Kabanata 1

5 0 0
                                    

Magic



'Nasa paligid lang iyon, hanapin ninyo!'

'Malawak ang gubat na ito, mahihirapan tayong maghanap gayong hindi natin maamoy ang kaniyang dugo.'


I heard them curse. Habang ako'y hawak ang aking bibig upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay.

Nag iingat na hindi marinig ng mga lalaki. Kabado at may pangamba sa aking loob. Nang makita ang mabilis nilang pag-alis ay agad akong lumabas sa aking pinagtataguan.

Para akong nabunutan ng tinik. Mabilis akong tumakbo sa kasalungat na daang tinahak ng mga lalaki. Pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makita ang mukha ng lalaking humahabol sa akin. Nakangisi.


Nag ugat ang aking mga paa sa aking kinatatayuan at hindi nagawang ihakbang ang mga paa. Kahit ang paghinga ay parang nakalimutan ko na rin.


'Niviel.....'



Habol ang hiningang bumangon ako sa aking kinahihigaan. Tagatak ang pawis at nahihirapan sa paghinga. Pinasada ng kamay ko ang aking buhok. Mabibigat ang bawat paghinga.


Ilang gabi na akong binabangungot. Ilang gabi na ring nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi.


I heard my cellphone beep. Kunot noo kong nilingon ang bedside table kung saan nakapatong ang aking cellphone.


Nang muli itong nabuhay ay tsaka lang ako tumayo para abutin iyon.


It's Nate.

Alas tres pa lang ng madaling-araw, bakit gising pa ang isang ito? Siguro ang tamang tanong ay kung natulog na ba siya?


Nate:
Saw you this afternoon with Zayn. You look happy with him.


Nate:
Are you two...dating?

Inilingan ko ang kaniyang mensahe at muling nilapag ang aking cellphone. He's crazy.

Dahil sabado ngayon ay nilaan ko ang buong araw ko sa pagsasagot ng assessment na binigay sa amin ng aming propesor. Marami-rami rin ito at kung hindi ko ito sasagutan ngayon ay kulang ang buong araw ko bukas para tapusin ito.

Seven Am when I decided to walk outside. Bumalik lang sa apartment nang mag alas-otso na. Hindi madalas naglalabas ang mga tao rito.


Mostly lumalabas lang sa tuwing may bibilhin o papasok sa iskwela.


The weather is nice, makulimlim. Hindi masyadong mainit sa labas kaya masarap maglakad lakad. Kung hindi ko lang naalala iyong school works ko ay siguro mamaya pa ako papasok sa loob ng apartment ko.

Nang makabalik sa apartment ko ay binuksan ko ang telebisyon at tsaka kinuha ang libro sa aking silid.

Minsa'y napapatingin ako sa tv every time na nagsasalita na si Viore. He's handsome, I admit it. Kaso ay may kumakalat siyang issue ngayon kaya'y nabawasan ang paghanga ko sa kaniya.


The humor is nakabuntis daw siya noong nag-aaral pa ito. At ang nakakainis pa ay minor de edad ang kaniyang nabuntis.


Gosh! kahit gwapo ka'y mali pa rin ang ginawa niya. Pedophile.

Some of his fan are protecting him. They even tweeting nonsense with hashtag #ProtectVioreAtAllCost. What a shame. Masyadong nabulag sa kagandahang lalaki ni Viore.


Napailing na lang ako nang makitang umiiyak ito habang ini-interview ng media. Tumayo ako sa aking kinauupuan para pumunta sa kusina. Hindi ko kinakaya ang mga chismis.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vampire Primus Amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon