Chapter 1: Maganda ako

129 6 0
                                    

Busy akong nakikipagtitigan sa hawak-hawak kong 20 pesos nang may biglang umupo sa tabi ko. Kung sino mang alien siya eh la akong pake.

Napabuntong hininga nalang ako. Saan kaya ako kukuha ng pambayad sa apartment? Ni wala nga akong pambili ng meryenda kahit isang candy lang eh. Pamasahe ko nalang itong natira.

"Hey." Masayang bati ng katabi ko. Hindi ko siya pinansin. Letse siya! Kitang problemado yung tao tapos pahey-hey pa! Eh kung ihampas ko kaya pagmumuka ng hinayupak na 'to sa ragrag na apartment ko?!

"Miss--" Marahas akong lumingon sa anak ng pesteng feeling close na ito bago pa man siya makapagsalita ulit.

"PUTANG INA MONG LETSE KA! KITA MONG PROBLEMADO YUNG TAO TAPOS PAHEY-HEY KA PA DIYAN?! MATUTULUNGAN BA AKO NG NAKAKALOKANG HEY NA YAN--" Napatigil ako sa pagtatalak at halos lumuwa ang mga mata ko nang makilala kung sino ang kaninang tinatawag kong alien.

Oh My Lantang Gulay!

Ngumisi siya. "Lost your tongue?" Nakakalokong tanong niya at inilapit ng kaunti ang muka saakin.

Napairap ako. Kahit pa nagulat ako sa gwapong pagmumuka niya kanina, siyempre di ako apektado sa presensiya ng mayabang na ito. Kilala yata ako bilang man hater sa school namin. "Anong kailangan mo sakin Mr. Blake Alexander de Vega?" Seryoso kong tanong dito habang ibinubulsa ang 20 pesos ko.

Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit bigla-bigla nalang akong kakausapin ng isang mayaman, sobrang sikat at gwapong tulad niya. Sino bang hindi eh sa masmahirap pa ako sa daga. At hindi lang yun! Sobrang sungit ko pa sa mga lalake.

"Well, I won't ask you kung kanino mo nalaman ang pangalan ko because obviously, I'm so damn popular in this school. But for now, I fvcking need you to be my girlfriend." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.

Napaikot ang mga mata ko ng wala sa oras sa pinagsasabi niya. At paanong di ko malalaman ang pangalan niya eh classmate ko siya since first year pa kami? Siya lang itong bobo na halos pangalan lang yata ng kabarkada niya ang kinayang kabisaduhin ng sobrang kitid niyang utak.

Lumayo ako sakanya ng kaunti bago nagsalita. "Gago ka ba? Ni hindi mo nga yata alam ang pangalan ko tapos yayayain mo akong maging girlfriend mo?" Dinuro ko siya at pinanlisikan ng mata. "Hoy mister, alam kong gwapo ka pero hindi.kita.type. naiintindihan mo? Kaya lumayo-layo ka na habang nakakapagtimpi pa ako."

Nakipagtitigan naman ang loko at nangisi pa ang hinayupak!

Aba't! Mukang wala siyang balak umalis. Pwes! Ako ang aalis. Kinuha ko ang back pack ko na nakapatong sa lamesa. Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilain ulit ako paupo.

"Ano ba?!" Angil ko. Pinipilit kong alisin ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya pero masyado itong mahigpit kaya tumigil nalang ako. Masakit kaya!

"Will you please stop shouting?" Kitang-kita ang pagka-irita sa gwapo niyang muka."And don't leave yet, may pag-uusapan--" napatigil siya dahil sa biglang pagtunog ng tiyan ko. Gutom na ko. Pero sheeets nakakahiya! "Okay, maglulunch muna tayo, Ayumi." Ngumisi siya at inakay na ko papuntang canteen.

Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya ang pangalan ko? Pero wait! "Waaah! Bitawan mo nga ako, Blake! Wala akong pambili!" Nagpupumiglas ako pero di parin niya ako pinapakawalan.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng pumapasok sa canteen. "Blake! Sumosobra ka na ha! Masyado kang FC!" Sigaw ko dito pero wapakels parin. Nagpatuloy lang siyang maglakad habang hawak-hawak ang kamay ko.

Masakit man sa loob ko pero wala akong nagawa kundi manahimik nalang.

Natapos kaming kumain at busog na busog ako sa sobrang dami ng inorder ni Blake at salamat sa diyos dahil nilibre niya ako, dahil kung hindi, di ko talaga alam kung saan ako pupulot ng perang ipambabayad ko.

Naglalakad kami ng kumag patungong next class namin.

Pinagtitinginan na naman kami. Katulad kanina sa canteen, binibigyan nila ako ng nakakamatay na tingin, yung iba ay halos mangisay na sa presensiya ni Blake. Yung iba naman ay napapairap na lang. May mga grupo rin ng kababaihan na nagbubulungan habang ako naman ay nakapokerface lang.

Ano nga bang klaseng amoy ng sapatos ang nalanghap ng katabi ko para umasta bigla ng ganito?

Napatingin ako sakanya ng hawakan niya ang kamay ko. "Ano?!" Tinaasan ko siya ng kilay at agad na binawi ang kamay ko.

Huminto siya sa baglalakad kaya huminto rin ako. Humarap siya sakin at biglang dumilim ang dating kalmadong itsura niya. La akong pake. "Bakit ang sungit mo?" Matigas ang boses na tanong niya sakin. Buti at walang masyadong estudyante na nakakalat dito sa hinintuan namin. Malapit narin kami sa room.

Tumaas ang isang kilay ko. Nakipaglabanan ako ng titig sakaniya. Ha! Kala mo papatalo ako? Well, nagkakamali ka, kaya pakamatay ka nang gago ka! "Eh ikaw, bakit nagpapanggap kang mabait? Masungit ka naman talaga diba? Ni wala ka ngang kinakausap na iba maliban sa barkada mo. Ano bang kailangan mo saking kupal ka at bigla-bigla ka nalang lumalapit na kala mo naman eh matagal na tayong close?" Mataray na sabi ko.

Totoo naman kasi eh. Masungit siya. Ni hindi siya nakikipag-usap sa mga babae. O baka naman bakla siya at bitter lang kasi di siya makapagpasex change dahil sikat ang pamilya niya?

Inis na ginulo niya ang buhok. "Will you just consider yourself lucky? As you can see, ikaw palang ang kinausap kong babae ikaw pa itong maarte."

Aba't! "Ang sabihin mo, bakla ka lang talaga." Sinamaan niya ako ng tingin. Tss. Ayaw pa kasing aminin.

Naglakad na ako palayo sa gago. Wala akong balak sayangin ang oras ko sa katulad niyang walang magawa sa buhay.

Ramdam ko naman ang pagsunod niya sakin. Masbinilisan ko pa ang paglakad para makalayo na ng tuluyan sa baliw na Blake na yun, pero sa kamalasan ko nga naman ay may nabangga akong ewan. Nag-angat ako ng tingin since nakayuko ako kanina.....laglag ang panga ko sa nakita. "B-blake. P-paano..paano." Hindi magkandaugagang tanong ko habang naglilipat tingin sakanya at sa likuran ko ng paulit-ulit.

Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang niya ako ng pagkalamig-lamig. Nanayo ang mga balahibo ko sa klase ng titig niya sakin.

Napabalikwas ako ng may humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito."God, Ayumi. Why are you running away from me?" Sabi ng hinihingal pang si....Blake?

Ibinalik ko ang tingin sa kaharap namin habang nanlalaki ang mata. Ramdam ko rin ang panlalamig ng mga kamay ko. "K-kung ikaw si Blake, s-sino siya?" Turo ko sa cool na cool at nakapamulsang pokerfaced na kamukang-kamuka niya.

Tumingin naman siya sa tinuro ko. "Oh, bro. Bat di mo sinabing dito ka pala magta-transfer?" Casual na tanong ni Blake kay mr. Yelo.

Nagkibit-balikat lang si Yelo habang nakatingin sakin.

Teka nga. Ano daw? "Bro?" Naguguluhang tanong ko kay Blake habang nakatingin parin kay 'bro' daw niya.

Napatawa si Blake ng mahina tsaka ako inakbayan. "By the way, Ayumi. This is my twin brother, Drake Andrew de Vega or you can just call him Drew. And bro, this is my girlfriend, the one and only Ayumi Chen Lim." Pakilala niya samin sa isa't-isa.

Napairap ako. My girlfriend? Ang kapal niya talaga!

Magrereklamo pa sana ako pero naunahan ako ng kapatid niyang naturukan yata ng anestesia ang pagmumuka. "She's your girlfriend?" Pinasadahan niya ako ng tingin. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya. "Wala kang taste." Nakapokerface na sabi niya at naglakad na siya palayo samin. Ramdam kong nagpipigil ng tawa tong kasama ko.

"Pfffft. HAHAHAHAHA! Damn! I-I'm sorry, can't help it. HAHAHAHA."

Siniko ko ng pagkalakas-lakas si Blake na parang mapupunit na yung bibig sa kakatawa. Kainis! "Aww. Babygirl naman. Masakit yun." Nakangusong reklamo niya sabay himas sa tagiliran niyang siniko ko. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na tinanggal ang kanyang kamay sa pagkaka-akbay sakin.

"Bwisit!" Babygirl niya muka niya!

Naglakad na ako papasok sa room at pabagsak na umupo sa bandang likuran. Bulag ba yung Drew na yun? Mahirap lang ako, pero hindi ako panget! Sarap nilang ingudngod sa semento! Kaasar! MAGANDA AKO!

POORever [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon