Chapter 2
Nandito na kami sa malaking gate ng bahay na pinatayo ni mama. Imagine, kinaladkad niya ako: papunta dito. Tingin tuloy ng driver ng cab na sinakyan namin, dalagang gustong makipagkita sa jowa pero hindi pinayagan. Nakakahiya tuloy. Iniwan daw kasi ni mama yung sasakyan niya sa bahay na 'to kaya nag commute kami.
"Kasi naman ma eh. Ayoko dito. Ayoko tumira dito. Naiintindihan mo ba yun ma." Hinihili ko yung kamay ko sakanya pero mas lalo niyang hinigpitan yung pagkahawak niya sa braso ko. Ano ba naman kasi mahirap ba intindihin na ayaw ko dito. Pwede namang tumira ako mag isa sa condo eh. Independent na kaya ako. Buti nalang at huminto na yung ulan.
"Goodevening ma'am!" Masiglang bati ng guard sa bagong bahay namin. Pagkatapos niya kami papasukin. Bigla akong binitawan ni mama.
"Nakakainis ka ng bata ka. Kung ayaw mong sumama. Hala sige jan kana! Wag kang lumabas ng gate." Napakamot nalang ako ng sa ulo ko. Binitawan niya ako pero nasa loob na kami ng bakuran ng bahay. Pero wow! As in wow! Ang ganda naman dito.
Lumapit ako sa swimming pool at nilubog ko yung paa ko syempre tinggal ko yung keds kong suot.
"Lamig naman nito." Sabi ko ng ilubog ko yung paa ko sa pool. Hay! Buhay prinsesa na ako. Nasan na ba yung totoo kong papa? Product daw kasi ako at young age sabi ni mama. Tapos iniwan kami ni papa. Hindi ko nga alam itsura ng papa ko eh. Pero sabi ni mama, wag daw akong mag
tanim ng galit kay papa. Si mama nga hindi galit sakanya eh. Ako pa kaya.Nakarinig ako ng footsteps kaya lumingon ako sa likod pero bago pa ako makalingon biglang may nanulak sa akin sa pool.
*bloop* *bloop* *bloop*
"H-help! I d-dont know how to s-swim." Sigaw ko. I tried my best para makaahon pero...
"Serves you right, b*tch! " nakikita ko sa peripheral vision ko babaeng nanulak sa akin.
"Riana, Grounded ka for one month. No shopping, gadgets and friends!" Rinig kong sabi ni Tito Patrick. Anak niya siguro yung tumulak sa akin pero I'm pretending na tulog pa rin. Buti at buhay pa ako. Mukhang pinapagalitan ata yung tumulak sa akin ah. May sumagip kasi sa akin pero hindi malinaw yung paningin ko. Kaya after niya ako CPR, Ngumiti nalang ako at naantok ako eh.
"I dont mean it." Paliwanag ng babae. Napatsk ako pero mahina lang. Don't mean it? Eh naalala ko pa yung sinabi niyang kaninang serves you right, b*tch Hindi ko nga alam kasalan ko at lalong hindi ko siya kilala.
Narinig kong bumukas yung door and It means lumabas na sila.
"Hey! Stop pretending! I know you are not sleeping." Aba maldita 'to ah. Ramdam kong paa niya ang pinangkalabit niya sa akin! Walang modo! Leche!
"Oh paki mo?" Pagtataray ko at sumandal sa headboard ng kama.
"I know you are evil. But I'm evil than you!" She rolled her eyes. Jusko! Hindi ako demonyo. -_- Naiinis ako sakanya plastik siya plastik. Teka parang namumukaan ko siya. San na ba yun?
"Ikaw ba yung babaeng kasama nung natapunan ng kape kanina sa shop?" Sabi ko.
"Exactly. And that boy is MY brother. Only MINE." Napataas ang kilay ko. The hell I care with his brother? Pero parang may hugot sa MINE at MY niya eh. Pero... what?! BROTHER?! AS IN DITO RIN SIYA NAKATIRA?!
Sasagot sana ako ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto. Kaya napatingin ako dun.
"Oh Mik, gising ka na pala. Are you okay honey?" Sabi ni mom papalapit sa akin. Tumango ako at ngumiti sakanya.
"I better get going. Tch" Pagmamaktol ni Riana habang lumabas ng padabog.
"Ma tignan mo ugali nun."sabi ko. Ang sama kasi. Sarap ilublub sa tabo.
BINABASA MO ANG
It's Ok, It's Pag-ibig
Teen FictionMainis, Maasar, Mainlove sa bawat ugali nila. Kung ikaw ang nasa posisyon niya masasabi mo pa kayang IT'S OK, IT'S PAG-IBIG. © 2015