Kabanata 3

12 1 0
                                    

Habang naghihintay kami sa teacher na pumasok, nagkwentuhan muna kami ni Gianna. Eh mukhang masaya namang may kausap si Jared kaya hindi ko na inistorbo pa.

“Hoy Girl, alam mo ba kagabi yung nang add sa akin sa Facebook hindi ko makalimutan” sabi ko sabay tawa

“Hay nako iba na yan ha. I-accept mo na kasi” pangbubuyo nito

“Ewan ko ba, kapag type ko naman yung mga nang a-add sa akin ina-accept ko kaagad eh. ‘Di ko ba alam dito hays” problemado kong sabi sabay hawak sa ulo na kunyark

“Ay teh alam mo ba si Rach--” hindi na naituloy ni Gianna yung sasabihin nya dahil nadyan na ung subject teacher namin. Madali lang naman ngayon kasi first day so puro pagpapakilala at expectation lang sa subject.

Nagmamadali akong lumipat sa upuan ko.

Pagkapasok palang nitong medyo mukhang istriktong teacher nagbago yung ihip ng hangin. Gagi nakakatakot sya mhie. Legit. No Lies. Tinignan nya kami isa-isa mula sa harapan hanggang sa likod.

“Good Afternoon, Everyone” bati nito samin dali-dali kaming tumayo.

“Good Afternoon, Sir” sagot namin sa kanya, nakakatakot sya beh. Goodluck na lang sakin sana hindi sya nagtatawag (╥_╥)

“I am Fabio Pewterschmidt in short you can call me Sir F. Currently teaching here at The Angelic National Glory of Antegria Mandera University for 3years. I graduated a Bachelor of Secondary Education Major in English. The subject that i’ll be teaching is Practical Research. For now, let us know each other and i’ll be asking some of you what’s your expectation to me and to my subject.”

Napanganga kaming lahat sa sinabi nito. So it means magtatawag nga sya huhu sana lang hindi ako matawag, kotongan ko ‘tong katabi ko with gravity chz.

“Let’s start from the back, You stand up. State your name and expectations”

Natatarantang tumayo yung kaklase ko nabigla rin yata na tinawag sya.

“Uhmm.. Hello Everyone. I am Kadid  Whitlock, Uhm-mm I feel that it is quite hard for us because it is our first time dealing with this subject and i hope that you, as our teacher, will share your knowledge with us so that we can be better understand it.” sabi nitong si kadid, halata sa name nya na may lahi sya pero kung sa itsura ang pagbabasehan hindi mo mahahalata. Hindi ako judger ah slight lang. Tumango tango si Sir F sakanya at tumayo na kaagad yung katabi nya ako yung nasa harapan at kabang-kaba ako.

“Hi po Sir, Pwede po ba magtagalog?” tanong nito na medyo kinakabahan kagaya ko

“It’s up to you, kung iyon yung gusto mo why not” tugon ni Sir sa kanya.

Wow mabait din naman pala si Sir akala ko kasi strict sya in terms sa gagamiting language. Sana ‘di ako matawag talaga nako baka himatayin ako rito xd.

“Hi sainyong lahat, Ako si Michaella Ramos. Inaasahan ko po na mas magkakaroon kami ng skills rito kasi from the word research parang we have to explore things na hindi pa namin nagagawa. Ine-expect ko po sa iyo Sir ay madeliver or mas mapadali yung pag intindi namin dito. Yun lang po Salamat.” nakahingang maluwag na sabi nito.

“Okay Class, Enough with that let’s move on now and talk about the Word Research. When you hear that word 'Research' what comes into your minds, Anyone?” medyo nawala yung kaba ko kasi hindi na tatayo at magpapakilala pa. Palatanong ‘tong si Sir eh sana lang talaga alam ko yung mga sagot diba lol.

May idea naman ako about that kaya lang nahihiya akong magtaas ng kamay, baka kasi mapahiya lang ako huhu. Pero sana huwag akong tawagin ni Sir F jusko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When we MetWhere stories live. Discover now