Prologue
Pilit kong sinisira ang likod ng aparador gamit ang lagare, kung hindi ko kasi ito gagawin kaming dalawa ni Diary ay hahantungin ang aming kamatayan, tagaktak na ako ng pawis at nananakit na rin ang mga kamay ko.
Magawa ko lang magpagkasya ang aking kamay sa butas na ginagawa ko gamit ang lagaring hawak ko ay ayos na.
Sandali akong tumugil sa'king ginagawa at tumingin sa walang malay na si Diary, ginamitan kasi kaming dalawa ng gamot pampatulog kanina.
Mabuti na lang at nagpanggap akong ininom ito.Sana gumana itong plano ko.
Iniwan kaming dalawa ng mga taong hindi ko man lang makita ang mukha, dito sa kwarto na ang buong paligid ay napupuno ng mga bungo. Sigurado ako sa labas nito ay puno ng mga nagtataasang mga damo.
Nagpapasalamat na nga lang ako dahil kahit na ni-lock nila kaming dalawa ni Diary at ang pinto ay gawa sa bakal ay nag-iwan sila ng lagare, sapat na upang makabuo ako ng plano.Nang tuluyan na akong magawa ng butas, kung saan magkakasiya ang kamay ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko na nagawa kong maitago sa mga taong kumidnap sa'min. matapos kong makuha ang cellphone ko mula sa may pinagtaguan ko nito kanina ay binuksan ko ito at kaagad na pumunto sa may video record, hindi muna ako ng nagsalita o gumawa ng kahit na akong ingay pagtapos ng ilang minuto. Pinalipas ko muna ang ito at tyaka gumawa ng ingay na parang takot na takot at nanginginig.
Naglakad ako sa may kinahihigaan ni Diary at pinilit siyang gumusing."Diary!"
"Diary! Wake up!"
"Diary!"
"Kailangan mong gumising!"
Kahit anong yugyog ang ginawa ko sa kaniya ay nanatili pa rin siyang tulog,
isip, mag-isip ka Crazzelle.
"Diary! parang awa mo na gumising ka."
Paano na 'to?
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinilit na pinaupo si Diary, sinampal ko siya ng sobrang lakas, wala na kasing iba pang paaran kung hindi siya magigising ngayon mamawalan kaming dalawa ng pag-asang makatakas.
"Why did you that, Crazzelle?"
Tapahinga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya.
"Mabuti naman at nagising ka."
Sa una ay medyo nagtataka pa siya, ngunit nang mapagtanto niya sigurong nasa may panganib kaming dalawa ay napuno ng takot ang mukha niya.
"What should we do?"
Walang ano mang panginginig sa boses niya, ngunit ramdam ko ang takot mula sa kaniya.
"May plano ako."
Ipiniliwanag ko kay Diary ang planong kailangan naming gawain, kailangan muna naming hintayin ang pagdating ng mga taong dumukot sa'min bago ko ilalagay ang selpon ko sa may aparador na sinira ko kanina, sinigurado ko na hindi magiging halata ang pagka urong nito ng sagayon ay hindi sila magkaroon ng pagduda.
Oras na ata ang lumipas ngunit kahit isa sa kanila ay hindi pa dumating, nagsisimula na akong makaramdam ng takot at pagka-alangan na baka hindi na kami makatakas pa.
Napaka imposibleng mabuksan namin ni Dairy ang pintuan o masira ang pinto, dahil gawa ito sa bakal.
"Crazzelle."
Nilingon ko si Dairy mula sa aking likuran"What if they comeback to us tomorrow?"
Hindi ko rin alam
Pinili ko na lamang na isa-isip ang dapat na maging sagot ko sa kaniya.
Kalaunay ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa papunta kung nasaan kami ngayon.
Mabilis akong kumilos ngunit maingat na wag maglabas ng kahit na anong ingay, inilagay ko na ang cellphone ko sa may loob ng aparador at binuksan ang boses na record ko kanina.
nagtango na ako sa may lugar kong nasaan si Dairy habang hawak ang lagareng ginamit ko kanina lang.Nang tuluyan ng mabuksan nila ang pintuan ay isaktong narinig ang boses ko mula sa may aparador na sinira ko kanina, nakita ko pa ang ngisi sa isa nilang mga kasama mabuti na lamamg at tatlo lang sila.
Makakaya kong patulugin ang dalawa sa kanila, bali ang boses na ni-record ko kanina ay pang distraksyon lamang."Found you!"
Bigla akong nagulat ng makita ko si Dr. Black sa may harapan ko, buong akala ko ay si Aestro ang taong nagpa kidnap sa'ming dalawa?
bakit siya? bakit?
"Paanong naging ikaw?"
Naguguluhan ako, nangako siyang pro-protektahan niya ako sa ano mang maaaring mangyari ngunit siya pala ang salarin?
Ang berdeng mga mata kung paano niya gusto-gusto na naman akong patayin.
"Why? Crazelle?"
Sa mga oras na 'to ay kita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata, nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.
"Why did you betray me?"
Ako? pinagtasiklan siya?
BINABASA MO ANG
Devo Hunters
Mystery / ThrillerPaano kung gusto mo ng makalimutan ang nakaraan at magsimula ng magandang buhay ngunit nandoon ang iyong kaligayahan? Tanging paghihintay na lang ba ang kayang gawain at sa paghihintay ay ang kasiyahang muling dumating ay hahangarin mo 'tong pasla...