Chapter 9

6 2 0
                                    

Kelsey's

"Class, as your project, youre going to do a duet song with your classmate, you have the choice of what song do you want. And, this is a very important project. So, sasabihin ko na kung sinong makakapartner nyo", nakikinig ako ng mabuti habang nag-eexplain yung teacher namin. Sa puso ko, may part na sana sya yung makapartner ko, oo sana si Shawn. Hindi ko rin alam kung bakit pero basta gusto ko lang.

"Kurt Dy and Samantha De Vera,
Cy Perez and Dianne Flores,
Max Sandoval and Gail Ignacio,
Shawn Villaflor and ----", sana.. sana.. *crossfinger*
"And France Sanchez", a-ano? Biglang parang ayoko na lang makinig. May partner na sya, at si France pa?

"Blahh. Blahh", wala na kong maintindihan, parang wala na kong naririnig, yung pagbuka lang ng bibig ng teacher namin yung nakikita ko pero wala akong marinig.

"Kelsey Johann Perez and Jackson Lim", huh? Napalingon ako ng tawagin ako ng teacher namin. Napatingin ako kay France na nasa bandang tabi ko lang at binulungan ko sya, mukha kase syang nabahala.

"Bess, ganto yan. Sabi ko sayo tutulungan ko kayo diba? Eto na yun, chance ko na para matulungan ka sa kanya, ako nang bahala", at ngumiti pa ko sa kanya. Feeling ko may mali sa gagawin ko, pero para sa kaibigan ko sige kaya ko to.

Mukhang nagets naman nya kaya nag thumbs up pa sya.

"Okay, go to your partners, have a little chitchat about your project", at namalayan ko na nga na nasa tabi ko na si Jackson.

"Ahh Kel, ako pala makakapartner mo sa project, may two weeks daw tayo para paghandaan yun. Habang nag-iisip pa tayo ng magandang kantahin, mabuting magplano muna tayo kung saan tayo makakapagpractice", sabi nya ng dire-diretso. Kaya bigla akong napatawa.

"Haha, bat parang kinakabahan ka?", pinapagaan ko lang yung sitwasyon para hindi naman awkward. Tsaka mukhang magaan naman loob ko sa kanya.

"Ahh ganun ba? Sorry naman, nahiya lang ako sa nangyari nung nakaraang araw", sabi nya habang parang kinakamot yung batok nya.

"G-ganun ba? He-he oo nga pala", kahit ako nahiya na rin.

"K-kalimutan na lang natin yun", nasabi ko na lang pero nagulat ako sa reaksyon nya.

"Hindi pwede!", nanlaki naman mata ko sa bigla nyang pagreact na parang tumututol sya.

"H-huh?", naguluhan ako sa reaksyon nya.

"K-kase ano, hindi pwede kalimutan, basta", nauutal nya pang sabi.

"Ahh o-okay", pati tuloy ako nautal na. Ano ba naman yan.

Niyaya nya ko dito sa bahay nila ngayon kaya eto nasa salas nila kami, kasalukuyan syang nasa kwarto nya kase may kukunin daw sya.

"Manang! Pakikuha na tong mga shinopping ko, palagay sa kwarto ko, thank you", napatayo ako ng makarinig ng boses babae. Sa tantya ko nasa mid 40's na sya pero ang ganda pa rin nya, halatang alaga talaga ang balat nya pati na rin ang buhok nito.

"G-ood Afternoon ma'am!", nasambig nya bigla dahil nasa harapan nya na pala ito.

"Ahh, Good Evening din. You're a classmate of Jackson?", parang mataray yung dating kaya kinakabahan ako.

"A-ahm, y-yes po. Im Kelsey Johann Perez", pakilala ko ata nagbow pa sign of respect.

"Oh, your'e a Perez do you know the great Alexander Perez?", ngumiti iyo bigla at pinaupo na rin sya.

"Ahm, actually ma'am, He is my father", mukha namang nagulat sya at ngumiti ng malapad.

"How great! I would love to meet Grace again", sabi nya na ikinabigla ko. She knows my mom? Are they friends?

"You know my mom?", tanong ko at tumango naman sya.

"She's a friend of mine since college, we're bestfriends and classmates back then, also your dad", paliwanag nya at nakita ko na ring pababa na si Jackson ng hagdan.

"Mom! What are you doing to my girl?", Huh? Ano daw sabi nya??

"Your girl? Do you mean this is your girlfriend? Oh! Nice taste son. Youre a lucky one", huh? Anong girlfriend? Ako?

"Mom, its not what you're thinking. What I mean is ----", hindi pa natapos si Jackson magpaliwag eh sumingit agad yung mama nya.

"No need to explain son, by the way kelsey? Just call me mommy na rin. Oh wait, I'll just broadcast it to my friends!", at excited na tong tumayo at biglang naglaho sa paningin ko.

"Look, Im sorry, I'll talk to my mom larer", umupo si Jackson sa tabi ko at tumango na lang ako.

"Ahh, okay lang. Di naman siguro kakalat yun, tara start na tayo sa pagpili ng kanta", sagot ko na lang at nagstart na nga kami sa paghahanap ng kanta.


UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon