sakit sa akin ay unti-unti kong binitiwan ang kanyang kamay. Nagsimula siyang maglakad papalayo nang hindi manlang lumilingon. Naiwan akong nakatayo roon habang ang kamay ko'y nasa ere, na tila inaabot siya mula sa kalayuan.

Napakasakit para sa akin na malaman na may nangyari sa pagitan ng girlfriend ko at sa matalik kong kaibigan. And now, they're planning to get away from here. Faraway from me.

Pero mas masakit sa 'kin na malaman na ang nag-iisang babaeng minahal ko ay hindi na muling babalik pa sa piling ko kailanman.

Nanatili ako roon, patuloy pa rin ang pagluha habang pinanunuod ko siyang makalayo hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOTS ー BKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon