living in the past

35 0 0
                                    

C2.....oO0Oo.....

Pagkatapos ng ilang oras na byahe ay lumapag na rin ang eroplano.

"Kumusta ang byahe?" Pambungad na tanong saakin ng pinsan kong si Ate Sophie nang nakangiti saka ako niyakap ng mahigpit.

"Hmmm.... nakakapagod pero okay lang." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Di bale, magpahinga ka na lang pagdating mo sa condo na tutuluyan mo. Napaayos ko na naman yun eh. Ikaw nalang ang hinihintay." Tumango nalang ako then inakbayan niya ako at nagsimulang maglakad palabas ng airport kung saan naghihintay ang isang Mercedes Benz na sasakyan at sa labas na yon naghihintay ang asawa niya na si Kuya James.

Katulad ni Ate Sophie ay kinamusta at niyakap din ako ni Kuya James. Close kasi kami dahil madalas kaming magkita at lumabas ni Ate Sophie kasama siya tuwing umuuwi sila ng Pilipinas . Pagkatapos naming magbatian ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse sa backseat saka niya iginiya ang asawa papunta ng front seat. Pinagbuksan niya din ito ng pinto bago muling umikot papunta sa driver seat para magmaneho.

Nagkwentuhan kami habang nasa byahe. Malapit lang daw iyon sa airport pero dahil traffic ay medyo matatagalan daw kami sa byahe. Malapit lang din yun sa kompanyang pagtatrabahuhan ko. Actually, kay ate Sophie ang condo unit na yun but since she's already married to kuya James, she had to move in with him.

"By the way, Carol. We have a good news!" - Ate Sophie. Abot langit ang ngiti niya at halatang excited siya sa sasabihin niya.

"Spill it Ate." Sabi ko na punong-puno ng curiosity at excitement.

Pero parang balak pa talaga siguro nila akong inggitin bago sabihin ang balita dahil hinawakan ni kuya James ang kamay ni ate gamit ang kanang kamay at buong pagmamahal na sinulyapan ang huli.

"I'm pregnant!" Balita nito saakin na may ngiti sa labi.

My eyes widened! "Oh my gosh !"

"Aaaaaah!!!" Sabay naming tili ni Ate Sophie samantalang si Kuya James naman ay maluwag din ang pakakangiti habang nakatingin sa unahan habang nagda-drive.

"Waaah ! Congratulations! Ilang weeks na ba? "

"Six weeks na."

"Aaaaah!!! ninang ako Ate ah !" I said full of excitement.

"Syempre! Ikaw kaya ang pinaka-close kong pinsan." Sabi niya nang nakangiti. "Oh sya. Sige na matulog ka na muna. Alam kong pagod ka pa sa byahe."

Tumango nalang ako sakanya at inisandal ang ulo ko sa may bintana saka pumikit. Medyo napagod rin kasi ako sa byahe kanina eh.

Ano kaya kung hindi umalis si Christian Seven years ago? Siguro kung hindi siya umalis, kasal na sana kami ngayon, may anak, at Masaya na sana kami.

Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko . Heto nanaman ako sa mga What if's at What could have been ko.

Sana lang mahanap ko kaagad si Christian. I missed him so much.

After a while, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

****Flashback****

"Hi, miss. Pwedeng maki share ng table?"

Iniangat ko ang ulo ko upang Makita ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Isang lalaking nakangiti at nakasuot ng eyeglasses. May dala siyang mga libro. Lumingon ako sa paligid pero nakita ko na marami pa naming vacant tables kaya nilingon ko siya ulit.

"Mas masayang mag-aral nang may kasama." Sabi nito na para bang nabasa niya ang naiisip ko. "So.. can I sit here miss?"

Nagkibit balikat nalang ako "Sure." Sabi ko bago siya umupo sa tabi ko. Tapos ay ibinalik kong muli ang atensyon ko sa plates na ginagawa ko. Malayo pa naman ang submission pero mas ok kung gumawa na ako ngayon para hindi na ako ma pressure pag malapit na ang due date.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

no promisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon