Chapter 2

9 0 0
                                    

Chapter 2

Body Shaming

"Gretha ang taba mo naman," sigaw ng mga kaklase ko.

Nakayuko akong dumadaan sa hallway. Walang pakialam sa kanila. Ni hindi ko nga sila binibigyan ng atensyon kasi tinatamad ako. Wala kasi silang kwenta para bigyan ko ng atensyon.

Tinaas ko ang bumabagsak na salamin pababa sa ilong ko. Makapal at mataas ang grado. Itim ang salamin na nabili ko kasi 'eto ang pinakamura sa department store.

"Uy, tabi kayo! Hindi kasya si Gretha," dinig ko pang sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

Mga walang utak.

Napakalawak ng hallway, paano'ng hindi ako magkakasya? Gamit ang mga pinagpatong-patong na mga damit lumobo ako ng ilang kilo. Ganun din sa pag-ibaba. Hindi ako nagpa-palda, wala kasi akong pambili atsaka ayaw ko. Mainit pero buti nalang de-aircon sa university na pinapasukan ko. Mga Garcia ba naman ang back-up, aba, talagang yayamanin.

Nakapasok na din ako sa classroom namin. Natapos din ang kalbaryo ko sa pagbubuhat ng mga damit na suot ko. Tumabi ako kay Reina Sheila habang s'ya naman nginitian lang ako at bumalik na sa pag-aaral. Hindi ko lang maintindihan bakit s'ya pinagpapawisan kung de-aircon naman ang classroom? Binalewala ko nalang 'yun at nag-aral na din.

"Uy, taba," sabay sapok sakin ng isang lalaki na kaklase namin. Malakas 'yun na para bang mawawalan ako ng ulo.

I tried to calm down. Tried.

Iniangat ko ang ulo ko sabay tingin ng matalim kay Galapong sa ilalim ng makapal ko'ng salamin. May pangalan s'ya pero Galapong ang tawag ko sa kan'ya. Ano s'ya para tawagin ko sa pangalan n'ya? Special case with disability? Isa pa, hindi niya deserve ang respeto ko.

"Ano'ng kailangan mo," mahinahon na tanong ko.

"Ba't ang taba mo? Hindi ka ba nagda-diet? Gaya n'un oh si Evangilene, napakataba din," turo n'ya pa doon sa kaklase naming mataba.

Napayuko ang babae dahil sa kahihiyan. Si Galapong naman tumawa ng malakas kaya sumunod din ang iba naming mga kaklase maliban kay Hendrix at Reina. Abala ang dalawa sa pag-aaral. Parang may mga sariling mundo.

"Masarap daw kasi kumain!" Sigaw ng isang lalaking kaklase namin.

"Alam mo Gretha, crush sana kita e kaso ang taba mo," sambit ni Galapong.

Nagtawanan ang mga kaklase namin habang ako naman napayuko. Akala ni Galapong napahiya ako. Ang hindi niya alam napapangisi na lang ako. Kalaunan hindi ko napigilan ang pagtawa ng mahina hanggang lumakas. Nakita ko kung paano napasimangot si Galapong na animo'y na-insulto. Kumukunot na ang noo.

"Ano'ng nakakatawa ha?!" Sigaw n'ya sakin.

Kumalma muna ako bago tinignan ang lalaking nasa harapan ko.

"Ikaw," mahinang sambit ko.

"Ano?" Sigaw n'ya pa ulit.

"Ang sabi ko ikaw ikaw ang tinatawanan ko. You look pathetic while trying so hard to make yourself high even if it means bullying your friend," sambit ko. Tumayo ako para mabulungan. "Your childhood friend to be specific, Evangilene, hm." Pang-uuyam ko.

Marahas n'ya akong tinulak hanggang bumagsak ako sa upuan pero mabilis din akong binalikan at hinawakan ng mahigpit ang kwelyuhan ko. Ngumisi ako sa kaniya, nang-aasar. Tinaas ko pa ang ulo ko handa ng masampal o masapak sa kaniya pero nahinto 'yun ng marahan na inawat ni Hendrix si Galapong.

"Pre, babae 'yan," mahinahong sambit nito.

"'Yun nga babae lang siya. Napakalas ng loob n'yang hamunin ako," nanlilisik na sambit n'ya. Nakahawak pa din sa kwelyo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PsychoWhere stories live. Discover now