Chapter 1

66 5 2
                                    

Chapter 1

"Mik, pakidala nga 'tong inorder ng dalawang yun sa dulo. Tinatawag na kasi ako ng kalikasan." Sabi ni Faye, kasamahan ko sa trabaho. Pagkaabot niya sa akin nung coffee latte. Tumakbo na siya patungong cr.

Tinignan ko yung dalawang nagorder ng coffe at nagmartsa ng papunta dun.

"MIK!"

"Ay palaka!" Nagulat ako dahil biglang sumulpot out of nowhere si Renz. Sabay ng pagkatapon ko ng coffee sa customer namin. Patay ako! Si Renz naman kasi, hindi pa nasanay na magugulatin talaga ako.

Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at pinunasan yung natapunan na polo niya.

"I'm sorry sir. Sorry po tal--" bigla siyang tumayo at bigla nalang niya akong itulak. Bagyang pagkabagsak ko sa sahig. Dali naman akong inalayan ni Renz.

"Sorry? Cmon sinadya mo yun. Shit." Sabi niya bahagyang napataas ang isang kilay ko. Bakit ko sasadyain? Eh hindi ko naman siya kilala. Sasagot sana ako ng biglang nagsalita si Renz.

"That's too much bro." Sabi ni Renz kay unknown guy na tumulak sa akin. Napansin kong napukaw na namin ang atensiyon ng iba pang costumers na may hawak ng smartphones sa kamay nila.

Hinila ko si Renz, dun sa lalaki dahil akmang susuntukin na niya sana. Wala man lang aawat at tutulong? Pag vivideo nalang ba talaga, gagawin nila?

"Enough Renz. It's my fault." Pero hindi nagpatindig si Renz at susuntukin na niya sana.

"I said enough!" Sigaw ko sakanya. Feeling Elsa ng Frozen eh.

*poooooooooooot*

May biglang umutot ng pagkalakas lakas kaya napatingin kami sa umutot.

"Pasensya.. Pero itigil niyo na yan." Sabi ng guard dito na si Manong Ben. Patawa ever talaga si Manong. Tumakbo sa gitna si Manong Ben dahil anytime magsusuntukan na 'tong dalawa.

"Fvck! Nadumihan na" tapos nagiwan sila ng 1k sa table nila bilang bayad. At umalis na.

*******

"Tell me Mik, what happened?" Sabi ng manager naming si Ma'am Kyra. Mga nasa 25 na siya.

"Natapunan ko po siya ng coffee... kasi..." napatingin ako kay Renz. Kasi naman nang gugulat siya eh. Hindi dapat mangyayari ito.

"Kasi Ate, ginulat ko si Mik. Kaya natapunan niya si Kristoff." Ay oo pala, Sila Renz ang may ari ng coffee shop na 'to. So, Kristoff pala yung pangalan nun? Pano niya kilala? Schoolmate siguro.

"Ikaw talaga Renz! Nadamay tuloy si Mikyla. Hindi kita bigyan ng allowance jan eh." Pinalo ng notebook ni Ate Kyra si Renz kaya napaaray ito.

Niyakap ni Renz si Ate Kyra patalikod "Ate naman, Alam kong hindi mo matitiis ang kapatid mong ubod ng gwapo"

Kumalas sa pagkakayap si Ate Kyra "Kadiri ka. Ubod ng gwapo? San banda sa kuko?" Tumawa nalang ako.
Pagkatapos, uwian na pala namin. Hapon na rin kasi. Am shift kasi kami. May evening shift pero hindi kami yun. 17 palang kaya kami.

"Ngayon ko lang narealize na si Kristoff pala yun. Edi sana ako nalang nagbigay ng order nila" Napatingin ako kay Faye na nilalagay yung mga gamit niya sa locker. Ano bang meron sa Kristoff na yun?

"Sino ba yun? Ang yabang eh" Sabi ko at humarap kay Faye. Ang yabang naman kasi. Alam kong kasalan ko pero bakit ganun. Kumunot ang noo niya.

"Hindi mo kilala yun? Siya si Kristoff Kim. Ang super hot at sikat sa school namin. Ay oo nga pala, hindi ka nag aaral sa Olympus High. Pero sikat talaga yun kahit outside the campus. At tama ka mayabang yun. Cold din. Basta ewan, cold na mayabang. Alam mo yun? Arrogante pa! Pero nakakainlove siya dahil ang hot niya."

Napatango nalang ako habang nilalagay ko sa locker yung pinagbihisan ko. Kahit na, pogi yun. Hindi siya exempted, I mean hindi niya kelangan mamastos. Oa naman magdescribe tong si Faye. -,- Nacurious tuloy ako sa Kristoff na yan at the same time natakot.

"Bulaga!"

"Showtime! Tse! Dahil sayo napasubo ako! Isa pang gulat susuntukin na kita." Sabi ko sakanya. Kung hindi lang talaga kita bestfriend! Ngumiti naman siya ng nakakaloka. Kaysa magsorry.

"Ang harsh mo naman Mik" sagot nito. Tinignan ko si Faye na nastarstuck kay Renz. Oh I almost forgot, may gusto si Faye kay Renz.

"Sige, mauna na kami ni Faye. Mukhang uulan pa naman." Sabi ko.

"Ito payong, Incase at sorry na rin" ngumiti ako sakanya. Inabot ko yung payong.

"Salamat. Okay na yun. Basta next time. 'Wag munang ulitin ah. Eh ikaw may payong ka?" Nagshrugged siya.

"Nagpadala naman ako kay babes ng payong eh." Narinig kong nagbuntong hininga si Faye, spell S-E-L-O-S. May girlfriend na yang si Renz. Nakakairita na nakaka ewan yung ugali.

Biglang kumalabog yung pinto kaya napatingin kami dun.

"Babe... Hey Mikyla." Halata sa pagmumukha niya ang inis. "Babe, dba sabi ko sayo ayokong kasama mo siya. Ish! Fire here. Pati na rin si Faye. Ish talaga!" Tapos nag sad face siya. Sarap batukan eh. "Tara na nga!" Tapos hinili niya si Renz. Pero tumingin si Renz sa amin.

"Bye Mik and Faye." Sigaw ni Renz.

"Ish, don't look back." Sigaw ni Kairich kay Renz.

"Thank you sa payong!" Sigaw ni Faye, kaya napatingin sa amin si Kairich at binatukan si Renz. Sarap talaga inisin si Kairich.

"I hate you!" Padabog na lumabas si Kairich at iniwan si Renz pero syempre hinabol ni Renz.

Lumabas na kami sa cafe at saktong bumuhos ang ulan.

"Mik, hatid mo nalang ako sa bus station. Magbubus ako" sabi ni Faye. Mik pala name ko. Mikyla Mich Santos. Ewan ko ba kay mama at ganyan pinangalan sa akin.

"Sge Mik. Salamat." Nagwave siya sa akin at pumasok na si Faye sa bus. Faye Otaku and name niya. Half japanese.

Nagwowork ako dahil summer naman eh. May gusto kasi akong bilhing smartphone. Yung ver ng android at apple. Mayaman naman kami pero hindi ako yung klase ng taong hihingi sa parents ng pambili ng personal na gamit.

Dumiretso ako sa tinitirhan namin ni mommy ngayon. Walking distance lang sa shop. Sa condominium, pansamantala lang naman kami dito dahil ongoing palang yung bahay namin.

Pagbukas ko ng pinto "Mom! Bakit wala na yung mga gamit natin? Nabankrupt na ba tayo? San nila dinala?" Tanong ko sa mommy ko pagkapasok ko ng unit. Wala na kasi yung mga appliances at furnitures. Bago lang kaya yun. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at sinilip.

"Pati gamit ko wala na!" Sigaw ko at bumalik kay mommy. Imbes na sagutin niya ako binatukan niya ako.

"Lilipat na tayo." Kumunot noo ko.

"Saan ma? Sa lansangan? Nabankrupt talaga tayo? Nagsugal ka? Ma?! Sabihin mo!" Inalog alog ko siya.

"Bitawan mo nga ako. Nag hyhysterical ka nanaman. Tapos na yung pinapagawa kong bahay natin." o_O Hindi kami nabankrupt or nanakawan? "Actually kami ni Tito Patrick mo ang nagpagawa nung bahay na yun." She is referring to his boyfriend. 

"Magsasama kayo sa isang bubong? Then what?! Maiiwan ako dito. Pati nga gamit ko kinuha niyo na eh. Mama naman." Umupo ako sa sahig at gumalaw galaw na parang ayaw bigyan ng laruan. Eh ganito ako eh.

Minsan ko lang nameet si Tito Patrick nung pumunta sila ni Mom sa coffee shop. He is goodlooking at mabait naman.

"Hindi ako sasama." Sabi ko.

"Sasama ka."

"Hindi." pagpilit ko.

"Sabing sasama eh"

"HINDI PO. Ako bubuhay sa sarili ko. Iwan niyo na ako ay hindi bisitahin kahit minsan. Basta hindi ako sasama."

-------------

It's Ok, It's Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon