2. Pag Ibig

92 5 0
                                    

Pag ibig

May ngiting tumatakbo si Andrea sa isang malawak na parang habang hawak ang kamay ng kaniyang kasintahan. Puno ng tuwa ang kaniyang mga tawa na parang ayaw na niya itong pakawalan.

Hindi lumalampas ang isang araw na hindi sila nagtatawagan at nagkikita para kumain sa labas.

"Inaro ta ka..."

"Mahal din kita..."

Palitan nila ng salita na kahit kailan ay hindi siya magsasawang marinig. Ang hindi lang niya inaasahan ay nang dumating ang kaniyang mga sundo hudyat na oras na para siya'y umuwi.

Hawak hawak siya ng dalawang lalaki, habang pilit siyang kumakawala doon ay tanaw niya mula sa malayo ang ina na umiiyak.

"Sorry po talaga Madam, nakalimutan po naming painumin ng gamot niya si Ma'am Andrea."

Marilag 01 A Literary Collection of Juanang MalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon