Ashi's POV
Gabi na nang magising ako, sobrang lalim ng kadiliman. Wala manlang konting liwanag ng buwan ang magsilbing ilaw sa madilim na kapaligiran.
Hinanap ko ang light switch ng kwarto gamit ang flashlight sa cellphone ko, hindi rin nagtagal ay nahanap ko ito. Pagkasindi ko ng ilaw ay nakakita ako ng food tray sa table malapit sa kama ko. Nilapitan ko ito upang kunin ngunit ang unang nakaagaw ng pansin ko ay ang note na kasama nito.
To: Ashieva Salvador
Pasensya na hija kung napatulog ka ng maaga, gumamit kasi ako ng sleeping fragrance sa kwarto mo para sa gayo'y madali ka lamang makatulog tuwing nais mong magpahinga. May switch naman 'yon hija kaya maaari mo lang iting patayin kung iyong nanaisin.
Siya nga pala may libro akong isinilid sa bookshelf mo kung nais mong magbasa basa. Nakita ko kasi sa form mo na mahilig ka sa mga libro, 'yan muna libangan mo tutal wala tayong telebisyon sa pamamahay na ito.
Ito pala ang hinain kong pagkain para sa'yo, isa ang culinary sa kursong inaral ko kaya mapagkakatiwalaan naman ang niluto ko.
Yung mga habilin ko hija ha? Huwag aakyat sa ikalawang palapag. Ayun lang, magandang gabi sa iyo.
-Ma'am Venus.
Tinignan kong muli ang tray at napangiti sa hinanda niyang pagkain. May wine at thai chicken curry at rice. May nakahanda rin na galon ng tubig at gatas sa isa pang tray. Hindi na ako nagdalawang isip at kinain ang mga pagkain na inihain sa akin dahil nakakahiya naman kung hindi diba. Pagkatapos kong kumain ay ibinaba ko na ang mga utensils na ginamit ko at yung sobra sa gatas at tubig.
Madilim pala ang buong kabahayan. Tanging ilaw lang sa silid ko ang nagsisilbing liwanag sa paligid dahil nakapatay lahat ng ilaw.
Ginamit ko ulit phone ko para hanapin ang main switch ngunit nahirapan ako. Ipinalibot ko na ang cellphone ko pero hindi ko parin mahanap ang kahit isa sa mga switch kaya bumalik muli ako sa pintuan ng kwarto ko at nagsimulang muli.
Hahakbang palang sana ako papuntang sala ng biglang umilaw sa bandang kusina. Takot man ay pinuntahan ko ito. Well wala rin naman akong choice kasi wala akong ibang kasama. Shit. Wala akong kasama. So sinong nag on nung ilaw? Baka si ma'am Venus? Pero tulog na siya kanina pa. Tanginang buhay 'to. Gabi na nga lang gitna pa ng kagubatan, tapos wala pang mga kapitbahay kaya imposibleng makasigaw ng tulong. Mommy help oh my god.
Mangiyak ngiyak man ay buong tapang kong pinuntahan ang kusina para icheck kung sinong tao do'n "H-hi? Who t-turned the l-light on?" naglakad ako papunta sa switch. Hindi ko nakita 'to kanina ah. Weird.
"Hmm, who are you?" boses ng isang lalaki ang narinig ko mula sa likod ko kaya agad ko naman itong hinarap. Gwapo siya, matipuno at moreno. Matangos ang ilong at may itim na mga mata. Magkasalubong naman ang makapal niyang mga kilay habang nakatingin sa akin.
"I am supposed to be asking you that question," mataray na sagot ko at nagcross arms pa habang sinasalubong ko ang matalim niyang tingin.
"Why would you ask me who I am in my own house?" Mas nagsalubong ang kilay niya at naglakad papalapit sa akin. Gagi ka naman di ko naman alam vebs teka lang huwag lapit ng lapit jusmiyo layo! Conservative po akooo!
"Sorry I didn't know that. I am Ashieva Salvador your new helper," nakayukong sagot ko. Di na ako makatingin sa mga mata niya kasi hindi ko naman kasi talaga alam na siya pala may ari neto kaloka.
"Ashieva? Hmm i'll call you Eva. Anyway I am Zhean," Pagkasabi no'n ay lumayo na siya at dumiretsyo sa fridge at humugot do'n ng alak "I know lola Venus served you foods so just place it outside your room and i'll get it later, you can now rest. You need it," aangal pa sana ako ng magsalita siya ulit "That's an order not a request Eva. Sleep."
Napasapo ako sa noo ko pagpasok ko sa kwarto ko. Kinuha ko yung dalawang tray at inilabas ang mga iyon gaya ng sinabi ni Zhean. Bago ko isara ulit yung pintuan ng kwarto ko ay sinilip ko muli siya sa kusina. Kitang kita ko kung gaano siya kainis sa kung ano man ang binabasa niya sa cellphone niya. Medyo nakakatakot na siya kaya pumasok na ako sa kwarto at natulog nalang.
Zhean's POV
I drove to our lola Venus's house to calm myself a little dahil napapansin ko yung mabilis na pag init ng ulo ko lately. Well that house is actually for our rage. We built that house para do'n namin ilabas lahat ng galit namin. Well effective naman dahil tuwing umaalis kami do'n ay we feel a lot better na.
Kukuha na sana ako ng alak pagkasindi ko ng switch sa kusina pero may naramdaman akong papalapit kaya nagtago muna ako sa sulok. Lumabas naman ako nang hanapin niya ako at tinanong kung sino siya kaso ang gaga nagtaray at siya daw dapat ang nagtatanong no'n sa akin. Bahay ko kaya 'to tsk.
Ashieva pala pangalan niya? Kapangit naman, pero her face says otherwise kasi maganda siya kaso medyo maliit. Maputi siya at maganda ang almond eyes niya, matangos din ilong niya at natural pink ang labi niya kaso matapang. Well I like matapang.
So she's a new helper. Lola probably hired her. Nakakainis lang kasi hindi niya ako ininform manlang.
I want to erase all my thoughts in mind kaya pinauna ko na si Eva at pinatulog. Pagkasara ni Eva ng kwarto niya ay sakto namang nagtext ang kapatid kong si Rave.
From: Unknown
Hey bro, balita ko you're at our rage house? I wanna go there too. I'm omw actually. Cya loser!
-Ur hot bro.
I shook my head and just blocked again his number. He just kept pestering me tss. Hindi niya ako tinitigilan at nakakainis iyon. Kahit ilang beses kong iblock ang numerong ginagamit niya ay bumibili siya ng panibagong sim maasar lang ako. Nyeta.
I dropped my phone and just drink all the liquors I have until I fall asleep.
YOU ARE READING
Liars Go To Hell
Short StoryIn a place full of secrets, can you not let your curiosity win over you? In a place full of lies, can you survive? You only have two tasks asked. Do whatever is told you to do and never go to the second floor. Can you do that? Ps. This story is ins...