Two

33 5 1
                                        

A/N: Yan oh, mag-u-ud na ako. Nangangati kamay ko ii. @Raichiko_BTS18 i want to dedicate this chapter to you because i think you are a kindhearted person. Thanks again for voting my stories and i think we'll be good friends i hope...xd. Echosera si Author eh, pa-english english pa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Si Kuya Daniel ba talaga yun????

OO NGA!!!! wha!!!


Ang sarap pakinggan ng kanyang tawa. Para akong nasa teatro at nanunuod at nakikini ng tugtuging nilikha para pasayahin at pagaanin ang loob ng isang tao. Napaka-gandang tawa ang ngayon ko lang narinig mula sa kanya. At ngayon ko lang syang nakita at narinig na tumawa ng ganun dahil palaging mukhang pandigma ang ekspresyon niya sa tuwing uuwi at papasok sya sa eskwela. Grabe, kung nakakabuhay ang pagtawa nya, siguro aabutin ako ng milyong taon kung araw-araw kong maririnig ang napaka-ganda nyang pagtawa.


"Kuya Daniel, bagay sayo kapag tumatawa ka. Mas lalo kang guma-gwapo" ito sana ang nais kong sabihin sa kanya kanina kaya lang ay umalis na sya agad.



Kinabukasan, pumasok ako ng maaga para masilayan ang bumihag ng aking puso, nakss bumihag talaga na si Kuya Daniel. Gusto ko syang kausapin at patawanin hanggang sa hindi na nya kayang tumawa pa. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahalaga sya sakin. Gusto kong malaman nya na gustong-gusto sya ng heart ko at ayaw siyang tigilan nito.


Nagwagi naman ako at nakita ko siya. This is your time Irish. Prove yourself to him. That you are worth it to be his friends or morethan that. Mariing bulong ko sa sarili ko. Lalapit na sana ako kay Kuya Daniel kaso nakita ko siyang lumapit kay Ate Rhiya. Kinakausap na naman niya si Ate Rhiya. Bakit pa nga ba ako magtataka kung tuwina ay kakausapin siya ni Ate Rhiya kung gayo'y magka-klase silang dalawa. Okay sana ako sa nakita ko kaso nakita ko silang nagtatawanan. Si Ate Rhiya, halata sa kanya na masaya sya pero hindi ko alam kung ganon din ang nararamdaman ni Kuya Daniel. Hindi ko makita kung anu bang emosyon ang nilalabas niya dahil nakatalikod siya mula sa akin.


Ano nga ba ang panama ko kay Ate Rhiya na maganda, matalino at sikat sa paaralan kumpara sa akin na wala. Walang wala sa kanya.



Sa hindi inaasahang pangyayari, naulinagan ko na lang na naglalakad na pala ako sa direksyong papalayo sa kanilang dalawa. Bigla-bigla'y nakaramdam ako ng kirot banda sa dibdib ko o mas maigi kung sasabihin kong sa tapat ng aking puso o puso na mismo. Gusto kong umiyak pero wala naman akong karapatan para umiyak. Wala akong magandang dahilan para umarte ng ganito kasi sino ba naman ako para kay Kuya Daniel?


Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko mula sa aking mga mata. Maiinit at tuloy-tuloy na luha. Gusto ko mang pigilan kaso kabaligtaran ang lumalabas. Lalong dumarami na halos hindi ko na makita ang daraanan ko dahil sa sobrang daming tubig ang lumalabas sa mga mata ko.



"Irish, umiiyak ka", rinig kong sabi ni Kuya Daniel. Si Kuya Daniel? Bakit nasa harapan ko siya?


"W-ala ito Kuya Daniel, napuwing lang" pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko sa kanyang 'umiiyak ako kasi nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan para magselos'

Finding My Way To His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon