Lumalagablab na Palaso

13 1 0
                                    

Mula sa malayo at tagong lugar ng isang kaharian ay mapapansin na ang mga naninirahan sa lupaing ito ay mga sumasamba sa Diyos, sila ay mga matatapang na mandirigma na pumoproteksyon sa kaharian ng Tawalisi. Ito ay pinamumunuan ng isang hari na mabait at matalinong nilalang na nagmamahal sa lugar na ito mula sa lupa hanggang sa kalangitan at sa bawat bahagi ng paglikha dito, lahat ng mga nilalang na malaki at maliit ay kaniyang pinapahalagahan.

    
Mapapansin ang aroma ng hangin dito ay puno ng isang dilim na kahalumigmigan, tulad ng isang hamog na ulap. Ang mahinang ilaw ng parola sa 'di kalayuan ay nagbibigay ng sapat na ilaw sa malamig na gabi. Pati na rin ang hilera ng mga ilaw sa kalye ay kaagad na naiilawan, tulad ng isang gabi ng mga perlas na puno ng mataong kalye. Ang pagbabad sa karagatan ng ilaw sa gabi ay tulad ng pagbibihis ng isang itim na kurtina sa isang kahanga-hangang mundo.
      

Sa isang silid sa loob ng kaharian ay maririnig ang umalingawngaw na impit mula sa isang ina na naghihirap ngayon sa kaniyang niluluwal na sanggol. Sa bawat pag-urong at pag-puwersa ay lalong lumalalim ang sakit na nangingibabaw sa buong pagkatao ni Reyna Soriania habang mahigpit ang kaniyang pagkakakapit sa banig at ang kaniyang paghinga ay palalim nang palalim.  Sa mga sandaling iyon, sa mga segundo na umaabot hanggang sa kawalang-hanggan, wala nang iba pa s’yang inisip kundi ang kaniyang dinadala.

    
“Hingang malalim, nakikita ko na ang ulo ng iyong sanggol!” sigaw ng matandang komadrona na s’yang nagpapa-anak sa ginang.
    

Hindi mapakali ang ginang sa kaniyang hinihigaan habang patuloy sa pagpuwersa upang mailuwal na ang kaniyang dinadala.
      
   
Sa isang sulok naman ay mapapansin ang itsura ng kaniyang asawa na si Haring Fujiko. Naghahabulan ang kaniyang paghinga habang pinagdarasal ang kaniyang asawa na mailabas ang kanilang sanggol nang ligtas.
       
     
“Iyan na! Isang malakas na pag-iri na lang!”
      
    
Upang tumugon ay kinailangan niya pang huminga nang malalim upang palakasin ang kaniyang sariling pag-iisip at idawit ang kaniyang sarili pasulong, upang magamit ang kaniyang boses. Kasabay ng pagbukas ng kaniyang mga mata ay ang isang sigaw na hinugot niya mula sa kaniyang lalamunan. Nang maramdaman niya na ang paglabas ng sanggol, at ang mainit na pag-unat ng laman na nagpapigil ng kaniyang hininga ang dahilan upang unti-unting mawalan ng malay si Reyna Soriania.
    
    
Pagmulat ng kaniyang mga mata ay unti-unting nagbalik ang kaniyang lakas. Naramdaman na rin niya ang unti-unting paghilom ng kaniyang balat sa ibabang parte ng kaniyang katawan.
      
     
“Gising ka na, mahal ko.” Napalingon siya sa kaniyang kaliwa— ang kaniyang asawa iyon na halata ang pag-aalala sa mga mata.
      
    
“Ang anak natin? Nasaan na siya?” tanong ni Reyna Soriania.
     
   
Lumingon ang kaniyang asawa sa pintuan kaya nilingon din iyon ni Reyna Soriania. Doon nakita niya ang komadrona na may bitbit na puting tela, kung saan nakabalot ang kaniyang anak. Nilahad niya ang kaniyang kamay, senyas na nais niyang mahawakan at masulyapan ang kaniyang anak. Kaagad namang binigay iyon ng komadrona sa kaniya at nagpaalam na dahil may iba pa itong gagawin.
      
    
“Babae ulit ang anak natin, mahal ko. Tila sa 'yo na naman nagmana ang ating anak dahil sa munting kariktan na taglay nito,” wika ng kaniyang asawa.
        
    
Nang masulyapan na niya ang itsura nito ay lumundag ang kaniyang puso at nag-uumapaw ang kasiyahan sa kaniyang dibdib. Isang babae na naman ang kaniyang iniluwal, kaya nababahala siya sa maaaring makaharap ng kaniyang mga anak. Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin mapapantayan ng kahit na ano ang kasiyahan niya ngayon.
      
    
“May naisip ka na bang sabini para sa ating pangalawang babae?” Nakaporma ng kurba ang labi ng kaniyang asawa habang hinihintay ang sagot niya.
    
      
“Urduja,” bulong niya habang nakatitig sa maamong mukha ng sanggol na ngayo’y nagmulat na ng mata.
   
  
“Ano iyon, mahal ko?”

Lumalagablab na PalasoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon