Golden 17 : Plan

175 12 4
                                    

Plan

Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa malaking salamin na nasa walk-in closet. I'm wearing a white long sleeve high neck top and a brown tan A-line skirt. At ang lagi kong sinusuot na white rubber shoes. April 20 ngayon at napag pasiyahan namin ni Vien na bumalik sa Aria Restaurant kung saan nagtatrabaho si Alex.

Hindi na ako nagdala ng bag dahil wala rin naman ako ilalagay bukod sa handkerchief ko. Lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Ate Asia na nagpupunas ng lamesa sa sala. Siya lang ang nakikita kong kasambahay dito pero parang napakalinis ng bawat sulok ng buong mansiyon na ito. Napatingin siya sa akin nang maramdaman ang presensya ko.

"Oh aalis kana ba?" Tumango ako.

"Opo."

"Nasa labas ang maghahatid sa inyo ni Miss Vienna sa pupuntahan ninyo. Mag-iingat kayo." Sabi niya.

"Gano'n po ba, salamat po. Mauna na po ako." Tumango siya sa akin bago bumalik sa ginagawa.

Lumabas ako ng bahay. Pagdating sa labas ay nakita ko ang isang puting kotse na nakaparada sa harap ng bahay. Katulad na katulad nito ang kotse ng nasa mundo ng mga tao. Bumukas ang pinto ng driver seat. Napakurap ako nang lumabas mula doon si Drack. May shades pa siyang suot. Tinanggal niya ang shades na suot at kumindat.

"Magandang umaga, binibini." Pagbati niya.

"M-magandang umaga rin." Lumapit siya sa kabilang bahagi ng sasakyan. Binuksan niya ang pintuan ng front seat at sinenyasan akong pumasok. Naglakad naman ako palapit doon at umupo sa loob.

"Thank you." Saad ko bago niya isara ang pinto. Bumalik siya sa pagkakaupo sa driver seat at pinagana ang makena.

"Matagal na akong nakakakita ng mga ganitong klase ng sasakyan sa mundo ninyo pero ito ang unang pagkakataon na makakasakay ako dito." Sabi niya habang nagda-drive.

"Paano kayo nakakuha ng ganitong sasakyan? Hindi ba't walang mga ganitong sasakyan dito?"

"Si Reina Mirella ang kumuha ng sasakyan na ito mula sa mundo ninyo. Sinabi niyang mas maganda kung ito ang sasakyan mo." Pagsagot niya.

"Hindi ba magtataka ang mga diwatang may ganitong klase ng sasakyan dito? At bakit nga ba walang ganitong sasakyan dito?" Tuloy-tuloy na pagtanong ko.

"Ang sabi sa akin ni Reina Mirella ay ihahatid ko kayo, hindi ko naman akalaing may pa quiz palang magaganap. Hindi manlang ako nakapag-review," natatawang saad niya.

"Sasagot ka o ihuhulog kita?"

"Walang ganitong sasakyan dito dahil sa usok na lumalabas mula dito. At 'wag kang mag-alala wala namang pake ang mga diwata dito kung may ganito mang sasakyan silang nakikita." Para siyang hinihingal matapos niyang sabihin 'yon.

Sinabi ko lang naman na sumagot siya hindi ko naman sinabing takbuhin niya 'yung sasabihin niya.

"Kung gano'n, ay bakit pa nagpakuha ng ganitong sasakyan si Reina Mirella kung bawal naman pala ang usok ng sasakyan dito?"

"Isa siyang Reina, Faye." Sinabi ko bang hindi? "Ginamit niya ang kapangyarihan niya upang mapabago ang usok na lumalabas dito at pinalitan niya ng mga bulaklak. Galing diba? Mabango ang nilalabas na amoy ng sasakyan." P'wede pala 'yon?

Tumingin ako sa side mirror at nakita ang iba't ibang mga bulaklak na lumalabas mula sa exhaust ng sasakyan. Ito ay naglalaho na parang bula. Nasabi niyang pupuntahan muna namin si Vienna sa bahay nila. The car stopped in front of a pink and white house. Malaki ang bahay na ito. Lumabas kami ng sasakyan ni Drack.

Naglakad siya palapit sa bahay at sumunod naman ako. May mga bulaklak sa harap. Kumatok ng tatlong beses si Drack. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang babaeng nasa mid 40s. Kamukhang-kamukha nito si Vienna. At katulad ni Vien ay kulay Pink din ang buhok nito.

"Drack!" Hindi makapaniwalang tawag niya sa pangalan ng binata. "Antagal mo ng hindi dumadalaw dito."

"Pasensya na po, tita. May mga pinagka-abalahan lang po." Sagot naman ni Drack.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa dumapo ang tingin ng ginang sa akin. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko nang tignan niya ako. A hint of recognition flickered across her pink eyes.

"Ngayon nalang ulit kita nakita." Nakangiti at mahinang saad niya habang nakatingin sa akin.

"P-po?" Nagkita na ba kami?

"Tita." Mahinang usal ni Drack. Ngumiti naman ang ginang.

"Anong iyong pangalan?"

"Faye po."

"Ako si Vina, maaari mo ako tawaging Tita Vin." Nakangiting sabi niya.

Tumango nalang ako bilang pagsagot. Sakto namang pagsulpot ni Vien sa likod ng kaniyang ina.

"Nandito na pala kayo." Wika niya. "Sige po, alis na po kami." Hinalikan niya sa pisngi si Tita Vin bago niya kami hinila paalis.

Naglakad kami palabas ng bahay nila at sumakay sa sasakyan. Parehas kaming pumwesto ni Vien sa backseat ng sasakyan.

"Ano nga pala ang gagawin niyo sa Aria Restaurant at babalik kayo doon?" Tanong ni Drack.

"Baka makikikanta lang kami, malamang kakain." Sarkastikong sagot ni Vienna. Nakita ko ang pag-irap ni Drack sa kaniya sa riverview mirror.

"Si Faye tinatanong ko hindi ikaw." Sabi niya. "Faye, anong gagawin niyo doon bukod sa kumain." Tumingin pa siya kay Vienna nang sabihin niya ang huling salitang iyon.

"May kakausapin lang kami." Tanging sagot ko.

Tumango naman siya at nanahimik nalang. Nakatulog si Vienna habang nasa byahe kami. Lumipas ang halos kalahating oras ay nakarating na kami sa kainan. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Bumaba kami ng sasakyan at sinabi ni Drack na maghahanap lang siya ng mapagpa-parking-an.

Nauna kaming pumasok sa loob ni Vien. Lumapit ang isang waitress. Sa tingin ko siya din ang waitress na nag-assist sa amin dati. Sinabi ni Vien na tatlo kami. Dinala kami ng babae sa isang mesa na may tatlong upuan. Ang maganda pa nito ay malapit kami sa bintana naka pwesto.

Nag-order lang kami ni Vien na sakto namang pagdating ni Drack. Nakita ko ang paglabas ni Vien ng kaniyang kamera. Kinuhanan niya ng litrato ang lugar. Nilibot ko naman ang paningin sa paligid at hinanap ang lalaking pakay namin dito. Nakita ko siyang nag-aassist sa ibang costumer.

Napabaling naman ang pansin ko sa kamerang inaabot ni Vienna.

"Matagal pa naman dadating yung order natin. Can you take a picture of me?" Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang kamerang inaabot niya.

Sa huli ay tinanggap ko ito at kinuhanan siya ng litrato. This woman has the potential to be a model. She has the look that some agencies are looking for. Tumigil lang kami sa pagkuha ng litrato nang dumating na ang pagkain. Nagsimula kaming kumain.


***

The Golden ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon