Harris POV
Isang mainam na gising ang araw na ito para sa akin, kahit na sa totoo lang hindi ko ugaling gumigising ng alas singko ng umaga. Wala naman akong choice dahil ngayon ang aking unang araw sa trabaho. I couldn't be that guy who usually stays up late up to 2 o'clock in the morning and wakes up at 10 o'clock anymore. I guess have to adjust myself into this new routine of my life. Pero sa totoo lang I will badly miss my staying-up-late routine dahil sa kakalaro ng PC games at sa kakanood ng mga BL series. Huminga na lang ako ng malalim at bumangon na habang hinahalina na ang aking ilong sa amoy ng sinangag na sigurado akong nanggagaling sa aming kusina.
"Good morning Anak!" Masiglang bati sa akin ni Mama suot ang kanyang paboritong apron habang pababa ako ng hagdanan. "Kamusta ang gising mo?"
"Inaantok pa ako Ma." Sagot ko habang nagkakamot pa ng aking mga matang pilit kong binabangon sa pagka antok.
Tumawa siya. "Naku masasanay ka din 'nak. Hindi ka ba excited sa una mong trabaho?"
"Hindi naman sa hindi excited Ma, kaso kilala mo naman akong alas 10 pa ang gising" Sagot kong muli habang tinutungo ang hapag kainan. "Aba, ang sarap naman ng nasa mesa."
"Bolero, kahit pritong itlog at tocino lang 'yan. Wala naming special." Tugon nya.
Lumapit ako palapit sa kanya sa kusina habang nakikita ko siyang nag gigisa ng napakaraming bawang sa kawali.
"Pero eto, alam kong special ang sinangag mo." Gustong gusto ko talaga ang amoy ng ginigisang bawang. For me this must be the aroma of breakfast.
"Naku alam ko namang gusto mo ng maraming bawang sa sinangag" Kinurot nya ang aking pisngi. "O siya i-abot mo nga 'yang kanin at lulutuin ko pa 'tong sinangag mo at maligo ka na baka ma late ka pa sa unang araw mo." Nakanguso siya sa direksyon kung saan nakalagay ang rice cooker na may lamang sinaing na natira pa kahapon.
Mula nang pumanaw si Papa noong nakaraang dalawang buwan dahil sa COVID, siya na ang naging nanay at tatay ko. Dama ko pa din sa kanya ang kalungkutan subalit mas pinipili niyang maging masigla para sa akin. Ito din ang naging rason para maghanap ako ng trabaho. May trabaho man si Mama subalit alam kong hindi sasapat ang kanyang kinikita upang pangsustento sa aming bayad sa upa, ulitility bills at sa aming pagkain at pangangailangan sa araw-araw. Noong araw na sinabi ko sa kanyang maghahanap ako ng trabaho ay pinigilan niya ako at kakayanin naman niya subalit ayoko naman na maging taong bahay lang din, given na graduate na ako sa kolehiyo at hindi lang makahanap ng trabaho sa ngayon dahil matumal ang hiring sa field ng kurso kong Hospitality Management. Mabuti na lang may mga ibang trabaho pa ding bukas sa pagtanggap ng empleyado tulad na lamang sa industriya ng BPO. For me they are lifesavers sa tulad kong hirap makahanap ng trabaho, given in this pandemic times na madaming tao na nawawalan ng trabaho.
Binilisan ko na ang aking kilos at nakapaghanda na para sa pagpasok ko. Wala namang kailangang uniporme sa aking papasukan kaya tamang pastel green T-shirt at black denim jeans at ang aking paboritong white Chuck Taylor shoes na halos pakupas na. Hindi bale at sinisiguro kong makakabili muli ng bago in the event na makuha ko ang aking unang sahod and this was already added on my Must Buy list. Tumungo muli ako sa hapag kainan at naroon si Mama na naglalagay ng bagong saing na kanin sa aking lunchbox.
"Namiss ko talaga 'tong pinaghahandaan kita ng baon." Nakangiti niyang sabi habang iniibabaw naman ang ulam sa kanin na nasa baunan." Sana hindi mo ako pipigilang maghanda ng baon sa'yo nak." Bumaling siya sa aking nakangiti.
"Sus, papalambing ka lang Ma eh. Halika nga dito." Hinalikan ko ang kanyang kaliwang pisngi at niyakap. "Alam mo Ma, napagtanto ko lang din talaga na hindi ko kailangan ng jowa sa buhay at heto ka naman na todo ang alaga sa akin." Biro ko.
BINABASA MO ANG
Love Station
RomanceHow does it turn when two stranger guys suddenly meet frequently on a train station? This is a story of an open gay man and a guy which became friends after numerous times of seeing each other unexpectedly in a train station. A story of newfound fri...