Ashi's POV
Liblib ang lugar ang lugar na ito. Malagubat ang lugar na pinuntahan ko ngunit nang makarating ako sa destinasyon, isang magandang bahay ang tumambad sa akin.
Malinis ang bakuran, maaliwalas itong tignan ngunit may ilan pang mga dahon sa paligid. Marahil ay inilipad ito ng hangin kanina. Walang gate ang nasabing bahay kaya pumasok na ako papasok sa bakuran, napatigil lang ako ng may matandang biglang sumulpot sa sulok.
"Magandang hapon po, ako po si Ashiena Sal-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong tinalikuran at naglakad palayo "Ashi's enough, sumunod ka sa akin hija."
Tumango ako at gaya nga ng sinabi niya ay sumunod ako. Pumasok kami sa loob ng bahay at nakita ko kung gaano ito kalinis. Yun nga lang ay may ilang sira ang ceiling ng bahay. May pangalawang palapag ang bahay ngunit sa tingin ko ay nasa labas ang hagdan nito dahil wala namang makikitang hagdan sa loob.
"Ashi hija ang tanging trabaho mo lamang ay ang mga ipapagawa sa'yo ha? At pakiusap, huwag na huwag kang aakyat sa pangalawang palapag ng pamamahay na ito" naagaw kaagad ng atensyon ko ang sinabi ng matanda "Ay opo sige po naiintindihan ko po," derederetsyong usal ko sa takot na baka mawalan ako kaagad ng trabaho. Tumango naman ito nang makakuha ng sagot sa akin tsaka ako inihatid sa aking silid.
Maganda ang silid at maluwang, mabango rin at may transparent glass window kaya kitang kita ko ang magandang tanawin mula sa labas. Ang disenyo ng silid ay pasok sa taste ko na parang ginawa talaga ito para sa akin. Napangiti nalang ako at humarap sa matandang kanina pa nakamasid mula sa likod ko.
"Pwede kang maglibot libot kung nanaisin mo ngunit hija ang habilin ko. Ang tangin iuutos lang sa'yo ang trabaho mo at hindi ka pwedeng umakyat sa pangalawang palapag ng pamamahay na ito. May rooftop ang building na ito, pwede kang pumunta do'n kung nais mo magpahangin pero yung hagdan sa labas ng bahay ng gamitin mo. O siya, una na ako sa'yo at magpahinga ka muna," akmang isasara na niya ang pinto ng tanungin ko ang pangalan niya. Oo nga't ginuide niya ako hanggang dito ngunit ni minsa'y hindi niya sinabi ang pangalan niya.
"Tawagin mo nalang akong Ma'am Venus, ako ang nagmamay-ari ng pamamahay na ito," pagkatapos niyang sumagot ay nginitian niya ako at isinara na niya ang pintuan ng silid ko. Pagkasara niya ng pintuan ay tila ba ako'y nanghina bigla. Parang ang lahat ng lakas ko sa katawan ay nawala.
Wala na akong magawa kundi ang ihiga ang aking katawan sa kama at ipikit ang aking mga mata, nagbabakasakaling pag gising ko may lakas na ulit ako.
YOU ARE READING
Liars Go To Hell
Short StoryIn a place full of secrets, can you not let your curiosity win over you? In a place full of lies, can you survive? You only have two tasks asked. Do whatever is told you to do and never go to the second floor. Can you do that? Ps. This story is ins...