Minsan Kasi (Valentine's Day Special)

81 2 2
  • Dedicated kay Crush ko HAHA
                                    

Ehem. This is for the people who live. Day by day with the strength to breathe another breath.

Single pero happy- HAPPY INDEPENDENCE DAY

Single at sawi- HAPPY SINGLE'S AWARENESS DAY

MGA CONTENTED- HAPPY VALENTINE'S DAY

Mga lutang, sabaw at walang pakielam - HAPPY THURSDAY

Para rin to sa lahat ng Seniors ko na (hopefully) mag-gragraduate and this is also my Valentine's treat for mah Filipino readers. Enjoooy! :D -Louise x

----------------------------------

Minsan kasi, mahirap mag-commute.

As in.

Sobra.

Parang ngayon lang.

“Manong!” Tumakbo ako papunta sa jeep na nakita kong pa-Katipunan, “Teka lang!”

 

“Sorry, miss. Puno na yung jeep, eh.” Sabi nung kunduktor.

Ay.

Bakit ba kasi punuan yung mga jeep ng ganitog oras? Hindi na tuloy ako makahanap ng matinong masasakyan. Mapa-fx, jeep o taxi, may laman. Kapag naman nag-LRT ako, mas mapapalayo pa ako.

“Oh, Katipunan! Katipunan, ayan! Tatlo pa dito sa may kaliwa! Usog-usog lang po para magkasya tayo. Ayan!” Narinig kong sinigaw ng isa pang konduktor. Biglang nanliwanag yung paningin ko.

Kailangan ko makarating doon! Grabe, kanina pa ako naghihintay dito. Dapat talaga akong makasakay na… kasi malelate na naman ako kung hindi.

“Oh, isa nalang! Isa pa, isa pa!” Sigaw nung kunduktor.

Ako yun! Ako yun!

At parang destiny...

May nauna sa akin :(

“Sorry, miss.” Sabi nung isang high school student, yung nauna sa akin.

“Sige, okay lang.” Sabi ko naman sa kanya.

Maglalakad na sana ako palayo nang sumigaw yung nakakuha ng upuan ko sa jeep, “Ate! May bakante pa sa harap!”

Meron pa? Really?! YES!

Engot naman yung konduktor. Meron pa pala sa hanap, eh.

Agad naman akong tumakbo papunta sa harap at umupo na. inilagay ko sa harap ko yung backpack ko at nagbayad na ako kaagad. Sumandal ako at huminga ng malalim.

“Kanina ka pa ba naghahanap ng jeep na masasakyan?” Narinig kong sinabi ng katabi ko. At dahil sabi ng mama ko na I should not talk to strangers, hindi ako sumagot.

Louise's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon