Chapter 6

740 36 8
                                    

Dean's POV

Limang buwan na din ang nakakalipas simula nung matanggap namin ang sulat na nakapasa nga si Justine sa bar exam nya at tatlong buwan na ang lumipas simula nung nagpatayo sya ng maliit na tindahan ng Auto parts supply dito sa aming probinsya at maganda naman ang kinikita dahil dito na bumibili ng mga kagamitan sa sasakyan ang karamihan maging ang mga nakatira sa kalapit na bayan. Nagtayo din sya ng maliit na talyer tulad ng naging usapan nila ay umalis na sa mga dati nilang trabaho ang mga kaibigan namin at dito na sila nagtrabaho sa business na itinayo ni Justine. Si Mela at Bang na girlfriend nila Kim at Vic ang namamahala sa Auto parts shop habang sila Frans naman ang sa talyer tapos kami naman nila Kuya Alex at Brent ay tumutulong sa pagbabantay sa shop tapos habang si Michael at Dwaine sa talyer, kahit naman Civil Engineering talaga ang gusto ni Michael eh may alam naman sya sa pag aayos ng mga sasakyan syempre may alam din kami di nga lang kasing galing ni Dwaine at Justine na naging side line na din nila kahit papaano nung lahat pa kami ay nag aaral pa

" Oh kamusta naman kayo dito parang enjoy na enjoy ahh" natatawa kong bati sa kanila

" Hindi lang parang tol enjoy na enjoy talaga kami kasi nga wala ng masungit na boss ang bubunganga sa amin tuwing umaga haha" malokong sagot ni Frans, kahit kailan talaga ang taong 'to ayaw na ayaw sa boss nya napipilitan lang talaga ang isang 'to magtrabaho sa dati nyang trabaho dahil wala pang ibang mapapasukan kaya nung nag start na si Justine sa business nyang ito ay nagsi resign na silang tatlo sa dati nilang mga trabaho at ganun din ang mga girlfriend nila dahil mas masaya daw kung kami kaming magkakaibigan ang magkakasama sa trabaho dahil alam na namin ang kilos ng bawat isa haha oh di ba ang tatalino

" Hay naku ikaw talaga Frans ang laki ng galit mo sa dati mong boss" mapang asar naman na sabi ni Kim at Vic, magsisimula na naman ang mga 'to sa asaran kahit na ang aga aga pa para mag asaran haha

" Bakit kayo ba wala kayong galit sa dati nyong boss? pare pareho lang naman ugali ng mga dati nating boss kasi magkakapatid sila" balik pang aasar nya sa dalawa haha, hay naku ang saya lang nilang tingnan haha

" Tama na nga yan baka kung saan pa umabot yang asaran nyo" pag awat ko sa kanila " Oh ito na agahan nyo kumain na muna kayo habang wala pang masyadong nagpapaayos ng nasiraang sasakyan" pagkatapos kong ihain ang kakainin nila, pinatayo namin ang Hardware at talyer na ito gamit ang perang naipon namin simula pa noong high school hanggang nag college kami sa lupang naipamanapa pa kay Lola ng Tatay nya noon na hindi nya pa napatayuan ng bahay noon dahil kulang sa pera at may bahay naman sila ng Lolo pero di na namin naabutan ang asawa nya kasi maaga itong nawala at wala din silang anak, kaya dito na sila kumakain ng agahan dahil dito na din sila natutulog sa bahay sa second floor para makabawas sa gastusin nila lalo pa at nangungupahan lang sila dito sa probinsya namin dahil mga galing syudad ang mga ito lumipat lang ng probinsya dahil napaka gulo daw sa syudad at walang sariwang hangin, nasabi ko na ba sa inyo na naging magkakaibigan lang kami nung nasa kolehiyo na kami pero tinuturing na namin ang isa't isa na magkababata dahil kami kami lang din naman ang magkakaibigan ng mga panhong iyo hanggang sa huminto kami nila Kuya sa pag aaral dahil hindi na namin matustusan ang pag aaral naming anim dahil sa hirap ng buhay hindi katulad nila na kahit papaano ay pinapadalahan ng mga magulang nila ng pera hanggang sa makayanan na nilang magtrabaho para sa sarili nila at sila naman ang tumutulong sa pamilya nila. Nakapag tapos silang apat bilang mga Computer Engineer pero hindi nila ito ginamit dahil mas gusto nila ang pagkukumpuni ng kung ano ano oh di ba may mga sayad din ang mga ito eh haha

" Yun ohh may libreng tirahan na may libreng kain pa ang bait talaga ng mga boss namin ngayon" pambobola pa ni Kim sa akin

Probinsyano'sWhere stories live. Discover now