General's POV
Kina-umagahan maagang nagising si Yanna, katatapos lang niyang magbihis ng may nagdoorbell. Di pa siya nakakababa nang may sumigaw..
"Huy! Yanna! Bilisan mo naman."
Dali-dali siyang lumabas dala ang mga gamit niya.
"Kung maka-hoy ka Camille ha, grabe ka, Sino ba may sabi sayong sunduin mo ko ha?"
"Ah, ayaw mo ? Sige madali naman akong kausap eh.."-akmang papasok na sa sasakyan si Camille pero pinigilan siya ni Yanna.
"Joke lang Bez, ikaw kasi eh, ang ganda ng gising ko tapos sisigawan mo lang ako. tsk" sabi ni Yanna na nakasimangot,pero napalitan din agad ng ngiti.
"Ang weird mo ah Anyare?" Nagtatakang tanong ni Camille
"Wala naman, pero may utang ka sakin.." sabi ni Yanna na parang nagtatampo
"Ano naman utang ko sayo?" Nagtatakang tanong ni Camille dahil wala siyang matandaang utang kay Yanna.
"Di mo kaya ako sinamahan sa Mall kahapon" sabi ni Yanna habang nakanguso.
"Sus, di ba sabi ko sayo na may bisita ako? Wag ka na magtampo bez" paglalambing ni Camille sa kaibigan..
"Pero ok lang bez.. ^_^" sabi ni Yanna na ang laki ng ngiti.
Naguluhan naman si Camille sa inasta ng kaibigan kaya binatukan niya ito.
"Aray Camille.. makapambatok ha.. tsk." reklamo ni Yanna.
"Ang gulo mo kasi, baliw ka na ba? Dadalhin na ba kita sa mental? Ano ba nangyayari sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Camille
"Ganito kasi yun bez... Kahapon..."
Ayun.. kinwento ni Yanna kay Camille ang nangyari kahapon..//
Habang si Julian naman...
Kadarating niya lang sa school na pinapasukan niya.. Halatang good mood kasi ang laki ng ngiti..
"Sir, good mood ka ata?"yan ang kadalasang tinataning sa kanya ng mga co-teachers at students niya.
Mula kasi nung lumipat siya ng school, Super serious siya, minsan lang nakikipag-usap. Pero ngayon, lahat ng bumabati sa kanya, nginingitian niya. Nakikipagbiruan pa siya sa mga estudyante niya.
//
Yanna's POV
Lunch break namin ngayon. Andito ako sa cafeteria, hinihintay si Camille.
"Yanna, kanina ka pa?" Camille habang nilakapag ang bag.
"Medyo, si Amiel.. asan?"- tanong ko
"Next time na lang daw siya sasabay, busy pa da...."
Di pa tapos magsalita si Camille ng may kumalabit sakin.. Paglingon ko... Isang cute na batang lalaki ang nakita ko.. May dala siyang take out From Jollibee. Ngumiti ako at pinisil ang pisngi ng bata.
"Ate, for you po." inabot niya sakin ang dala niyang supot.
"Ha? For me?" Tumango ang bata.
"Anong name mo? Kanino galing 'tong food?" Tanong ni Yanna habang nakangiti.
"My name is Theodore. I have to go na po. My mom is waiting na. Bye ate. You'll know him soon" ngumiti ang bata tsaka umalis.
BINABASA MO ANG
They Dont Know About Us
FanfictionA Teacher and Student Story :) Mariestella Racal and Daniel Kenji Matsunaga ^_*