Sabi ni Taireal "Tara na, mag breakfast na tayo" Pagkatapos naming kumain. Ako'y dumeretso agad sa cr. Ako'y sukang suka, nung pagkahugas ko ng aking mukha, nakita ko ang isang matandang babae sa salamin. Kamukhang kamukha nya yung matandang babaeng tumulong samin. Nuong papalabas na akong cr, hinila nya ako. Sumigaw ako ng sumigaw hanga't dumating si Zhianna.
Biglang nawala ang matandang babae.
Salamat kay Zhianna. Nun ay naniwala na si Zhianna sa akin. Sabi ko sakaniya na nais kong mahanap at makita ang katotohanan sa bahay na ito. Nais na naming dalawang umalis, ngunit hindi namin kailangang iwan ang mga kaibigan namin. Chineck namin ang lahat ng nga drawers at cabinet. Nakahanap ako ng isang libro. Binasa namin lahat ito.
" Hindi mo alam kung gaano kadilikado ang bahay na ito, mahirap umalis rito kapag alam mo na ang sekreto nito. Ang mga kaluluwa dito ay nakakulong sa bahay, at kahit sino ay hindi makakatangal nito. Kahit ambolaryo paman, maliban sa isang babae.
Sya ay lubhang nakakatakot. Ako ay naglakas loob pumasok dito ng hindi alam kung ano ang meron dito. Ang pangalan ng babaeng ito ay Z--" Ano ito Zhianna? Sino itong Z?
Ang sabi ko kay Zhianna
"H-hindi ko r-rin alam. S-sana m-makaalis na tayo dito" Ako'y bigla nalang nahimatay na parang may pumalo sa ulo ko ng mabigat na bagay. Nung pagkagising ko nasa isang madilim na daan ako. Puro puno at bundok.
Ako'y takot na takot. Triny ko rin itext ang mga kaibigan ko ngunit walang signal.
May nakita akong babaeng papalakad sa akin.
Tumakbo ako at nagtago sa isang malaking bato. Nakita ko ang babae at sya, ay, si Zhianna. "Nasaan ka? Alam kong gising kana."
Natakot ako at umiyak. Isang ibon ay lumapit sa batong aking pinagtataguan. Nuong sisilip na si Zhianna. Tumakbo ako ng malakas. Nahulog ang aking cellphone. Pati ang aking tsinelas nawala dahil sa bilis at takot.
Nakita ko ang bahay, pumasok ako at isa isang tinawag ang mga pangalan ng mga kaibigan ko upang humingi ng tulong at makaalis na "Sean,Kyler,Taireal,Jennifer,Chalixtha,Raquel,
Athena,Faith!!" Tulong guys!! Tara umalis na tayo. Biglang umulan at ang hangin ay lumakas nawala ang mga ilaw. Nakita kong isa isa silang bumababa at tumatawa. Ang kanilang mga mata ay kulay pula at may hawak silang mga kandila. Sabay sabi ng
"Sumali ka na saamin, Walang uuwi"
At nung bubuksan ko na ang pinto nakita ko si Zhianna na kumakanta rin at may dalang kandila. Ako'y iyak na iyak na. Kumuha ako ng vase at pinalo ito ng malakas kay Zhianna.
Lumabas ako ng bahay at nakita ang isang bisekleta. Nakita kong sumusunod sila saakin pinaandar ko ito ng sobrang bilis hanga't nasira ang kadena. Tumakbo akong sobrang bilis. At nahulog sa bangin. Narinig ko ang boses ni Zhianna. "Gising na" At nga panaginip lang pala.
BINABASA MO ANG
Alone Nowhere
HorrorA group of friends decided to go on a house that is full of mystery. Written by Me