BAMBAM
Napaka unfair ng buhay, ano? Hindi niyo ba napapansin? Si Zoe. Ang pinakamatalik kong kaibigan simula bata pang iniwan ako bigla at nakipagsapalaran sa Amerika. Matinding sakit ang naidulot sakin nun. At doon ko lang naunawaan kung gaano kaimportante ang magkaroon ng kaibigan. Mas sobra pa yata ang sakit sa mararamdaman mo kapag nakipaghiwalay ka sa girlfriend mo.
At sabi ko sa sarili ko noon, hinding-hindi ko siya mapapatawad. Sinubukan kong kalimutan siya. Ginawa ko lahat para hindi na siya maalala. Umalis ako ng Bangkok at naghanap ng kapalaran dito sa Seoul. At naging masaya ako dahil kahit papaano ay nabura sa isipan ko ang matinding sakit na naranasan ko.
Unfair nga. Bakit? Dahil sa kabila ng sugat sa puso kong naidulot niya, nagawa ko pa ring patawarin siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noong nagkita kami sa Bangkok matapos niyang mawala. Hindi ko alam kung sisigawan ko ba siya. Kamuhian. O magagalit na lang.
Matapos kong marinig ang rason niya pakiramdam ko gusto ko na lang yakapin siya. Sobra rin naman pala ang sinapit at napagdaanan niya. Hindi ko inasahang kagagawan rin ito ng nanay ko. Dapat sana ay hinayaan niya muna kaming makapag-usap at hindi na sana nakisali pa. Pero wala akong karapatang magalit sa kanya. Nanay ko siya, e. Alam niya kung anong mas makakabuti para sa anak niya. Pero kung tutuusin, hindi iyon nakabuti sakin.
"Ayos lang ba 'tong suot ko? Nasaan na sila? Nayayamot na ako, ah!" Reklamo ni Zoe habang naghihintay kami sa parking lot.
Napagdesisyunan kong gumala sa Namsan Tower since binigyan naman kami ni manager hyung ng tatlong araw para makapagpahinga. Siyempre kasama yung mga members. Hindi puwedeng kami lang dalawa, mamaya mabash pa si Zoe ng mga fans ko. Grabe, ang pogi ko talaga para pag-agawan.
"On the way na nga, ang atat mo!" Sagot ko sa kanya.
"Pasensya naman, huh?" Asar nitong sabi. Napailing na lang ako.
Nabalot agad ng katahimikan ang paligid. Napapalibutan kami ng mga sasakyan at ni wala nang tao dito. Malamang ay tumungo na sa tower. Anong petsa ba dadating sila Jackson hyung? Magpapasko na, ah?
"Bambam?" Nilingon ko si Zoe nang bigla niya akong tawagin. "May itatanong ako."
"Oh?"
"Kapag ba ikaw naging presidente, anong gagawin mo?"
"Ba't mo naman natanong?"
"Ang boring, e." Sagot nito at nagcrossed arms pa. "Sagutin mo na lang!"
"Kapag ako naging presidente?" Nag-isip ako. "Lahat ng restaurant, fastfood, canteens eat all you can! 7.50 lang." Nagulat naman ako nang hampasin niya ako sa braso. "Aray! Ano ba."
"Ang ewan naman ng sayo!"
"Bakit? Ikaw ba?"
"Kapag ako naging presidente, lahat ng miyembro ng gabinete ko, kasing hot at gwapo ni Mark!" Tuwang-tuwang sagot nito at nanggigigil pa. Tss.
"Huh?" Napalingon naman ako sa gilid ko nang sumulpot ang mga members.
"M-mark..." nauutal na sabi ni Zoe nang makita sila. Bakit ba si Mark ang gusto niya? Mas pogi naman ako, ah?
"Anong pinagsasabi mo kay Zoe, Bambam?" May pagbabanta sa boses ni Mark hyung habang inaakbayan ako.
"Wala. Kinukwento ko lang na duwag ka sa gagamba!" At kumaripas na ako ng takbo patungo sa sakayan ng cable car.
Hingal na hingal ako habang naghihintay sa kanilang makarating sa kinatatayuan ko. Naaninag kong magkasabay sa lakad si Zoe at Mark. Tsk.
"Ba't nang-iiwan ka?" Bungad sakin ni Jackson hyung.