Simula

7 0 0
                                    

Tumakbo ako abot sa aking makakaya. Binabaybay ng mga paa ko ang maputik at matalahib na kagubatang ito.

Iniisip kung makakaligtas pa ba ako mula sa mga bampirang humahabol sa akin. Kasabay ng pagtakbo ko ay ang pagtakbo rin ng aking puso na tila nakikipagkarera.


'Niviel......'

Tagatak ang pawis ko nang magising ako mula sa isang masamang panaginip.

Muli ko pang inalala ang pangalang sinambit bago ako nagising subalit sakit sa ulo lang ang nakuha ko.

Nilakbay ng kamay ko ang aking batok at tsaka marahang bumangon. Nagsalin ako ng tubig sa basong nakpatong sa aking study table.


"What a weird dream." bulong ko bago nilagok ang tubig.


Ilang gabi na rin akong palagi na lang ganito. Magigising sa kalagitnaan ng gabi dahil sa isang panaginip. Sinasambit ang pangalang nakakalimutan ko rin sa oras na magising ako.


Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding malapit sa may pintuan palabas sa aking kwarto at nakitang pasado alas tres na ng madaling araw. I sighed.


Kinuha ko ang librong nakapatong sa study table at tsaka nagsimulang sagutan ang assessment na binigay sa amin ng aming propesor.




"Mukha ka na namang zombie." Tawa ni Zayn. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa paglalakad, "nag-away ba kayo ng ate mo?" Tanong nito.


Umiling ako, "hindi" Maikling sinabi ko.

"Nag text sa akin si Nate."



Agad kong nilingon ang lalaki at nakita ang ngisi nito, "hindi ko alam na close pala kayo para magpalitan ng mensahe?"


"Kinakamusta ka. Wala siyang lakas ng loob para kausapin ka ulit."


Wala siyang lakas ng loob na kausapin ulit ako pero may lakas ng loob para saktan ako. Sinamaan ko ng tingin si Zayn bago binaling sa daan ang atensyon.

Kung totoong gusto niya akong kumustahin hindi niya ipapadaan kay Zayn ang mensahe. At ang hindi ko lang maintindhan, bakit niya pa ako kukumustahin? After what he did may balak pa siyang mangamusta? Ano iyon? Gusto niyang malaman kung anong epekto sa akin nung ginawa niya?

"Mukhang tinamaan nga ang isang iyon sa'yo, wala nang di-ni-date na iba e." Inilingan ko lang ang sinabi ng lalaki. Walang lumabas na salita mula sa akin hanggang sa makapasok kami ng classroom.


Hes no longer dating? why? akala ko ba'y hindi mabubuhay ang isang iyon nang walang babae?

Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Zayn. A man like Nate is impossible to live without women beside him. He's a cheater and I hate him.


He is my first boyfriend. At ang akala ko rati ay kaya kong agapan ang sakit niya sa babae. But I was wrong. Once a cheater, always be a cheater. Walang sino man ang makakapagpabago sa kanila nun.

"Hermosa?!!" Nagulat ako roon sa sigaw ng aming propesor kaya'y napatayo ako. Hawak ang aking batok na nilingon ko ang aming propesor, "are you with us?" Tanong nito na nakataas ang kilay.


"I'm so-"

"Give me the four scales of measurement." Putol nito sa aking pagsasalita.

Pinantitigan ko ang aming propesor tsaka nilingon ang kaibigan na nagpipigil ng tawa. I'm expecting that Zayn will give me answer. Pero heto ang hayop na ito, natutuwa pa sa nangyayari sa akin.

"Last week I reminded you all to advance study! Anong ginawa ninyo noong weekend?" Nilibot niya ang kaniyang paningin at tsaka binalik sa akin ang tingin, "Sit down!"


Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng katabi kong si Zayn. Palihim kong inirapan ang lalaki tsaka sinulat sa aking notebook ang mga mahahalagang sinabi ng aming propesor.

Nagpatuloy ang aming klase. Hindi ko na nilingon pa si Zayn kahit pa panay ang makikipag-usap nito.

Our teacher talk slowly para'y maintindihan at mahabol namin ang kaniyang discussion. He explain it clearly. Ngunit hindi parin sapat iyon para may pumasok sa aking isipan gayong okupado ng mga salita kanina ni Zayn ang aking utak.


Nagpapanggap lang ako na nakikinig kahit pa'y nasa labas ng classroom na ito ang utak ko.

Nang matapos ang klase namin para sa araw na ito ay agad kong niligpit ang mga gamit ko. Pinalalahanan pa kami ng aming propesor na mag advance study.

Inakbayan ako ni Zayn nang tuluyan na nga kaming makalabas ng classroom.

"Mukhang bad mood ka ata ngayon ah." Ngisi niya.

"Tigilan mo ako kung ayaw mong ihampas ko sa iyo itong hawak kong libro." Inirapan ko siya na siya namang pagngisi niya. Inambaan ko siyang hahampasin ng libro nang bigla niya lang kinuha ito sa aking kamay. Sinimangutan ko siya.

"Ano bang kinain mo kagabi at wala ka sa hulog ngayon?" Tanong nito. Huminto ako sa paglalakad at inayos ang bag ko. Napansin niya ang ginawa ko kaya'y kinuha niya sa akin ang aking bag.

Kapansin pansin talaga ang kagandahan ng kaniyang mukha. Matangos na ilong, mahahabang pilik-mata at makakapal na mga kilay.

Ang kaniyang labi ay purong pula na mas lalo pang pumupula sa tuwing ginakagat niya ang mga ito. Makinis ang kulay gatas nitong balat. Halatang anak mayaman. Nakadagdag pa sa kaniyang itsura ang kaniyang kulot na buhok. Parang isang karakter sa isang telenobela.

Napansin ng lalaki ang titig ko kaya'y nagsimulang mag-asar ang kaniyang mga titig. Tumikhim ako at nagsimulang maglakad.

"Alam mo yung itsura mo kanina? para kang serial killer na nakakita nang bibitimahin." Tawa niya.

"Baka nga iyong serial killer pa ang matakot sa'yo e." Sabi ko na nasa daan ang tingin.


"Sabagay, paano ka nga ba magiging serial killer e baka sa pagbuo pa lang ng plano hindi ka na makagawa." Mas lalong lumakas ang tawa nito.

Hinarap ko ang lalaki, "yabang mo naman. Palagi ngang mababa score mo sa tuwing may quiz tayo."


"Ikaw nga di nakasagot kanina e."

Yabang din ng isang ito. Kung siya ang tinawag kanina ay hindi rin siya makakasagot. Sa inis ko sa kaniya ay inapakan ko ang kaniyang paa na agad niya namang ininda. Kumalas ako sa akbay niya


"Bleeeh" nilabas ko pa ang dila ko para mas lalo pa siyang maasar. Nang makita ang naasar niyang titig ay hinanda ko na ang sarili ko sa pagtakbo.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko. Tawa lang sinagot ko sa kanya at mas nilakihan pa ang hakbang ko. Takot na baka'y maabutan ni Zayn.

Ang bawat estudyanteng nadadaanan ko ay iniiwasan kong mabangga. Ang iba sa kanila'y pinagtitinginan ako at ang iba'y napapairap na lamang.

'Celistia....'


Isang tinig mula na nagmula sa kung saan ang nagpatigil sa akin sa pagtakbo. Kumalabog ang pus ko.

Kanino ang tinig na iyon?


Nilibot ko ang paningin ko, umaasang nasa paligid lang ang boses na iyon subalit wala akong makita bukod sa mga estudyanteng nasa malayo.

Dahahan-dahan akong huminto sa pagtakbo at nilingon ang papalapit na si Zayn.


That name pierces my heart and hurts me. I'm not sure why. It's my first time I've heard that name, but it's sounds familiar.



Who is Celistia?

Vampire Primus Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon