Kinabukasan, himala ang aga kong nagising 4AM palang kaya naman naligo kaagad ako. Iba yung feeling kapag first day of school, halo halo ung feeling na kinakabahan ka na excited. Habang nasa cr ako, naisip ko na ano kaya ang mangyayari sa first day ko kung magiging masaya ba ako? Magiging magkaklase ba kami ni Gianna o hindi? pero sana oo, ang hirap kaya ng lonely sa room wala kang ka-close kahit isa kahit mapanis laway mo di ka pa din magsasalita. Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko. Nang natapos akong magbihis inayos ko na ung gamit ko at bumaba na kaagad ako, naghanda si Mama ng fried rice with egg, bacon and ham at syempre hindi mawawala yung kape.
Maganda yung uniform namin, blouse na white at yung palda checkered na red and black. Medyo maiksi ito kumpara nung high school kami. Pwede kaming magdala ng phone kaya okay din sa akin yun.
"Ma, kinakabahan talaga ako" sabi ko sabay tawa, idaan ko na lang sa tawa baka sakaling mawala itong kaba ko.
"Ano ka ba Aia sa una lang yan, wag mong isipin mawawala din yan. Tsaka malay mo naman magkaklase kayo ni Gianna 'diba?" alam ko namang pinapalakas lang ni Mama ang loob ko para hindi ako matakot o kabahan.
Nang matapos akong kumain ay inayos ko na yung gamit ko. Nagpaalam na ako kay Mama
"Ma, alis na po ako" pagpapaalam ko dito
"Sige Aia, ay eto nga pala baunin mo at kung sakaling maging magkaklase kayo ni gianna o kung makita mo sya ibigay mo 'tong isa." may inabot si Mama sa akin na dalawang Mamon. Tinuturing na din ni Mama na anak si Gianna dahil palagi itong nandito sa bahay at yung Mommy kasi ni Gianna ay ninang ko din kaya ganun. Napansin ko may nakasulat
Kaya mo yan! Strengthen your mind, be fearless.
Mama Ally ♡
Lumapit ako kay Mama para yakapin ito. Hinatid niya ako hanggang sa gate.
what aaa sweet mama..
"Ma, thank you po dito alis na po ako" kumakaway kong sabi
"O sige pakabait kayo ni Gianna ah" naninigurong sabi ni Mama at nginitian ko ito hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
Habang nasa sasakyan ako lumalakbay ang isip ko at sobra akong kinakabahan. Natatakot ako na wala akong maka-close na kaklase ko, mahirap yun kasi you need to adjust din. Napatingin na lang ako sa side mirror at napabuntong-hininga.
"Parang problemado ka dyan?" nagulat ako kay kuya Arnel
"Ahh wala po, kinakabahan po kasi ako baka hindi ko po maging kaklase si Gianna." malungkot kong sabi
"Tss sa una lang iyang kaba kapag naharap mo na yung takot mo dun ka mag-eenjoy" sabi nito sa akin wow double meaning si kuya arnel ah. Nginitian ko na lang ito at itinuloy ang pag-iisip hanggang sa makarating kami sa school.
Iniba na ang kulay ng gate yung dating green ginawa na nilang gray. At napansin ko din na yung font style nung name ng school namin ay iniba din. Pagkahinto ni Kuya Arnel natanaw ko na si Gianna, nagmamadali akong bumaba.
"Gianna!" sigaw ko dito sabay aya na lumapit sa akin.
"Eto nga pala pinapabigay ni Mama sayo" sabay abot nung Mamon na pinadala sakin ni Mama
"Wow thank you ah pasabi na lang kay Tita Ally, alam ko namang love na love ako nun eh" kinikilig na ani Gianna.
"Tara na hanapin na natin yung section natin sana magkaklase tayo" sabi ko dito magkahawak kamay pa kami.
Kakaunti pa lang yung mga estudyante kasi maaga pa. Pumunta kami sa complex kasi dun nakalagay yung mga sections namin. By strand yun kasi senior high na kami. Habang hinahanap ko yung name ko sa chart may nagnotif sa akin.
YOU ARE READING
When we Met
Fiksi RemajaThere are times life seem so miserable and it takes a lot of time for us to know and realize that thing. And i know, i really know that life sucks. The vast majority of people believe in love at first sight. What if you run across the person who ma...