Part 10

35 1 0
                                    


*Kriiiing!*

Bigla akong nagising sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. Nakapikit pa ang isa kong mata nang kunin ko ito at tingnan kung sino ang tumatawag.

"Jamieeeee! Anong petsa na bat ngayon ka lang sumagot?!", sigaw ng isang matinis na boses sa kabilang linya. Kulang na lang matanggalan ako ng eardrums!

"Ano ba! Alam nang natutulog ang tao e!", singhal ko kay Trixie. Oo, si Trixie Mae ang nasa kabilang linya.

"Mag alas dose na Jamie tulog ka pa din!?" 

Nang laki ang mata ko sa sinabi nya at kaagad kong chineck ang oras sa screen ng phone ko. 

Di nga sya nagkakamali, 12:15 na ng tanghali. 

*Growlll*

At ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko. Shessh!

"Sarap matulog e, bakit ka ba napatawag at naninigaw ka pa dyan babaita?", tumayo na din ako sa pagkakahiga at inayos ang mga kumot at unan. 

Nanlaki ang mata ko at mas inilapit ko ang mukha ko sa salamin para makita ko nang mabuti yung hitsura ko. Gulong gulo ang buhok ko at medyo malaki ang eyebags ko. Hindi kasi agad ako nakatulog kagabi kasi naman... Ahrg! Ayoko na lang maalala! Bwisit na Prince 'yun!

"Eh kung chini-check mo kasi yang phone mo no? Kanina pa kaming nag-ttext at chat sayo!", singhal nya ulit sakin sa kabilang linya at kahit di ko sya nakikita alam kong umiikot na ang mga mata nyan habang kausap ako. 

"Oo na, eto na nga babasahin ko na po."

"Hay nako! Puntahan at sunduin ka na lang namin dyan. Mag- ayos ka na babaita! Bye! Muah!", dere-derechong sabi nya bago nya pinatay ang call.

Napatulala na lang ako sa phone ko after nya i-end ang call at tumambad sakin ang maraming unread messages galing sa mga kaibigan ko. 

Kidd: PJ! Leggoo gala! 

Trixie: Bessy! Nagkita kami ni unggoy kahapon coincidentally sa mall. Nag- aya sya gumala today. Nasabihan ko na din yung mag juwa. 

Unggoy = Kidd

Napapaghalataan tong si Trixie, masyadong deffensive! Hahaha.

Henry: Pajama, have u received the msg from Trix? Gala daw tayo *insert smile emoji*

Napa-ngiti naman ako sa message ni Henry sakin, happy pill ko kasi sya eh. Ewan ko ba every time he's around or kapag kausap ko sya parang nawawala stress ko sa buhay. But don't get me wrong, lahat naman kami ganon ang nafi-feel kapag kasama namin sya. Haha. And like what I've said, crush nya 'daw' ako pero not on the level na liligawan nya ako. Basta ganon! He's like a big brother na din sakin. 

To Sweet Henry: Yepp! Nagising ako sa tawag nya eh. Ang tagal di nag-paramdam bigla maninigaw sa call. Haha! *sent*

Nag-text din sakin si Alice saying she's excited na sa gala namin. Dalhin daw namin si Chaira para makalaro nila. 

And speaking of Chaira na-alala ko na naman yung nangyare kagabi... Ahrg! Erase! Erase!

Inayos ko na din ang sarili ko dahil sabi nila mga 2:00 pm darating na sila para ipick-up ako. Hindi nila sinabi kung san kami pupunta basta daw mag-eenjoy kami. Na-excite din naman ako kasi hindi pa kami nakaka-gala ulit this summer. 

Naka-shorts and maluwag na sando with tube inside na lang ako at rubber shoes para presko lang kasi medyo mainit din ang byahe kasi dis peras na ng hapon.

Hinanda ko na din ang mga gamit ni Chaira pati mga toys nya. At saktong may narinig na akong busina ng sasakyan sa labas ng bahay namin.

Kinarga ko si Chaira bago lumabas ng bahay para pagbuksan ko ng gate yung mga kaibigan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Generator 2023Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon