Reynalyn's P.O.V.
"So, you are my new secretary?" - tanong ng boss ko habang nakatayo sa harap nito.
Pakiramdam ko nilalait ako ng mga tingin nito kahit hindi man nito sabihin. Talaga ngang magtita sila ni Miss Tessa magaling manglait.
Tumango ako sa tanong nito.
Sigurado ba si Miss Tessa sa paghire sayo? o baka malabo lang ang mga mata niya nang araw na iyon?
Aba't talaga namang ang sarap ipusas ng mga labi niyo para wala nang maipintas.
Pinilit ko ang sariling ngumiti dito kahit parang gustong- gusto ko na itong sakalin.
"Yes po, sure akong malabo ang mga mata ni Miss Tessa dahil sabi niya pangit at hindi daw ako sexy at siguradong hindi mo ako magugustohan". sagot ko na pilit parin ang pagkakangiti.
"Ganun naman pala, so bakit ka niya tinanggap?" biglang tumaas ang boses nito kaya medyo nagulat ako. Nakapaskil sa mukha nito ang tindi nang pagkainis kaya lihim akong napangiwi.
Bumuntong hininga muna ako bago ulit ito sinagot sa mahinahong boses.
"Kaya nga po ako tinanggap para makapagfocus kayo sa trabaho at hindi na kayo magkakagusto sa secretary ninyo." - sagot ko.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito na tila pinipigilan lang ang galit pagkatapos ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito.
"All right, let work together for now habang wala pa akong makitang kapalit mo." mahinahon nang sagot nito.
Bigla akong na alarma sa sinabi nito. Alam ng Diyos kung gaano kahalaga sa akin ang trabahong ito. Kailangang- kailangan ko ng pera para maoperahan na si tatay sa madaling panahon kaya hindi ako pweding mapaalis sa trabaho.
Ayoko namang manghingi sa mga hapon nang tulong dahil marami na itong naitulong sa akin at ayukong samantalahin ang kabutihan ng mga ito.
"Teka lang po sir, ibig po bang sabihin ay palalayasin niyo ako ng ganun nalang pag nakahanap na kayo ng pamalit?" - medyo tinapangan ko ang boses para ipakitang hindi ako pumapayag.
Tumaas ang kanang kilay nito.
"Bakit may reklamo?" - magkasalubong ang kilay na tanong nito.
Sinalubong ko ang tingin nito at mas tinapangan ang boses. Namaywang pa ako habang sinasagot ang tanong nito.
"Kung ganyan naman pala e di ngayon palang ay aalis nalang ako dahil paalisin mo naman ako. Mas mabuti nang makahanap nalang ako ng bagong trabaho." saad ko.
Ang tapang ko no? Kanina kasi narinig kong nag- uusap si boss at ang tita nito na may meeting daw mamaya ang kompanya namin sa Alkazaren trading company. Mahalaga sa boss namin ang meeting na ito para ma close deal na ang pinaplanong bagong itatayo na mall ng boss ko. Kailangan niya kasi ang tulong nang alkazaren dahil rinig ko ay kulang sa pundo ang kompanya para sa bagong project kaya alam kung need niya ng secretary ngayon.
Kaya malakas ang loob ko dahil sure akong mahihirapan silang maghanap ng kapalit ko dahil mamayang hapon na ang meeting.
Nakita kong parang naalarma ito sa paghahamon ko kaya lihim akong napangiti.
"So what do you want Miss Amparo to make you stay?" - pagsuko nito.
Akala mo ha.
"Let's make a contract. Kailangan kong magstay ng anin na buwan. 6 months lang at willing na po akong palitan niyo." matapang kong sagot.
Natahimik ito sandali.
"Alright, deal. Total anim na buwan lang naman akong magtitiis." sagot nito.
magtititiis talaga? anong akala nito sa akin langgam na unti- unti siyang kinakagat kaya titiisin niya?
hmmph, lihim akong napairap dahil naiinis na talaga ako sa boss ku g ubod ng sungit at ubod manglait.
Pero atleast napapayag ko parin itong magstay kahit six months lang. Ok na sa akin iyon dahil makakaipon na ako kahit papano sa panahong iyon.
Hyundrill's P.O.V.
Ayos na rin sa akin ang six months na pagtititiis makakaya ko pa. Kung hindi lang sana importante sa akin ang meeting mamaya baka ipinatapon ko na ito sa labas dahil sa pagtatapangtapangan nito. Akala mo kung sinong malaki eh ang bansot naman.
Talagang sobra ang pagtitimpi ko ngayong araw na wag ito ibagis sa bintana dahil sa inis. Kung hindi ko lang ngayon kailangan ng secretary aba naman baka sa kalye na ito pinulot kanina pa.
Bakit naman kasi umuwi agad kanina si Tita Tessa. Talaga bang inuubos nito ang pasensya ko kaya dinalhan ako ng secretary na ubod ng pandak dagdag pa na hindi rin sexy. Wala yata akong makitang kurba sa katawan nito kaya paano ako mag- eenjoy sa trabaho kung ito ang makikita ko.
Bahala na nga. Hindi ko nalang ito papansinin para hindi masisira ang mood ko everyday..
BINABASA MO ANG
The Coldest Star in the Universe (Season II)
RomanceSampong taon na ang lumipas nang muling lumuwas si Reynalyn Amparo Carmona ng Maynila sa pangalawang pagkakataon. Dahil sa hirap ng buhay hindi na sana nito nanaising bumalik pa doon para maghanap ng trabaho na mas malaki ang sahod ngunit dahil siy...