Ako si Aubrey.
Isang normal na teenager. May magulang, may kaibigan, may kapatid, nag aaral, at may crush. Halos lahat ata kami dito sa eskwelahan ay nagkakandarapa kay Jeremy. Ang dahilan ay dahil gwapo sya, mayaman. Ngunit hindi yun ang nakita ko sakanya.
"Anak ng! Andito ka pa rin Aubrey?!" Si kuya Ace. Pinakamatanda kong kuya. "Ah-eh, kuya, tinatamad akong maglakad e." E kasi totoo naman, huhu. Puyat pa ko kagabi kaka stalk sa facebook ni Jeremy e. Hays.
"Osya halika na, ihahatid kita sa school mo." Yess! Ang bait talaga ni kuya haha!
Habang nag ddrive si kuya, andito ako sa passenger seat at nakatingin sa bintana. At Omg! Nakita ko sya!
"KYAAAH! kuya! Nakita ko sya! Kuyaaaa~." Sigaw at tili ko. Pano ba naman? Nakita ko yung crush ko!! "Ay jusko! Mababangga tayo dito! Ikaw talagang bata ka!"
Binilisan ni kuya ang pag ddrive nya dahil na rin sa malapit na yung school. Pagdating namin sa parking lot, inalis ko kagad ang seatbelt ko at humalik kay kuya Ace. "Bye kuya! Salamat sa paghatid sakin, yii. Wuvyuuu. Mwaa!" Kasi naman, sa tatlo kong kuya, sya lang ang pinaka sweet at mabait, maloko kasi yung dalawa e. Mahilig mang babae. Hahahahaha. "Sige na aubs, papasundo ka ba mamaya?" Tanong naman ni kuya. "Ay wag na kuya. I can manage na. Sige na byee!" At lumabas na ako ng sasakyan.
Nagkunwari akong papasok na sa school pero pag alis ng sasakyan ni kuya, bumalik agad ako sa parking lot. At after 5 minutes, OMG! Ayan na sya! Pinark nya na ang sasakyan nya at lumabas na sya. Ang pogi nya talaga. Para akong nasa langit dahil nakakita ako ng anghel!
Nung naglakad na sya, sumunod ako sa likod nya. Syempre! Para kunwari close kami. Tuloy tuloy lang sya sa paglakad hanggang sa..
*bogsh*
Oh ghad! Bumangga ako sa likod nya, ang bango bango nya pa. Tumingin sya sakin na para bang tinatanong ako kung anong nangyare. "Ah..Eh.. Nabunggo ako. Tumigil ka kasi sa paglalakad e. Pero no worries, okay lang ako.hehe" ngumiti pa ko, yung ngiti na pang beauty queen baka mainlove na sya sakin! Hahaha!
Pero omg, di sya sumagot at tinalikuran na agad ako. Di nya ko pinansin?! Hinabol ko sya. "H-hoy! Di ka ba magsosorry sakin?!" Tumigil naman sya sa paglalakad at humarap sakin "Kasalanan ko ba na tanga ka?" Medyo napahiya naman ako pero binaliwala ko ito. "Sabi ko nga, pero mamaya na lang jeremy my loves ha? Ingat papunta ng classroom. Bye! Mwaa!" Hinalikan ko sya sa pisngi. Yiii. Kilig naman ako. "Ano ka ba? Nakakadiri ka talaga!" Sigaw nya sakin. "Wala akong germs my loves! Hihi! Basta I love youu!" At tumakbo na ko papasok ng classroom namin.
Pagpasok ko ay may teacher na. Patay! "Ms. Carbonnel, late ka na naman?!" Singhal nya. "Ah.. Eh.. Maam, ang tagal kasi mag drive ni kuya e." Nagliwanag naman ang mata ni maam. Sabi na e, crush na crush nya si kuya. Tss. "Ah ganun ba? Sige. Umupo ka na."
And the discussion begins. Pagtapos ng klase ay recess na, dumiretso agad ako ng canteen para hanapin si my loves! At ayun sya! Magisa sa dulo. Napaka suplado talaga nya, ang dami nyang fangirls pero di nya pinapansin huhu. Lumapit na ako sakanya.
"Hi my loves! Kumain ka na ba? Anong gusto mo? Libre kita you want? Bilis! Magsalita ka naman!" Excited kong tanong sakanya. Tinignan nya lang ako at pumikit na. Ay ganun? "My loves naman e! Bahala ka. Bibili na lang kita ng cake!" Tumayo na ako at bumili.
Dalawang coke in can, isang strawberry shortcake, apat na sandwich at dalawang chips.
Binaba ko yun lahat sa lamesa. Tinignan nya lang ako ng ganyan-ka-ba-kagutom look. Ngumiti lang ako at inabot sakanya yung cake, coke at isang sandwich. "Favorite mo yan diba my loves? Ayan na puu." Ngumiti naman sya ng matipid at kinuha na yung cake. Yiii. Favorite nya kase yun e. Kaya alam kong di nya tatanggihan.
Time na at tumayo na sya. "Thanks." Sabi nya at umalis na. Napatili naman ako. "Kyaaah! Kakakilig ka talaga jeremy my loves!" Nagtinginan naman yung mga tao sakin. Yumuko na lang ako at dederetso pa pala ako ng cr.
Nasa dulo ako ng cubicle ng may narinig ako ng naguusap.
"May babaeng umaaligid kay jeremy ah?"
"Naku, masanay ka na girl. Since freshman ay ganun na yung babaeng yun. Feeling girlfriend. Nagtataka nga ako kay jeremy at hindi nya pinapaalis e."
Ohmy! Ako ba tinutukoy nila? Pero.. Baka hindi naman.
"Masanay? Tsk. No way! Gagawa ako ng paraan para mapalayo yang babaeng yan."
Nawala na yung boses at lumabas na ako ng cubicle. Tumingin ako sa sink at may napansin akong note na nakapatong dun.
I know you're there. I'm gonna kill you.
-MCOhmy! Dali dali akong lumabas ng cr at tumakbo sa kung saan saan. Sure kasi ako na ako yung pinaguusapan nila e. Sino ba kasi siya?! Napatigil ako sa pagtakbo na makita ko ng nadanggil ko pala si jeremy. Lumingon sya sakin at tinanong ako kung bakit ngunit umiling lang ako at tumakbo na ulit palayo. Kinuha ko yung bag ko sa room at dumiretso na pauwi. I know nag cutting class ako pero sanay na ko. Pagdating ko sa bahay ay nandun sila kuya.
"Oh? Aga ata ng uwi mo? Exam nyo?" Sabi ni kuya Austin. Umiling ako. Grabe, I feel weird. May phobia na kasi ako sa pakikipag away. Takot ako sa mga taong masasama kaya siguro ganto na lang ang naging reaksyon ko.
Dumiretso ako sa kama kong super laki at humiga. Nag vibrate ang phone ko. To my surprise, nag text sakin si jeremy!
From: my loves!
What the hell happened to you?
BINABASA MO ANG
Hoy crush!
RomanceMadaming kababaihan ang nagkakaron ng crush na hindi naman sila pinapansin. Ang mga lalaki kasi ngayon, gwapong gwapo sa mga sarili nila. Tss. At isa ako sa mga babaeng patay na patay kay Jeremy, ako nga pala si Aubrey Carbonnel.