Chapter 7

698 34 4
                                    


Michael's POV

Isang buwan na ang nakalipas nung natapos na ang exam at ang resulta na lang ang hinihintay namin para malaman kung naipasa ba namin ang exam, pero sana pasado dahil sayang din yung opportunity kahit ayaw namin iwan sila dito ay kailangan para matupad na namin ang mga pangarap namin at maiahon na namin ng tuluyan sa hirap ng buhay si Lola

" Sana makapasa tayo noh" di ko namalayan nandito na pala sa tabi ko si Kuya Alex

" Kaya nga Kuya eh, kahit naman ayaw kong iwan sila Lola dito ng dalawang taon pero kailangan para din sa kanila" pagsagot ko sa sinabi nya

" Ako din naman eh ayaw kong iwan sila Lola dito, pero wala naman tayong mapapasukang matinong trabaho at di natin matutulungan si Justine kung di tayo makakapagtapos ng pag aaral" ramdam ko ang lungkot pero may halong determinasyon para maiahon ang buhay namin sa hirap sa sinabi ni Kuya

" Pero alam mo Kuya sa oras na makatapos na tayo sa pag aaral pinapangako ko na magsusumikap ako para mapadali ang pag ahon natin sa kahirapan" determinado kong sabi

" Hindi lang ikaw ang magsusumikap Michael, tayong anim ang magsusumikap para maiahon ang buhay natin sa kahirapan at maipagpatuloy natin ang pag memedisina natin, sayang din yun lalo pa't nasimulan na natin" nakangiti nyang sabi sa akin sabay tapik ng mahina sa balikat ko bago ako iwan kung saan kami nag uusap

" Tama ka Kuya magsusumikap tayo" nakangiti kong bulong bago sumunod sa kanya

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

" Oh saan kayo galing ni Kuya Alex at magkasunuran lang kayong dumating?" tanong ni Dwaine sa akin ng makapasok ako sa talyer

" Dyan lang may napag usapan lang na di mo na kailangan pang malaman haha" pang aasar ko sa kanya, matapos kong sabihin yun ay nakita ko kung paano nagsalubong ang mga kilay nya dahil sa sinabi ko haha ang sarap talagang asarin ng isang 'to dahil madali syang maasar. Okay fun fact lang tungkol sa kanya, wag na wag kayong magbibiro sa harap nya kapag may ginagawa syang importante kasi baka mabato ka nya ng kung ano mang mahawakan nya brutal yan eh walang pakialam kung makakasakit ba yung ipangbabato nya sayo o hindi haha katulad nyagon may inaayos syang kotse na nasiraan edi alam nyo na ang kasunod ng pang aasar ko sa kanya haha

" Alam mo ikaw nagtatanong ako ng maayos dito tapos babarahin mo lang ako" sabay bato sa akin ng hawak nya na hindi ko alam kung ano man yun pero buti na lang at nakaiwas ako kundi baka nagkabukol na ako, kita nyo na sabi ko sa inyo eh wala yang pakialam kahit na anong ipangbabato nya basta sya mangbabato lang basta basta asar eh haha

" Ewan ko sayo Dwaine, tapusin mo na lang yang ginagawa mo at sumunod sa akin nag text si Dean na pinapauwi muna tayo ni Kuya Alex kasi dumating na daw yung result ng exam natin para sa scholarship sa pag aaral natin sa Harvard kung makakapasa tayo" pag iiba ko na lang ng usapan baka lalo pang maasar maibato pa ang lahat ng mga tools na nasa tabi nya

Probinsyano'sWhere stories live. Discover now