Chapter 1
Sexual harassment is not a joke!
Naglalakad ako habang tinatahak ang madilim na iskinita. Madaling araw na pero heto ako at pauwi pa lang. Puno ng gasgas, pasa at punit-punit ang damit. May sugat pa ako sa pisnge at may dugo din sa kamay.
Marahan akong natawa gamit ang aking malalim na boses. Bawat nadadaanan ko sa iskinita may nahuhulog na dugo at humahalo iyon sa tubig. Kaka-ulan lang kasi kanina kaya naman ganitong dis-oras na ako nakauwi.
May iilan akong nadaanan na mga tambay, umiinom ng alak at ang iba ay may hinihipan pa. Mabaho, masikip at maputik ang bawat nadadaanan ko. Marahan akong napangisi ng makuha ko ang atensiyon ng mga lasing at gumagamit ng droga.
Nanlalaki ang mga mata nila habang nakatingin sakin. I shrugged then smirked. Halos magkatumba-tumba sila para maunahan ang iba nilang kasama palayo sakin. Nang mawala na sila sa lugar na pinag-lulunggaan nila tinapon ko ang patalim na ginamit ko.
Sa sobrang tahimik gumawa ng ingay ang kutsilyong tinapon ko na mayroong makapal na dugo doon. Napahinto ako ng bigla na naman bumuhos ang ulan pero binalewala ko na lang. Naliligo na ako ng dugo't pawis bakit ko pa tatanggihan ang grasyang tubig-ulan?
Napapikit ako ng may mga ilang butil ang tumama sa mata ko pababa hanggang pisnge. One evil person just died a while ago. Sigurado ako mamayang umaga tampok na naman sa balita 'yun. Nasisigurado ko din na nanginginig na sa takot ang mga kasamahan ng lalaking iyon dahil alam nilang sila na ang susunod.
Ingay ng kapit-bahay, sigawan ng mag-asawang nanggugulo at mga batang kumakatok sa pinto ng bahay ko. Marahan ako napatayo habang binabanat ang mga buto ko. Ano na akong oras nakatulog kagabi kakanood ng horror movie at pang-psycho na mga k-drama ang kalaban, ay naku. In the end, nahuhuli din sila at nanalo ang mga mabubuti.
"Ate Gretha, ano almusal?" Bungad sakin ni Michael, isang batang lansangan na pinabayaan ng mga magulang sa sako matapos siyang iluwal at buuin, payat at gusgusin din.
Napamasahe ako sa ulo. Ako nga din hindi ko pa alam kung ano kakainin ko e.
"Ate, pwedi dito ulit kami mamayang gabi?" Tanong sa'kin ni Mika, ang kapa-kapatidan nila Michael. Ang kapareho nitong na-abandona din ng mga magulang nila. Payat at gusgusin din.
"Tara pasok kayo," inaantok pa na sambit ko.
"Uyy, nakita n'yo ba 'yung mga pulis kanina sa iskinita sa dulong parte ng lugar natin?" dinig ko na usapan ng mga ale sa tabi ng bahay ko.
Sinara ko na ang pinto at napangisi. May pakpak nga ang balita. Ang bilis nilang rumesponde sa tira ko pero kapag may pinapa-huling mga drug lord o kurakot sa gobyerno wala silang maipakita. Kailangan pa ba talagang may maiwan muna bago silang kumilos?
Napaka-bagal ng sistema dito at hindi na bago 'yun. Basta may makuhang benepisyo talagang titikom ang mga bibig at pipikit ang mga mata ng mga taong nakakita at may nalalaman.
"Kaya ikaw, Gretha, mag-ingat ka! Ikaw lang pa naman mag-isa d'yan sa bahay mo," paalala sakin ng Aling Koring.
"Opo, papasok na po ako. Salamat po" paalam ko at inasikaso na ang mga batang nagugutom na.
Binuksan nila ang t.v. habang hinihintay akong matapos sa pagluluto. Kung wala ako, sino'ng magpapa-kain sa mga batang ito? Napaka-pabaya ng mga magulang nila, tch!
"Isang patalim sa isang iskinita ng barangay Tangglaw ang nakita at hinihinalang ginamit ng salarin sa pagpatay sa isang lalaking pinagkakamalang human-trafficer, rapist at umaabuso sa kapangyarihan nito sa pwesto sa kanilang lugar na si Kalbo De Kargo, isang kagawad sa barangay Tangglaw. Pinaniniwalaan na naganap ang krimen sa lugar ng biktima-"
![](https://img.wattpad.com/cover/309630047-288-k423012.jpg)
YOU ARE READING
Psycho
Mystery / ThrillerExperiencing different emotion can help people in order to grow and mature. However, this emotion can either lend a hand to you or the reason why did you change. Furthermore, after you change there they're people who will see the importance of being...