Naglalakad ako sa hallway ng mapasulyap ako sa isang lalake na matangkad, matalino, na nakapamulsahan habang naglalakad patungong room nila. Ang gwapo talaga nya... bulong ko sa sarili ko.
Si Kuya Daniel. Isang fourth year high school. Matalino. Masungit, dedma lang. Ewan ko ba kung bakit sa libo-libong lalake dito sa school e sya pa ang napili ng puso ko para tumibok ng kusa ang puso ko.
"Tabi!!!!" sigaw sakin ng isang lalaking naka-bubble gum. Si Tommo. Ang makulit na kapatid ng bestfriend ko na ang pangalan ay Caaya.
"Tommo, ang angas mo na naman, absent si Caaya ngayon no?" pagtatanong ko sa kanya. Maangas kasi sya kapag absent ang ate nya.
"Malamang sa alamang, Irish" sagot naman nito.
"Sige, una na ako sayo" litanya ko at muling sinulyapan si Kuya Daniel na ngayo'y may kinakausap na babae. Siguro, girl friend nya yun. Bulong ko sa sarili ko. Hindi naman kasi imposible yun kasi gwapo at matalino si Kuya Daniel hindi katulad nitong si Tommo.
"Teka lang, Irish, sabay na tayo" yaya nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Teka, anong nakain mo?? Naka-singhot ka siguro ng katol kaninang umaga no kaya ang bait mo ngayon" pang-aasar ko sa kanya habang naglalakad patungong silid.
"Porket makikisabay lang sayo naka-singhot agad ng katol. Hindi ba pwedeng sinipag akong maki-sabay sa matalinong si Irish Sandoval ng 1-Palma" agad nyang sabi. Hay, mag-kapatid nga sila ni Caaya. Masyadong defensive at ayaw mag-patalo.
Naglakad na kami at nag-usap. Mabait si Tommo at pala-kaibigan kaso sa sobrang pala-kaibiganin nya, nami-miss understand na ito ng iba. Na feeling ng mga babaeng kinakausap nya ay gusto na nya.
"Tommo, sige pasok na ako" paalam ko sa kanya.
"Sige!! Ingat!" sigaw nya habang patakbong naglalakad paalis dahil sa dulo pa ng building ang room nya. Napangiti na lang ako sa ginawa nya. Pwede naman kasing maki-sabay na lang sya sa iba, sakin pa talaga na sobrang layo ang distansya ng room namin. Tss.
Umupo ako sa aking silya gaya ng kinagawian. Wala ang bestfriend ko kaya mag-isa lang ako. Kilala ako sa room na matalino pero hindi masyadong nakikipag-usap sa iba. Pili ang aking mga kaibigan dahil takot akong maiwanan. Si Kuya Daniel kaya, ano ng ginagawa? pagtatanong ko sa aking sarili. Simula kasi ng grade three ako, gusto ko na talaga sya kahit na grade four na sya nang taong iyon. Kaya nga nang gum-raduate sya, at kaka-grade six ko pa lang non, hindi sya naalis sa isip ko at palagi ko syang naaalala. Kaya nung nag-high school ako, hinanap ko talaga ang paaralang pinapasukan nya. At nagwagi naman ako dun dahil nandito ako sa Saint Celestine High.
Dumating na ang aming guro kaya tahimik akong nakinig. Mariin akong tumingin sa labas at natagpuan ng mata ko ang nais kong makita. Si Kuya Daniel na may hawak na gitara. Araw nga pala ngayon ng try out sa banda ng school. Magalingsyang kumanta at mag-gitara kaya hindi na imposibleng maka-pasok sya rito. Sa oras na maka-pasok sya sa bandang iyon, kahit na hindi ako marunong kumanta, gagawin ko para sa kanya. Marunong naman akong mag-gitara kaya keri ko iyon. Basta para kay Kuya Daniel.
Masaya kong pinagmasdan si Kuya Daniel na nag-gigitara habang ang guro naman namin ay busy sa pag-tuturo. Masarap titigan si Kuya Daniel kahit na seryoso ang mukha nya. Maamo ito hindi katulad ng iba. Makinis ang mukha nya at walang bahid ng acne. Para siyang anghel na bumaba sa langit sa sobrang kakisigan kahit na maliit ang kanyang katawan. Di bale, dagdag pogi points naman sa kanya ang maliit at manipis na katawan eh. Pagkukumbinsi ko sa sarili ko. At dahil sa sobrang ka-busy-han ko sa panunuod kay Kuya Daniel, napagalitan ako ng aking guro, napagtawanan ng aking mga kaklase, at napahiya kay Kuya Daniel dahil napa-tingin sya sa banda ko. Dali-dali kong itinakip ang aking notebook sa mukha ko para hindi niya ako makita. Ayokong makita nya akong pinapagalitan ng guro ko ng dahil sa kanya kasi wala naman akong magandang dahilang idadahilan sa kanya. Tutal, hindi naman nya ako kilala.
Matapos ang ilang sermon, tumunog ang bell at dali-dali akong tumakbo papuntang kubo ng school na kung saan ay ako lang ata ang nakaka-alam dahil sa ito ay sa dulo ng paaralan. Tinakbo ko ito hanggang sa marating ang kubo. Huminga ako ng malalim at umupo sa isang bakante.
"Bakit ba kasi ang kulit mo? Nagtuturo ang guro pero sa iba ka naka-focus?" pagalit kong tanong sa sarili ko. "Hindi magandang eksampol ka sa iba. Matalino ka pa namang turingin, tapos dahil lang sa kanya, nagkakaganyan ka? Hindi mo naman sya nilalapitan at kinakausap bakit ka nagkaka-ganya?" asar na tanong ko sa sarili ko. Para na siguro akong baliw na kinaka-usap ang aking sarili buhat ng pagalitan ako ng aking guro. "Pero okay lang, diba? Nakita ka naman ni Kuya Daniel. Okay ka lang kasi nakita ka nyang pinapagalitan ng guro mo?!" dagdag ko. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ilalabas ko. Kung magiging masaya ba, malungkot, maaawa sa sarili, matatakot, o mahihiya. Minsan na nga lang tingnan nya, yung napapagalitan ka pa! bulong ko sa sarili ko.
Nahinto ang aking ginagaw nang may marinig akong yabag ng paa sa likod
ng kubo. Agad akong napa-sapo sa aking mata dahil baka isa iyong multo. "Ano ka ba Irish, walang multo sa mundong ito!" saway ko sa sarili ko hanggang sa naka-rinig ako ng malakas na tawa mula sa yabag na iyon. Na-aalala ko ang boses ng tawa na iyon kaya napa-laki ako ng mata. Ngayon ko lang sya narinig na tumawa ng ganya. Ang sarap pakinggan na wari moy isang musikang sinasaliwan ng isang napaka-gandang tunog ng gitara. Parang ayaw ko ng itigil... "Kuya Daniel?" pagtatanong ko at wala akong sagot na narinig. "Kuya Daniel, labas na po kayo dyan" sabi ko sa kanya kaya napilitan syang lumabas sa tinataguan nya.
"Sorry, akala ko kasi walang tao dito. Sige una na ako" sabi nya pero pinigilan ko sya.
"Kuya Daniel!" sigaw ko pero hindi sya huminto at kumaway na lang.

BINABASA MO ANG
Finding My Way To His Heart
Teen FictionI want this story to be publish under PSICOM kaya gagandahan ko talaga to. First try ko to. Sana maganda ang feedback.