Prologue

371 20 0
                                    

"Pa,Please huwag mo kaming iwan ni Mama" pagmamakaawa ko kay papa. "Ma,please huwag mong paalisin si Papa". "Pasensiya na anak pero hindi ko na kaya ang panloloko ng papa mo!!" sagot sa akin ni Mama."Pa totoo bang niloko mo kmi ni Mama!?" tanong ko kay Papa."Pasensiya na anak pero--" hindi ko na pinatapos ang sagot sa akin ni papa at nasampal ko na siya.Hindi ko napigilan ang pag-agos nang aking luha.Tumakbo ako palay sa aming bahay hanggang napagod ako at huminto sa isang tulay.Sa puntong iyon ay parang gusto kung tumalon para matapos na paghihirap ko.Hindi ko lubosang maisip  kung bakit nagawa iyo ni Papa sa amin.Iyak lang ako nang iyak.Tatalon na sana ako nang biglang may pumigil sa akin."Huwag mo nga akong pakialaman!" sigaw ko sa kaniya."Bakit kung tatalon mawawala yang problema mo?Magiging masaya kaba kapag tumalon ka?"sagot niya sa akin.At may nilabas siyang panyo at ibinigay sa akin."Oh ito panyo ipunas mo diyan sa luha mo at huwag mo nang subukang tumalon pa muli" dagdag nito.Pinunasan ko ang aking luha.Magpapasalamat na sana ako sa kaniya nang bigla siyang tawagin nang Mama niya siguro."Ren,halika na Aalis na tayo." tawag nang mama niya.Nang maka alis ito ay napag isip-isip ko na tama nga ang sabi niya hindi ko matatakasan ang problema kung magpapakamatay ako. Lumipas ang mga araw ay natanggap ko na na hindi na muling mabubuo pa ang aming pamilya.Nalaman ko rin na isang artista pala ang pinagpalit ni Papa kay Mama.At dahil dun ay nagbago na lahat ang buhay ko pati na rin ang ugali ko.

BASHER turns into a LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon