Blake's POV
"Dude, how was it? Tumalab ba ang tinatawag mong charm sakanya?" Nakangising bungad ni Chad sakin pagkapasok na pagkapasok ko sa tambayan. He's holding a bowl of popcorn. Habang nakadantay ang mga paa sa center table.
They were sitting on the long couch. Napalingon si Angelo sa gawi ko. "So ano nga nangyari, Blake? Basted ka nuh?" He was grinning from ear to ear. The guys were looking at me except for Leo who's busy watching TV.
I shrugged in response.
Napatawa sila at nagsimulang mag-apiran sa isa't-isa. I glared at them but they didn't stop. Tawa parin sila ng tawa.
"I guess you'll never get this back, pare." Nakangiting tukoy ni Angelo sa hawak na credit card. "By the way, pinatapon na namin yung lumang LCD flat screen TV natin and bought a new one. Thanks to your card." Pang-aasar pa niya.
I looked at the new flat screen TV sa harapan nila and my jaw dropped by the sight of it. Tangna! Ang mahal niyan.
Sa sobrang inis ay pinulot ko ang isang sapatos na nakakalat sa sahig at ibinato sa pagmumuka niya. Ang gago eh. "Aray! Pare naman. Alam ko namang maspogi ako sayo pero di ko alam na ganyan na pala katindi pagkainsecure mo sakin." Nakapout na reklamo nito sabay himas sa pulang pisngi niyang may markang brand ng sapatos.
"Geez, Blake. Wag namang ganun, pare. Mahal bili ko netong sapatos eh." Reklamo ni Chad na hinahaplos naman ang sapatos na ipinambato ko.
Napailing nalang ako. I looked at Leo kung may idadagdag pa siyang pang-asar sakin but as usual, tahimik lang itong nakatingin sa TV habang nanonood ng paboritong cartoon character na nagngangalang spongebob.
I sighed. My friends are really weird but they're fun to be with, that's for sure. Kung ako ang papipiliin, I'd rather be with them than to be with my twin na walang ginawa kung hindi makipagtitigan sa alaga niyang rabbit which was given by his ex-girlfriend noong last aniversary nila.
One of the reasons kung bakit ayokong makipag-usap sa mga babae is that I saw how my brother suffered from his broken heart, twice.
Danica, our childhood friend, which happens to be his first love died because of an airplane crash.
Halos hindi kumakain si Drew noon. He was crying every night and day at nagkukulong lang siya sa sariling kwarto dahilan para mangayayat siya. Minsan sinasabi niya rin noon na sana mamatay na lang din siya para makasama ang taong mahal niya. He was giving up his life because of a god damned heartache.
But thanks to his second who fixed him. Bumalik ang dating sigla ni Drew because of the girl named Elorie.
I don't know much about the girl since hindi naman siya dinadala ni Drew sa mansion. But I knew two things about her, and that is she's a beauty and that she has a body to die for. But then, they broke up for unknown reasons.
Bumalik ang Drew na sobrang lamig at walang pakealam sa mundo. Buti na nga lang at di niya inisip na mamatay na lang sana siya katulad noong una.
Maybe. Just maybe hindi niya talaga gaanong minahal yung babae para gustuhing mamatay na lang dahil sa break up nila. It's a good thing tho.
I never talked to girls because I don't want someone to get the chance to be so close to me, so close to my life and worst is for someone to be so close to my heart.
I don't wanna fall. I'm afraid to fall. Natatakot akong maranasan din ang sakit na naramdaman ni Drew sa mga panahong nagmahal siya. I'm afraid to take the risk for a certain relationship that you don't even know if it will last.