4. Kaibigan

59 2 0
                                    

Kaibigan

Tatlong taon na kaming magkaibigan ni Kyle at tatlong taon ko na din siyang gusto. Sa bawat tingin niya ay agad akong umiiwas dahil parang tinutusok noon ang aking mga kalamnan.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman iyon sa taong itinuturing akong matalik na kaibigan.

Minsan hindi ko na napapansing nakatitig na pala ako sa kaniya kapag nagkakausap kami o may ginagawa siya na maganda sa aking paningin.

Masaya ako kapag kausap ko siya at ayaw kong lumilipas ang isang araw na hindi siya nakikita. Ganoon ang ginagawa ko sa halos araw araw.

Pero ngayon ay iba ang araw na ito. Aamin na ako, hindi ko na hahayaang titigan lang siya o tahimik siyang mahalin.

Pero halos gumuho ang mundo ko ng tuwang-tuwa siyang umapir sa akin habang ibinabalitang sila na ng matalik din naming kaibigang babae.

"Pare! Kami na ni Shiela!"

Marilag 01 A Literary Collection of Juanang MalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon