Chapter 5

2 1 0
                                    

We are back to school again. Matamis ang ngiti ko habang pinapapasok ang mga bata sa loob ng classroom. Kasama ng iba ang kanilang mga magulang at ayaw pang magpaiwan. This is the scene for every opening of classes of the Kindergarten pupils.

"Welcome back to school kids! I am Teacher Naya and I will be your teacher." Masiglang boses ko. Sumabay ang iba sa palakpak ko habang ang iba naman ay may kanya kanyang ginagawa.

Dahil unang araw pa lang ng klase ay pinakilala ko muna sila sa isa't isa at nagpakulay ng kanya kanya nilang name tag. I was watching them as they color their apple nametag and guiding them at the same time.

Ang cute nilang panoorin habang nagkukulay, seryoso at tutok talaga sa kanilang mga ginagawa. Nagkakahiyaan pa sila. Ang iba naman ay komportable na sa mga kaupo nila. Napalingon ako sa gawi ni Angela, she's special in my class because her mother entrusted her with me.

"Ma'am, baka pwede pong pabantayan muna ang anak kong si Angela. Hahanap na lang po ako ng pagkakataon na masundo siya kapag umalis na po si boss." lumingon ako sa loob ng classroom at tahimik na nakaupo si Angela. Ngumiti ako sa nanay ni Angela at tumango.

"Pwede naman po. Ibibigay ko na lang po ang number ko sa inyo, tumawag po kayo o magtext kung susunduin niyo na si Angela." hinawakan niya ang kamay ko at nagpasalamat. May kumurot sa puso ko para sa mag-ina. Kita ko rin ang pagod sa mga mata ni Hana, ang nanay ni Angela.

"Kapag tapos na lang po kayo sa trabaho tsaka niyo sunduin si Angela." sinabi ko. Nagpasalamat ito muli sa akin na may nangingilid na luha sa mga mata. Binigay ko pa rin ang number ko sa kanya at pinapasok muna sa loob para magpaalam kay Angela. The scene warmed my heart when Angela hugged her mother, Hana.

Kamuntikan na akong maiyak kaya tumalikod muna ako. May dumating naman akong pupil kaya iyon na ang inasikaso ko. Habang tinitignan ko si Angela ay may nasaksihan akong eksena.

Gumulong ang malaking krayola ni Harvey patungo sa direksyon ni Angela. Tahimik na kinuha ito ni Angela at inilipat sa table ni Harvey.

"Thank you." I heard from Harvey. Walang reaksyon si Angela at nagpatuloy sa pagkukulay.

"Here. We can share my color." Inilapit ni Harvey ang krayola. Umangat ang ulo ni Angela. "May kulay ako."

Napangiti ako. Hindi naman suplada ang pagkakasabi ni Angela pero kita ko ang gulat sa mukha ni Harvey. Natawa ako at nagpatuloy sa pag-iikot para makita kung tama ang pagkulay ng mga anak ko.

"Teacher Naya, may naghahanap daw sayo sa labas." Sumilip si Milli sa pintuan. Break time kaya naman ay nasa classroom ako at binabantayan ang mga bata na naiwan.

Mapaglaro ang ngiti ni Milli. Nakita kong may hawak itong parcel kaya hindi na ako nagtaka. Lumabas ako at sinabayan si Milli sa paglalakad. "He's handsome. Hmm... baka hindi ka nagsasabi e may boyfriend ka na?!"

"Milli, malalaman mo kung may boyfriend na ako at wala akong boyfriend." Sumusunod pa rin sa akin si Milli kahit na nalagpasan na namin ang classroom niya. "Ihahatid mo ba ako sa labas?" biro ko.

"Fine. Pakilala mo na lang." Tumalikod si Milli pero may pahabol pa. She mouthed 'gwapo'.

Napapaisip naman na ako kung sino ba ang dumalaw sa akin sa school. One of Tita Emery's blind date for me? Dahil ginawa na sa akin ni Tita ito dati. Pinapunta sa school ang kablind date ko. Hindi ko alam kung saan nalaman ni Tita na half day kami kaya naman ay pinasundo pa ako. But we already agreed that no more blind date.

Is this Abby's trick again? Naalala ko na first day of class pala kaya baka ay may pakulo na naman si Abby kagaya last year na nagpadala ng malaking teddy bear para daw sa mga anak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Place Next To YouWhere stories live. Discover now