Part 5

1.3K 23 6
                                    

PART FIVE//

PRINCE's POV

"Asan na 7 thou ko?"

Nilahad pa nya sa akin yung palad nya. 

"Huh?"

"Yung bayad mo."

"Bayad? Eh wala pa namang puppy."

"Ehh! Naman." *pout*

Dang! She's so cute! 

"Prince?"

"Prince?!"

"Hoy, Prince!"

O.O?

"B-bakit?!"

"Natulala ka lang naman. Nagagandahan ka sa akin noh? Haha!" 

"H-ha?! Hindi noh! Asa!" 

Tumalikod ako kasi pakiramdam ko nag- iinit ang mukha ko. Nakakabakla naman ito! >//<

"San ka pupunta?"

"S-sa amin! Kukunin ko si Clark!"

"Ah! Si Claire!"

Humarap ako sa kanya. Claire na naman?!

"Lalaki si Clark! Hindi sya bakla!" >:/

"Ehh! Mas maganda kung babae sya!"

"Edi hindi nya nabuntis yung aso mo kung babae sya!"

"Ewww! Gross! Kunin mo na nga!"

Natawa ako sa naging reaksyon nya. Hahaha! Hindi open- minded. 

Haay! Salamat naman, napapayag ko yung magandang babae na amazona na yun. Nakakahiya ang ginawa ko kahapon! I ask her to be my baby maker! Dang! Nabato tuloy ako ng tsinelas nya. Masakit yun ha! Sapol ako sa ulo e. -_-

Then I made it again, mali na naman ang construct ko ng sentence. Ang hina ko talaga sa ganung bagay. 

Nakauwi na ako sa amin dahil malapit lang naman. Hinanap ko kaagad si Clark. Asan ba yun?

"Claark!" nakakailang tawag na ako e. 

"Sir Prince, nasa kwarto po ni Ma'am Vee si Clark." sabi sa akin ng kasambahay namen.

"salamat po ate Nancy. Atsaka, Prince at Vee na lang po itawag nyo sa amin."

"Hindi po ako sanay e. Amo ko po kayo ni Maam Vee."

"Walang amo o katulong dito sa bahay, ok? Tinuturing na namin kayong kapamilya kaya wag nyo na yun isipin. Sige po, puntahan ko lang sila."

At pagpasok ko ng kwarto ni Vee...

"VEEE!!"

"Prince-onii! Uwaaah! Nakakagulat ka!"

Lumapit ako sa kanya at kinuha si Clark. Amp naman! Bakit ba nila ginagawang bading anak ko?! 

Love Generator 2023Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon