\\ MAN WHO LOVE BLACK//Nakasakay ako ngayon sa jeep katabi ni manong driver, nakakabwesit lang kasi kanina pa ako rito at hindi pa rin napupuno itong sinasakyan ko baka malate na ako sa job interview ko, nakakainis naman eh.
Apat pa lang kaming mga pasahero dito, ang tatlo ay nasa may bandang kanan.
Manong baka pwede na tayong umalis!
Sabi ko sa'king isip. Hindi ko kasi kayang sabihin yan kay manong driver dahil nahihiya ako.Ano na lang kaya ang masasabi ng taong mag i-interview nito sa'kin kapag na late ako? Sana naman ay hindi ako mapagalitan, ayaw na ayaw ko pa naman ng ganoon.
Makikiusap na sana ako kay manong na baka pwede na kaming lumarga, nang biglang nagsidatingan ang iba pang mga pasehero.
Salamat naman!
Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa inis nang may lalaking kumalabit sa'kin, mula sa may labas nitong jeep.
Ano naman kaya ang problema nito?!
"Ano yun?"
Mahinahon kong taong, kahit na sa totoo lang ay naiinis ako sa kaniya.
"Pwedeng palit tayo?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Doon ka sa may likod at ako jan, kung puwede lang naman pero kung away mo, ay hindi ako papayag."
Hindi ko alam ang salitang puwedeng sabihin sa lalaking 'to, gusto ko siyang tirisin na parang isang garapata.
"Ayoko! bahala ka sa buhay mo."
Ikalma mo lang ang sarili mo Crazzelle, baka mangudngud mo sa semento ang lalaking yan.
"Miss!"
"Ano ba?!"
"Ayoko nga di ba?!"
Haystt! Nakakainis, mahina ata ang utak ng taong ito puwede naman siyang sa likod na lang sumukay.
Nauna nga ako dito e.
"Boss, nauna kasi siya jan baka puwedeng doon ka na lang sa likod."
Salamat naman at nagsalita na si manong driver, akala ko pa naman ay wala siyang balak maki sali.
"Pero hindi po kasi ako komportablbe kapag nasa may bandang likod ako u-upo."
Ano naman kaya ang pakialam ko don? ako nga ang nauna.
"Pasenya na boss, nauna si ma'am."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ng lalaki sa may kaliwa ko,
"Oyyy!"
Bigla akong napatili ng hinala niya ako paalis sa may kinauupuan ko, at dali-dali siyang umupo sa may puwesto ko kanina.
Grabe ang pangit naman ng ugali ng lalaking 'to.Wala na akong iba pang nagawa kundi ang lumipat na lang doon sa may likod, nakakatamad naman kasing makipagtalo.
Nang makalipat na ako sa may pinaka likuran nitong jeep, si manong ay sinimulan na ang pagmamaneho.
Kinapa ko ang cellpone ko sa bulsa ng bag ko, at kaagad itong kinuha, para malaman ko kung ano bang oras na.
Sana hindi pa ako late, ayaw ko talagang mapagalitan.
Kapag nahuli lang talaga ako, malilintikan sa'kin yung lalaking katabi ni manong driver akala niya ha makakalimutan ko ang mukha niya.Nandito na ako ngayon sa may Raquel hospital, medyo nakaka ramdam ako ng kaba kasi ito ang pinaka unang ospital na mapapasukan ko kung sakaling matanggap man ako sa'king job interview.
BINABASA MO ANG
Devo Hunters
Mystery / ThrillerPaano kung gusto mo ng makalimutan ang nakaraan at magsimula ng magandang buhay ngunit nandoon ang iyong kaligayahan? Tanging paghihintay na lang ba ang kayang gawain at sa paghihintay ay ang kasiyahang muling dumating ay hahangarin mo 'tong pasla...