"Zephaniah Marie Jonas!"
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko at mas binilisan ang pagtakbo habang hinihiling na sana lamunin na lang ako ng lupa sa kahihiyan. Yumuko ako at nagtago sa hanggang balikat kong buhok.
"Bumalik ka dito! Hindi pa tapos ang blind date mo! Hoy!"
Nakakainis at nakakahiya ang ginawa ni Tita na pagsigaw sa akin. Hindi naman niya kailangang gawin yun at sana pinagalitan niya na lang ako na kami lang. Maraming tao sa restaurant at napapatingin sa amin dahil sa lakas ng boses ni Tita.
"Sorry po. Sorry." humingi ako ng paumanhin sa nabangga ko dahil hindi ako tumitingin ng maayos sa daan.
Noong pakiramdam ko nakalayo na ako kay Tita ay inayos ko na ang buhok ko. Nagulo pa tuloy ang bago kong gupit na buhok.
Sinamaan ko ng tingin ang pinanggalingan ko. "Bagay lang sa kanya yun! Pumogi lang ng konti akala mo kung sinong poging pogi, pweh! Pumuti ka lang!"
Tama lang na iniwan ko ang kablind date ko kanina. Mahangin, akala mo poging pogi. Ang yabang.
Habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang tawag ni Tita. Hindi ko inangat kaya nagtext siya.
Tita Ems:
Wag mo akong tatakasan. Mahaba pa ang listahan ko.I snorted and put my phone back in my sling bag. May blinddate ako pero dati kong school mate at sobrang yabang kaya nilayasan ko. Hindi ko inaasahan na nakabantay pala sa akin si Tita Emily kaya napagalitan ako at ang lakas pa ng boses niya.
Where should I go? Ayokong bumalik sa Cafe dahil siguradong doon ako susugurin ni Tita kaya dito muna ako. Anywhere peaceful.
I sighed and sat on a swing. May mga batang naglalaro sa paligid at mga bantay nila. I miss teaching the kids. Their laughters and naughtiness. Their cute voice and little hands.
May lumapit sa akin na batang lalaki. "Can I sit on the swing?"
Ngumiti ako sa nahihiyang boses niya. May isa pa kasing swing sa tabi ko. I said, "Sure."
Agad naman itong naupo sa swing. Such a cute little boy. He knows how to ask permission before doing something.
"What's your name, little guy?"
I helped him swing since his tiny feet can barely touch the ground. Inabot ko lang ang tali at sumasabay sa pagswing nito.
"I am Yoshin." came his cute voice.
Koreano pati ang pangalan niya. Kitang kita sa itsura niya na may lahi siya, singkit at maputi.
"Nice meeting you, Yoshin! I'm Naya." pakilala ko naman sa bibong boses. "Do you live near here?"
Napansin ko kasi na wala siyang tagabantay pero ang liit niya pa. I think he's around 4 to 5 years old. Humawak siya sa tali at parang gusto kong hawakan na lang ang kamay niya.
Umiling siya sa akin at kumurba ang ibabang labi, ang cute tuloy kurutin ng pisngi niya. "Tito said he will come back."
Hindi ko na napigilan ang kamay ko na abutin ang pisngi niya. I pinched it lightly. "You're so cute!"
Ginalaw galaw niya ang ulo niya habang nakasimangot. I smiled and want to pintch his cheek even more. "So adorable!"
Bago pa ako manggigil ay ibinaba ko na ang kamay ko. "Do you have an older brother?"
He shook his tiny cute head. Natawa naman ako. Ano bang iniisip mo Naya. Itinuro ko ang slides kung saan marami ang mga bata. "Do you want to play on the slides?"
YOU ARE READING
A Place Next To You
RomanceI'm Zephaniah Marie Jonas, a teacher by profession, the owner of Caffeine, coffee and tea. And all I need is a place next to you.