CHAPTER 1 (NEW FAKE BOYFRIEND)

334 52 38
                                    

*Flashback*

"I'm sorry. Sorry Kaye. Goodbye. We're done."

Ang lutong ng sinabi niya sakin kaya hindi ko napigilang umiyak at masampal siya ng todo. Ganun lang ba kadaling sabihin yun? Ang sakit.

"Akala ko iba ka. Akala ko lang pala yun."

Pagkatapos nun umalis na ko. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang mapag-isa.

Bakit ganun? Minahal ko naman siya. Nagkamali ba ako?

*End of Flashback*

Almost 2 weeks na kaming break at hindi ko na rin siya nakikita. Oo, namimiss ko na siya. Pero anong magagawa ko kung tapos na, wala.

Akala ko happy ending kami. Forever kami.

Narealized ko na wala palang Forever. Tanga ko.

Lagi kasi akong nagbabasa ng mga stories. Lahat pala ng nababasa ko puros fantasy. Hindi pala nangyayari sa totoong buhay. Hayssst!

"Ms. Kaye Mendoza are you listening?"

Nagulat ako ng makita ko ang teacher namin na nasa harapan ko na galit na galit.

"Get out!"

Lumabas nga ako ng classroom. Maganda na rin to, ang boring kasi ng klase niya. Pshh.

Umupo na lang ako sa may tabi ng puno at saka ako nagbasa ng istoryang may happy ending at forever.

Nagbabasa pa rin ako. Sana nasa fantasy na lang ako para yung mga nababasa ko nangyayari din sakin.

Hopeless Romantic ako. Iniintay ko yung true love ko na dumating. Yung knight in shining armor ko na ililigtas ako kapag nasa pahamak ako at yung lalaking mamahalin ako ng buong-buo at tatanggapin ang buong pagkatao ko.

Kahit sino namang babae hinihintay yung nararapat para sa pagmamahal niya.

"Hi babe I miss you."
"I miss you too babe. I love you."
"I love you more."

Napatingin ako sa likod ko at dun ka nakita yung magGF/BF na naghahalikan. Mga PDA putek!

Sus! Magbebreak din yan. Hindi ko na lang sila pinansin. Nakakadiri. Umalis na ko sa kinauupuan ko.

Ikakain ko na lang to.

"Ouch!"

"Bulag ka ba?" Sabi ko sa nakabangga sakin. Natapon tuloy yung palabok sa damit ko. Damn! Ang dumi ko na.

"Ako pa? Ikaw nga diyan ang hindi tumitingin sa dinadaan." Nanaliksik agad mata ko at saka sinamaan siya ng tingin. How dare him!

"Alam mo naman pala. Ba't di ka umiwas. Tanga." Nilagpasan ko na lang siya. At baka masapak ko yung pagmumukha niya.

Reality vs Fantasy (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon