1

28 0 0
                                    


“A-Ana...” bigla akong napatayo ng marinig ko ang boses ni mama.“A-Ana s-samahan mo muna ako, please...” sabi pa neto

“B-Bakit? Ma, may problema ba?” nag aalalang tanong habang nagmamadaling maglakad papunta sa parking lot.

“Si D-Daddy kasi...” Hindi pa man niya natutuloy ang sasabihin niya ay huma-hagulgol na siya ng iyak. Bigla naman akong napahinto sa paglalakad saka ko pino-prinoseso sa utak ko ang sasabihin niya.

“M-Ma, n-nasaan ka? Pupuntahan kita agad..” naiiyak na ani ko.

“Si Daddy kasi, n-naaksidente. Nasa Jaxon Hospital ako n-ngayon...” aniya

“Papunta na ko, Ma. Hintayin mo ko diyan, hm..” I said, gently.

When I ended up our conversation. I immediately went in my car and drove to Jaxon Hospital. There's no traffic so mabilis lang akong nakapunta.

“Ma!” Nang makita ko si Mama ay tumakbo agad ako papunta sa pwesto niya, tumingin naman siya sa akin saka tumayo.

Nang makalapit ako ay agad itong yumakap sakin.

“Paanong naaksidente si Daddy?” Ani ko.

“H-Hindi ko alam, kaninang nasa bahay ako ay may tumawag lang galing sa phone ng Daddy mo.” Umiyak na sabi niya. “Hindi ko pa alam k-kung anong cause of accident niya.”

“Ma, tumahan na muna. Ako na kakausap sa mga pulis.”

“S-Sasama ako..”

“Ma, kausapin mo nalang yung Doctor.” Ani ko.

“Mrs. Rodriguez.” Tumingin kami doon ng may nagsalita.

“A-Anong nangyari? Bakit n-naaksidente ang asawa ko?” tanong ni Mommy sa mga pusil.

“Ma,” Tawag pansin ko sakaniya dahil nagsisimula na naman siyang umiyak. “Ako na kakausap, hm..”

“P-Pero...”

“Ako na ma, hintayin mo nalang si Daddy. Maupo ka muna..” saka ko siya inalalayang maupo ulit. “Hintayin mo yung Doctor Ma, sabay natin siyang kakausapin. Babalik agad ako, hm..” I said, she nod and look at the emergency room.

Bumaling naman ako sa mga pulis at inaya silang lumayo ng kaunti kay Mommy.

“Bakit po naaksidente si Daddy?”

“Nakita na namin yung CCTV kung saan malapit naaksidente si Mr. Rodriguez.”

“And, then?”

“Mabilis po kasi ang pagd-drive ni Mr. Rodriguez tapos may bata po kasing biglang tumawid, iniwasan niya yung Bata kaya dumiretso ang kotse niya sa poste.”

“Sinong tumawag ng ambulansya?”

“Hindi pa po namin alam, pero magtatanong po kami.”

“Salamat, paki sabihan po ako agad kapag nalaman niyo na.”

“Sige po. Alis na po kami.”

“Yeah, sure. Salamat ulit.”

Tanaw ko naman ang pag-alis nila ng hindi ko na sila makita ay bumaling ako kay Mommy. Lumapit ako dito at naupo sa tabi niya. Saka siya hinawakan sa kamay, napatingin naman si Mommy sakin saka ako niyakap.

“Magiging maayos din si Daddy, Ma.” Ani ko, saka tinapik-tapik ang balikat niya.

“S-Syempre.” Aniya.

Ilang oras din kaming naghintay. Nang bumukas ang pinto ng operating room ay bigla namang lumapit si Mommy sa Doctor. Ako naman ay lumapit kay Daddy at tinignan kung ayos lang siya.

“Dadalhin na po namin siya sa Room niya.” Sabi naman ng nurse.

“Sige.” Ani ko.

Sumama naman ako sa paglalakad papunta sa room ni Daddy.

“K-Kamusta ang Asawa ko?” Rinig kong tanong ni Mommy.

“Okay na po siya. Kailangan niya pong magpagaling, habang nandito siya sa hospital ay ako po ang magbabantay sa kaniya katulong ng mga nurse.” Sabi ng Doctor. Boses palang ng Doctor ay halata mong Bata pa lang siya. Magkasing tanda lang siguro kami o kaya ay matanda siya ng kaunti

“Salamat. Salamat talaga.”

“Wala po yon. Una na po ako.”

Nang natapos sila ay sumabay na si Mommy sa pagtutulak habang tinitignan si Daddy. Ako ang pinakahuling naglalakad samin ng  dumaan sa tabi ko and Doctor at dumiretso ng lakad.

He's tall, clean cut hair, broad-shoulder and he's smells good, I know that this Doctor is handsome, even his voice is surely handsome.

Nakaupo ako ngayon sa couch sa loob ng Hospital Room ni Daddy. I'm scrolling through my cellphone while my mother is on my father's side. Taking care of him.

My father's love for my mom is like an air. You can't see but, you can feel.

Natutulog ngayon si Mommy sa upuan sa tabi ni Daddy. Ako naman ay binabantayan sila at hihintayin yung nurse na titingin sa Daddy ko. Nang may pumasok ay hindi ko na ito tinignan dahil yung nurse na titingin lang kay Daddy yon.  Nakatingin lang ako sa laptop ko at tinatapos ang presentation ko para sa sunod na bukas.

For some reason the nurse clear his throat, kaya naman tumingin ako sa kaniya pero imbis na Nurse ang dumating ay yung Doctor mismo ang nandito. Kaya naman napatayo ako sa gulat.

“Doc..” Ani ko. Nakatingin ito sakin kaya inayos ko ang buhok ko at umubo ng kaunti para alisin ang pagkailang.

“Hi. I'll just check your father.” Aniya.

“Sige. Akala ko nurse yung titingin sa kaniya.” Ani ko.

“No. Personal kong titignan ang Daddy mo.” Aniya. “Why are you still awake?”

“Ah, babantayan ko muna silang dalawa. Tsaka tatapusin ko pa yung ipe-present ko.” Ani ko.

“Hm, are you eaten?” he ask.

“No.”

“Then, at least eat. Baka pagkagaling ng Daddy mo, ikaw naman ang magkasakit.”

“Maybe later.”

Nakakabigla naman si Doc. Bakit bigla-bigla na lang kasi siyang magtatanong ng ganon. Nangmatapos siya sa ginagawa niya ay nagpaalam na siya. Ako naman ay umupo ulit tsaka tinuloy ang paggawa ng presentation. Ilang oras ko ring tinapos yun kaya nung tumingin ako sa orasan ay alas-onse na ng gabi. Kaya naman niligpit ko na ang mga nakalat ko at tumayo na ng matapos. Hindi pa kasi ako kumakain.

Tumingin muna ako kila Mommy ng makitang natutulog pa sila ay umalis na ko dahan-dahan lang ang pagbubukas ko ng pinto kaya ng makalabas ay dumeretso na ko sa Canteen ng Hospital. Hindi ko nagustohan yung mga nakalagay kaya naman lumabas muna ako para bumili nalang sa malapit sa cafe. Pagbalik ko ay sa Canteen ko na kinain yon. Nakaupo lang ako sa may gilid habang umiinom ng kape ng may umupo sa harap ko. Tumingin ako don at handa na sanang tarayan ng si Doctor pala ang umupo kaya naman nabigla ako at napaso ang labi ko sa kape.

“Aw..” Ani ko habang nilalayo ang kape sa bibig ko.

“Oh shit. Did I scared you?” he panically said. Saka niya kinuha ang panyo niya sa bulsa niya saka pinatong ang siko niya sa lamesa at nilapit ang mukha niya at pinunasan ang gilid ng labi ko. Ako naman ay natigilang nakatingin sa mukha niya.

Masyado siyang malapit sakin kaya naaamoy ko ang pabango niya kanina. Kitang kita din ang mahahaba ng pilik-mata at ang matangos niyang ilong. Mapula pula din ang labi niya. Hindi ko masyadong napansin kanina dahil abala ako sa representation tsaka kay Daddy. Nang marinig ko siyang umubo ay tumingin ako sa mga mata niya. Umiwas ako ng tingin ng makitang nakatingin din pala siya sa akin.

Nakakahiya nakita niya siguro akong nakatingin sa labi niya.

“Is my lips kissable?” he tease.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost in your Eyes (ON-HOLD)Where stories live. Discover now