/CONNECTED/
Araw ng lunes, ito rin ang araw kung kailan magsisimula ang kalbaryo ko sa Raquel Hospital.
Kaya naman ay maaga ako nagising para asikasuhin ang sarili ko.Oo nga pala, sinabihan ako ni Vince na pupunta siya rito mamaya sabay na raw kaming pumasok sa trabaho kahit na hindi naman kami magkapareho.
Ano kayang oras pupunta yun? bahala na nga, sisigaw naman ang taong yun mula sa labas kung sakaling nandito na siya.
O kaya naman ay tatawagin ako ng nanay ko.
Sinumulan ko ng ligpitin ang pinaghigaan ko at inihanda ang damit na susuotin ko mamaya, pagtapos ay pumasok na agad ako sa may banyo dala ang aking tuwalya para maligo.
Saktong matapos akong maligo at nakapagbihis na ng uniporme ng narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Vince mula sa may labas. Kaya naman ay dali-dali na akong bumaba sa may hagdan at nagpaalam kay mama.Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa may sakayan ng jeep ay pansin kong aligaga si Vince, parang may malalim na pinoproblema.
Hindi ko na lang pinapansin ang kaniyang inaakto dahil siya ang tipo ng tao na ayaw nagsasabi o magbahagi sa iba na kung ano man ang pinoproblema.
Pakiramdam niya kasi ay nawawala ang pride niya bilang isang lalaki.Nakarating kami sa may sakayan ng jeep ng hindi man lang nag-uusap. Nilingon ko si Vince sa may bandang kanan ko, hindi ko man lang namalayang wala na pala siya sa may tabi ko, wala pa namang dumarating na jeep kaya naman ay nag-ikot muna ako sa buong paligid para hanapin si Vince ngunit kahit hibla man lang ng buhok niya ay di ko makita.
Grabe hindi man lang siya nagsabing iiwan niya ako.
Hanggang sa dumating na lang ang sasakyan, hindi man lang siya ulit nagpakita.
Laking inis ang naramdam ko dahil hindi pa man ako nakakasakay ay puno na agad, kinakailangan ko na namang maghintay ng susunod na jeep, baka sa unang araw ko sa trabaho ay ma-late ako, nakakahiya naman kung magkataon.
Mas lalong sumama ang araw ko nang makita ko ang lalaking nakipag agawan sa'kin ng puwesto sa may harapan noong nakaarang araw.
Wala na sana akong balak na pansinin pa siya dahil baka mas lalo lang kumulo ang dugo ko sa kaniya, kaya lang ang lalaking 'to ay pinanganak ata para mang inis sa buong buhay niya."Hello, ang pangit ng black shoes mo."
Hindi ko naman hiningi ang opinion niya patungkol sa sapatos na suot ko pero nagbigay siya ng komento.
Pero hayaan na nga, ang babaw naman kung papatuluyan ko pa siya.Mayamaya pa ay naramdam kong kinalabit niya ako sa may balakat, ewan pakiramdam ko talaga ay nangangailangan ang taong 'to ng psychiatrist dahil mukhang malala na ang saltik ng utak niya.
Nang hindi niya pa ako tantanan ay nagsalita na ako.
"ANO BANG PROBLEMA MO?!"
Kahit hindi ko lingonin ang mga tao sa paligid ay alam kong nakatingin ang iilan sa' kin gawa nang pagsigaw ko kanina.
Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa ko, at ang lalaking 'to hindi man lang ako nagawang sagutin..Tuluyan na nga talaga akong iniwan ni Vince, saan naman kaya nagpunta yun?
Mabuti na lang at dumating na ang panibagong jeep, hindi na ako umupo sa haparapan alam ko naman na kasing makikipag-agawanan sa' kin ang lalaking 'yun. kaya ipinaubaya ko na lang.
Habang nagpapatahan ako ng bata rito sa may nursery room ay napansin ko ang kapwa ko nurse na pumasok rito sa may loob.
Balak ko sanang kausapin siya, ngunit agad rin itong nawala sa paningin ko, nagsimula akong makaramdam ng matinding takot, pilit kong pinapalakas ang loob ko at pinipigilan ang katawan sa panginginig baka kasi ay bigla ko na lang maibagsak ang batang karga ko.
Nang pamansin kong tulog na ang batang binuhuhat ko ay maingat ko itong iniligay sa kaniyang infant bed.
Kahit na nakakaramdam ako ng takot ay pinili ko pa ring puntahan kung saang parte ng nursery room nawala ang katulad kong nurse kanina.Muntik na akong mapasigaw nang bigla na lang akong hinigop pa ilalim mula sa my kinatatayuan ko.
Anong klaseng ospital to?
Tinahak ko ang nag-iisang daan rito sa lugar na di ko alam kung saan.
Napatakip ako ng aking bibig nang makita ko ang babaeng nurse na bigla na lamang naglaho.
Para na kasi itong patay sa paningin ko kaya naman ay kusa ko lang nailagay ang palad ko sa'king bibig, nakalagay ang buo niyang katawan sa isang hospital bed.Bakit siya lang ang mag-isa rito?
Ang nakita ko kaninang siya ay isang multo?Pikit matang lumapit ako sa may kinaroroonan niya, hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kaniya ay naramdam kong may isang taong humawak sa'king kamay.
Dahan-dahan kong inumulat ang aking mata at ang mukha ni Mr.Benx agad ang bumugad sa'kin.
Ang mga berde niyang mga mata ay sinasabing gusto niya akong patayin.Siya kaya ang pumatay sa nurse na 'to? sa pagkakaalam ko naman ay isa siyang doctor.
Kahit alam kong isa siyang doctor ay hindi ko rin maiwasang hindi makaramdam ng takot mula sa kaniya, malakas kasi ang pakiramdam ko na gusto niya akong patayin ngayon at makikita ito sa kaniyang mga mata."She is still alive, I have no intention of ending her but your life will end right here."
Tinitigan ko ang berde niyang mga mata, at masasabi kong hindi nga siya nagbibiro sa kaniyang sinabi. Mas lalo itong naging nakakatakot.
Para bang hindi na siya makapag hintay pang mawakasan ang buhay ko.
Kaya naman ay mabilis akong tumakbo baka magawa ko lang maisalba ang aking buhay.Lumiko ako sa may kanan ng hospital bed dahil yun lang ang nag-iisang puwede kong takbuhan.
Tanging pagtakbo lang ang sumasagi sa isipan ko ngayon, sa sobrang bilis ng takbo ko ay hindi ko alam na nasa may hangganan na pala ako.
Inakala kong katapusan ko na ngunit hindi pa pala, dahil ang buong katawan ko ay tumagos sa may pader
Naguguluhan na ako sa nangyayari sa sarili ko, nanaginip lang ba ako?
Kung panaginip lamang ito ay kailangan ko ng gumising, may trabaho pa akong dapat na isipin.o nababaliw ka na Crazzelle Hawke?
Paanong nandito ako sa may hagdanan ng bahay namin?
Napatakip ako sa may tenga ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni mama mula sa labas."CRAZZELLE, MAHIYA KA NAMAN SINUNDO KA PA TALAGA RITO NG BOSS MO!"
Pero kanina ay nagpaalam muna ako kay mama bago ako umalis, paanong hindi siya nagtataka na nandito pa rin ako?
May halong takot akong bumaba ng hagdan at tinahak ang daan papunta sa may pintuan palabas ng bahay.
Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa may pintuan sa labas ay bumungad na agad sa'kin si Mr. Benx at mabilis nito akong kiladkad.
Laking pasasalamat ko na nga lang dahil nasa may kusina na ngayon si mama ayaw ko na kasing madamay siya pa sa maaaring mangyari.
Hindi na ako nagpumiglas pa at kusa na lang na sumakay sa kulay itim na kotse napagmamay-ari niya.
Bahala na iisip na lang ako ng paraan para makatakas sa kaniya.Mukhang hindi lang isang panaginip ang nangyayari ngayon, matakasan ko lang talaga ang lalaking 'to ay hinding-hindi na ako babalik pa sa Raquel Hospital na' yun.
Pero paano ang mga inosenteng tao?
BINABASA MO ANG
Devo Hunters
Mystery / ThrillerPaano kung gusto mo ng makalimutan ang nakaraan at magsimula ng magandang buhay ngunit nandoon ang iyong kaligayahan? Tanging paghihintay na lang ba ang kayang gawain at sa paghihintay ay ang kasiyahang muling dumating ay hahangarin mo 'tong pasla...