Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Padabog ko iyong pinatay at bumangon sa kama. Mas lalo akong napasimangot nang makita ang sariling repleksyon mula sa malaking salaming nasa harap ko.
"Aish." Inis kong inayos ang magulo kong buhok at hinablot ang phone kong may sampong messages mula sa bruha kong pinsan.
Tamad ko iyong binasa lahat hanggang sa manlaki ang mga mata ko sa huling dalawa niyang mensahe.
Aalis agad tayo pagdating ko. Baka kase mahuli tayo sa lakad natin.
Papunta na ako.
"Holy mother of cheese burger." Agad akong kumaripas ng takbo papasok ng banyo.
Hindi ko alam kung ligo ba ang ginawa ko sa sobrang pagmamadali. Baka naman kase mamaya dumating na yung bruha at nasa banyo pa rin ako. Iwan pa ako nun.
6:45 pm na sa orasan ko. Bakit ba naisipan kong mag alarm ng 6:30 e may lakad pala kami ni Dee ng 7? Argh. Anong kwenta pa ang pagbili ko ng alarm clock kahapon sa mall.
Nagulat ako nang may kumatok sa pintuan ng hotel room ko. Pinsan ko na ba 'yun!? Teka, hindi pa ako nakakasuklay!
"Zoe, tara na. Wala na tayong mauupuan nito mamaya." Rinig kong tawag niya mula sa labas.
"Wait!" Nagsuot na agad ako ng sapatos at hinablot na lang ang suklay. Sa taxi na ako magsusuklay!
"Zoe! Anong petsa na!"
"Teka sabi!" Halos magkanda talisod ako sa sobrang pagmamadali. Kung bakit ba naman napaka importante ng lakad namin ngayon.
"Buti naman at naisipan mo pang lumabas, ano? Jusme naman. Anong oras na. Kapag tayo walang naabutan mamaya!" Bungad niya nang makalabas ako.
"Sobra ka naman! Ilang oras kaya 'yun!"
"Hirit pa sasakalin kita."
Tumahimik na lang ako at half-running para maabutan siya sa paglalakad palabas ng hotel. Agad kaming nakasakay ng taxi. Malelate na ba talaga kami? 7:00 pa yung simula, diba?
BAMBAM
Malaking event ang magaganap sa gabing ito. First fan meeting namin dito sa Thailand. At masaya ako dahil nakauwi ako dito at nakitang muli ang pamilya ko. Ilang buwan rin akong hindi nakakadalaw dito dahil sobrang busy.
Nakahanda na kaming pito sa backstage. Mukhang kinakabahan ngunit alam kong magiging matagumpay ang gabing ito.
Pero... iba yung kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi kaba dahil haharap kami sa napakaraming tao. Kundi kaba na... baka makita ko siya. Hindi. Takot. Takot yung nararamdaman ko. Takot na baka sa oras na makita ko siya, hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita.
Masaya? Masaya ba ako matapos ng ginawa niya? Gulat? Dahil hindi ko inakalang pupunta siya? O galit? Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangyayaring iyon? Argh.
"Ready?" Tanong sakin ni Jackson hyung nang lapitan ako. Tumango ako sa kanya bago pinilig ang ulo.
Bakit ba iyon ang iniisip ko? Importante ba 'yun? Kailangan kong magfocus sa fan meet. Hindi sa kanya.
At hindi ko nga sigurado kung pupunta ba siya. Matapos kaya ng ginawa niya makakaya niya pa akong harapin? At anong sasabihin niya kapag nagkita kami? "Hi! Sorry sa nagawa ko. Peace na tayo!" ?
Kabaliwan.
"Magsisimula na yung countdown." Anunsyo ng isang staff kaya naghanda na kami.