Golden 19 : Preparing

153 13 0
                                    

Preparing

Bumaba kami ng sasakyan nila Pheia at Kavi. Nasa harap namin ang isang grocery store. Ngayon kami mamimili ng mga dapat bilhin at mga kakailanganin para sa birthday ni Alex. Sa palengke naman mamimili sila Vienna at Drack. Mas mura kung sa palengke mamimili ng mga manok.

"Tumawag nalang kayo kung tapos na kayo." Tumango kami kay Vienna bago nagpaalam.

Pinaandar na ni Drack ang sasakyan at pumasok naman kami sa loob. Hindi alam ni Pheia na para kay Alex ang ginagawa naming paghahanda. Si Kavi naman ay walang pake alam, pero sinabi na rin naman ni Vien sa kaniya ang tungkol dito.

Kumuha ng malaking cart si Kavi. Si Pheia ang may hawak ng listahan. Siya ang nagsasabi sa akin kung ano ang kukunin at ako ang kumukuha at naglalagay ng cart. Matapos naming mamili ay pumunta na kami sa counter para magbayad.

~~~

Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa labas ng grocery store. Inaantay pa naming dumating sila Vien. Napapa gitnaan ako nila Pheia at Kavi.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang tumayo si Pheia.

"Bibili ako ng ice cream sa loob. Sigurado akong matatagalan pa sila Vienna. May gusto ba kayong ipabili?"

"Wala." Sagot ko at iling naman ang sagot ni Kavi. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya paalis.

Makikita ang magandang hubog ng kaniyang katawan dahil sa suot niyang fitted square neck top at boot-cut jeans. She is lucky to have the body that every woman wants. Napabaling ang tingin ko sa chips na inaabot ni Kavi. Bukas na ito. Kumuha ako at kumain.

"Faye!" Medyo nagulat pa ako dahil sa pagsigaw ng aking pangalan.

Nakita ko ring nagtataka si Kavi kung sino ang sumigaw. Inikot mo ang paningin sa paligid at hinanap ang posibleng sumigaw. Natigilan ako at napakurap ng dalawang beses. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ito ng maayos. Nakatayo hindi kalayuan sa amin si Alex at may hawak na isang paper bag.

Kumaway siya nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya. Samantalang ako ay hindi alam kung kakawayan ba siya pabalik. Shocks, papatayin kita Alex pag naalala mo na ako.

"He knows your name. You know him?" Tanong ni Kavi.

Humarap ako sa kaniya. "Yeah, I guess?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Napabalik ang aking pansin kay Alex. Naglalakad na siya palapit kung nasaan kami. Tumingin ako sa exit ng grocery store para tignan kung palabas na si Pheia. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko siya makita. Napatayo ako sa aking kinauupuan nang nasa harap na namin si Alex.

"H-hey." Bakit ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang kasalanan.

"What a coincidence. It's great to see you." Sumilay ang natural na ngiti sa kaniyang labi.

It is not great to see you. I'm going to kill you, Nevans.

"Yeah, nice to see you." Ngumiti ako sa kaniya. Bumaling ang pansin niya kay Kavi na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin at pinapanood kami. Tumayo siya nang mapansin na nasa kaniya ang tingin namin.

"Hi, you must be Kaevrint." Nagsalubong ang kilay ko at tumingin kay Alex. How did he know Kavi? Bumakas din ang gulat sa mukha ni Alex at mukhang hindi inasahan ang sinabi niya.

"Yes." Maikling sagot ni Kavi.

"I'm Aleksander, by the way," Nilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap naman ito ni Kavi.

"I know," binawi na niya ang kamay kay Alex.

Agad akong nakapatingin sa exit ng grocery store nang bumukas ito. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi makita si Pheia. Hindi pa sila p'wedeng magkita ng lalaking 'to. Hindi ko pa nagagawa ang plano ko.

"Kailangan na naming umalis." Tumingin ako kay Alex. "See you around." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at hinila na si Kavi. Huminto kami di kalayuan kung nasaan si Alex. Naglalakad na siya paalis.

"What's with your face? You look nervous." Nalipat ang tingin ko kay Kavi. "And scared." He added.

"Nothing." Tanging tugon ko.

"Did you do something wrong to that guy?"

"Wala 'no."

"Kung ganon bakit ganiyan ang mukha mo? You looked anxious while talking to him earlier." Bakit ang daldal nito?

"Akala ko ba hindi ka madaldal?"

"I'm just asking." Kibit balikat na sagot niya.

"Quiet, Kaevrint."

Pinakatitigan niya ako na parang may sinabi akong nakakagulat. Problema nanaman nito?

"What?" Tanong ko nang hindi matagalan ang tingin niya.

"It sounds nice, when someone says my name." Tinaasan ko siya ng kilay. Hinintay ko pa kung may sunod siyang sasabihin pero binalingan na niya ng pansin ang chips na hawak.

"Hey! Is there anything wrong?" Medyo napatalon ako dahil sa paghawak ni Pheia sa balikat ko. Napansin ko din na pati siya ay nagulat dahil sa pagtalon ko.

"N-nothing."

"Hey, Kavi!" Nagulat ako dahil sa biglaang pagsigaw niya. Nilingon siya ni Kavi at tinaasan ng kilay. "What did you do to Faye?" Hindi makapaniwalang tingin ang binigay sa kaniya ni Kavi.

"What? I didn't do anything to her."

"Then, why does she looks anxious?"

"Ask her," sumilay ang mapang-asar na ngisi sa labi niya.

"What do you mean? I'm not anxious. I'm fine." Sabi ko nang lumipat ang tingin ni Pheia sa akin.

"Are you sure? 'Cause you really look like one," Saad ni Kavi at nasa labi pa rin ang mapang-asar niyang ngisi. Tinginan ko siya ng masama.

"Why? Are you concern, Kavi?" Sumilay ang isang ngiti sa labi ko. Nawala ang mapang-asar na ngisi niya dahil sa sinabi ko.

"Of course not."

"Are you sure? 'Cause you really look like one." Panggagaya ko sa sinabi niya.

"Magtigil na kayong dalawa." Suway sa amin ni Pheia. Inirapan naman ako ni Kavi. Lah, dukutin ko mata mo.

Dumating na sila Vienna kaya nagsitigil na kaming tatlo sa pag-uusap. Sumakay kami ng sasakyan.

"Oh, bakit ganiyan mga mukha niyo?" Tukoy ni Vien sa aming dalawa ni Kavi.

"They just got into a small argument. They're weird." Sabi ni Pheia.

"Shut up, Appheia." Tawa lang ang sinagot ni Pheia sa sinabi ni Kavi.

Inilapag namin ang mga pinamili sa lamesa. Nandito kami sa bahay ni Pheia. Sariling bahay niya ito dahil hindi na siya nakikitira sa bahay ng mga magulang niya. Pero dinadalaw naman daw niya ito paminsan-minsan.

"Saan niyo nga ba gagamitin ang mga ito?" Lahat kami ay napatingin kay Pheia. Walang sumagot sa kaniya.

"We're going to use it for something important." Sagot ko. "Someone's birthday's coming up." Sumilay ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Sinong may birthday?" Tila nag-isip siya. Nanlaki ang kaniyang mga mata na parang may naalala.

"Just someone." Kibit balikat na sagot ko. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. 1:32 p.m. "I have to go."

"Where are you going?" Tanong ni Vienna.

"Somewhere else." Tanging sagot ko. "P'wede mo ba akong ihatid?"

"Sige." Tumango si Drack. Lumabas kami ng bahay at sumakay sa sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng passenger seat pero may humawak sa palapulsuhan ko para pigilan ako.

"Back seat," Turo niya sa back seat ng sasakyan.

"What? No. Are you coming with us, Kavi?"

"Yes." Maikling sagot niya. Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na siya sa loob. Napahinga ako nang malalim at walang nagawa kung hindi ang sumakay sa back seat.

"Location?" Tumingin si Drack sa akin sa rearview mirror.

"Elysian Café." Tumango siya bago pinagana ang makena.

***

The Golden ForestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon