Yanna's POV
Pagkalabas ko ng bahay ay agad niya akong sinalubong at kiniss sa pisngi. Nagulat ako sa ginawa niya, tiningnan ko siya. Ngumiti siya , kaya ngumiti nalang din ako. Inalalayan niya ako at pinagbuksan ng pinto.
Naninibago ako sa kanya, ang sweet at ang gentleman niya. Aminado akong gusto ko ang kinikilos niya ngayon. hehe Di ko nalang pinansin baka maganda lang talaga ang mood niya.
Tahimik lang ang buong biyahe.. di ko alam kung saan kami pupunta..
Julian's POV
Papunta kami ni Yanna sa resthouse na pinagawa ko 2years ago. Ipapasyal ko siya dun. At alam kong magugustuhan niya dun.
Napagdesisyunan kong ligawan siya ng palihim, gusto kong maramdaman niya kung gaano siya ka-special sakin.. kaya wag na kayong magtaka sa ginawa kong pagkiss kay Yanna hehe.. Gumagawa na anko ng moves.. hehe
Ilang minuto nalang ay makakarating na kami.. Saglit kong sinulyapan ang natutulog na si Yanna. Napangiti ako. tagal kong hinintay na mangyari to...
//
Yanna's POV
"Yanna"
napamulat ako ng maramdaman kong may yumuyogyog sakin.
"Yann, andito na tayo."- Bungad ni Sir Ian na Nakangiti sakin.
Napangiti din ako.. Sino bang hindi mapapangiti kung sa paggising mo, gwapong mukha ang sasalubong sayo diba? hehe
"Tara?"- sabi niya.
Tumango ako at inalalayang bumaba ng kotse.. Pagkalabas ko.... Namangha ako sa nakita ko.. Ang daming bulaklak, ang ganda.. tinignan ko siya..
"Nagustuhan mo ba?"- tanong niya
"Oo sobra.. Sobrang ganda. Nasa pinas paba tayo,Sir?" - tanong ko na aobrang na-aamaze parin.
Narinig kong tumawa siya.
"Oo, nasa pinas kapa haha.. binili ko tong place nato two years ago at nagpagawa ako ng resthouse."
"Resthouse? Asan?"-tanong ko habang palinga-lingang hinanap ang pinagawa niya.
Natawa ulit siya.
"Come with me." -sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.. tinanggap ko naman at pumasok kami sa isang maliit na gate.. Pagpasok namin, isang mahabang path way ang makikita at sa duli nun ay ang isang two storey na bahay. Napapalibutan ito ng iba't-ibang klaseng bulaklak.
"Ang ganda naman dito,Sir."- di ko mapigilang sabi.
"Yanna."-tawag niya.
"Hmmm?"
"Ahm.. pwedeng Ian nalang itawag mo sakin? Tutal tayong dalawa lang naman dito, masyado kasing pormal eh.." -sabi niya. Ngumiti ako.
"Ok, Ian."-sabi ko. ngumiti siya.
"Tara, may ipapakita ako sayo."-sabi niya at hinila niya ako papunta sa likod ng bahay.
Di pa kami nakakarating nang may marinig akong lagaslas ng tubig. Pagkarating namin, makikita agad ang napakagandang ilog. Sa di kalayuan, may makikita ring malaking puno, isang bench at may duyan din.
"Nagustuhan mo ba?" -tanong niya.
"Oo naman, gusto ko na nga yatang dito na tumira eh" -sabi ko nang nakangiti.
"Ah, Yanna.. nagugutom kana ba?"- tanong niya.
"Hindi pa naman, tara duyan tayo dun."-sabi ko at siya naman ang hinila ko.
A/N
Di niyo ba napansin na magkahawak parin sila ng kamay mula pa kanina nung dumating sika? Hehe Nagsimula na ang mga kilig moments nila... :)
Support po kayo guys, and wag kalimutang mag VOTE VOTE VOTE ^_^V
BINABASA MO ANG
They Dont Know About Us
FanfictionA Teacher and Student Story :) Mariestella Racal and Daniel Kenji Matsunaga ^_*