Reynalyn's P.O.V.
Napakurap ako ng sunod- sunod nang masilayang muli ang apat na lalaki na gusto q na sanang mabura sa mga alaala ko.
Si Hiroshi Yanai na minsan q lang nakakausap noon dahil para itong may kakambal na multo sa sobrang seryoso pero sa nakikita q para itong walang pinagbago.
Si Daisuke Matsushuta ang happy go lucky. Mapagbiro at laging nang- aasar sa akin noon kaya Isa ito sa mga naging close ko dati pero ngayon ay seryoso lang itong nakatingin sa akin.
Si Kenshin Maezawa naman ang masungit sa kanila pero alam kung mabait naman ito.
Ang panghuli ay ang pinaka-close ko sa kanila. Si Hidio Saji mabait ito pero mahiyain. Ito ang unang naging kaibigan ko nang una akong nakapunta ng Maynila.
Biglang nangilid ang mga luha sa mga mata ko nang muling makita ang mga ito pagkatapos ng sampong taon. Tumangkad at lumaki ang pangangatawan ng bawat isa sa kanila. Hindi rin maikakailang mas lalong nadagdagan ang kagwapohan ng mga ito sa paglipas ng panahon.
Dahil nakita ko ulit ang mga ito doon ko naramdaman ang pagkamiss sa samahan at alaalang binuo namin. Doon ko rin muling naalala si Akihiko Takizaki, ang taong nag- iisang minahal at pinahalagahan ko ng sobra ngunit wala na ito sa amin ngayon.
Ipinilig ko ang ulo bago pa ako mapaiyak ng tuloyan ng maalala si Aki. Pasimple kong pinunasan ang aking luhang nangilid sa kanang mata bago lapitan ang mga ito. Hindi ko naman sila kayang iwasan habang buhay kaya mas mainam naring makita ko sila ulit para tapusin ang mga hindi naayos noon.
Agad na sinalubong ako ni Hidio nang malapit nalang ako. Nakangiti ito at agad akong niyakap.
"Namiss kita."- bulong nito sabay tapik sa likod ko.
"Pano niyo nalamang lumuwas ako ng Maynila?"- iyon agad ang tinanong ko pagkatapos ng yakap.
"Tinawagan ako ng mama mo. Gusto niyang sunduan ka namin dahil nag-aalala siyang hindi mo kakayaning mag- isa dito sa Maynila."- paliwanag nito.
Kumunot ang noo ko. Paanong nalaman ng mama ko ang number nito? Meron bang kumunikasyon ang mga ito?
"Actually nang pumunta ako sa lugar mo 10 years ago nag- iwan ako ng number sa mama mo matapos kong magpakilala sa kanya bilang kaibigan mo."- dagdag nito na para bang nabasa ang gumugulo sa isip ko.
"Bakit naman magtitiwala si mama sayo?"- tanong ko ulit dahil hindi si mama ang uri ng taong madaling magtiwala.
"Hmm, bakit nga ba? Siguro dahil gwapo ako?"- pabiro nitong sagot.
napangiti nalang ako dahil nakakapagbiro na ito ngayon.
"Hindi ko alam bakit may tiwala ang mama mo sa akin kahit isang beses lang kaming nagkita pero ang alam ko lang na mahal ka niya at nag- aalala siyang mag- isa ka lang dito."- biglang naging seryoso ito.
Napatitig ako sa mukha ni Hidio. Sa totoo lang nagpapasalamat akong nandito ito ngayon at makakasama ko ulit sila. Ayukong mag- isa lalo na sa lugar na ayaw ko na sanang balikan ngunit kinakailangan.
" Hindi pa ba tayo aalis.?" nakasalubong ang kilay na tanong ni Kenshin na para bang inip na inip na ito.
Muli akong napangiti dahil halos wala itong pinagbago. Masungit parin.
Tinulungan ako ng mga itong dalhin ang mga bagahe ko at muli kung ipinagkatiwala ang buhay ko sa kanila sa muli kong pagtapak ng Maynila.
Para ko na silang mga kapatid at alam ko ring napamahal na ako sa mga ito dahil noon paman alam kong mahalaga rin ako sa mga ito kaya kung tiwala ang pag- uusapan mas may tiwala pa ako sa mga hapong ito kaysa sa sarili kong Tiya na hanggang ngayon ay hindi ko na rin nakita.
BINABASA MO ANG
The Coldest Star in the Universe (Season II)
RomanceSampong taon na ang lumipas nang muling lumuwas si Reynalyn Amparo Carmona ng Maynila sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa hirap ng buhay hindi na sana nito nanaising bumalik pa doon para maghanap ng trabaho na mas malaki ang sahod ngunit dahil siy...