Pahina isa;

28 0 0
                                    

---

Josefina's Pov;

Maaga akong nagising dahil napag usapan namin ni inay na  pagtutulungan naming labhan ang  aming mga damit. Maaga pa ma'y amoy na amoy kuna ang niluluto ni inay. Kaya bumangon na ako sa maliit na papag na aking tinutulugan at nagtungo na sa kusina

" Ang bango naman niyan inay, iyan po ba ang ating agahan?" Tanung ko kay inay na abala sa paghahalo ng kakanin.

" Ou, maghintay ka at malapit na itong maluto" saad ni inay habang nakangiti

Ako si Josefina Maghinay, anak ako ni Jose Maghinay at Afilina Santos Maghinay. Panganay ako sa apat na magkakapatid at ako'y labing walong gulang pa lamang. Lumaki ako sa simple ngunit masayang pamilya, kapos man kami ay nakakakain parin naman kami ng tatlong beses sa isang araw

" Oh tikman mo nga ito Josefina ng malaman natin kung hindi parin ba ako pumapalya sa pagluluto" biro ni inay saka sa akin inabot ang kutsarang gawa lamang sa kahoy

" Hay nako inay, ang sarap po" pagpupuri ko sa kanya ng matapos ko nang tikman ang kakaning ginawa niya.

Kilala si inay sa aming baranggay dahil sa masarap na kakaning itinitinda niya araw araw. Isa kasi iyon sa pinagkakakitaan ni nanay, ika niya ay pangdagdag daw sa kita din ni tatay sa aming bukid

" Napakabulero mo talaga fina, ginising mo na nga ang mga kapatid mo ng makakain na" ngiti nito kaya agad ko naman siyang sinunod at nagtungo na sa kwarto ng mga nakababata kong kapatid

" Uy, bumangon na kayu diyan ng makapag agahan na. Ipinagluto tayu ni inay ng masarap na kakanin para sa agahan," panggigising ko sa mga kapatid ko

" Ate," pagtawag ng bunso kong kapatid, kaya agad ko naman itong kinarga

" masarap ba ang tulog mo Maria ha?" pagtatanung ko dito, marahil ay antok na antok pa ito sapagkat kinukusot kusot pa niya ang kanyang mga mata. Napakagandang bata talaga

" Bumangon na kayu diyan, luto na ang agahan" muli kong saad tsaka lumabas ng kwarto kasama ang kapatid kong si Maria

Nang marating namin ang kusina ay nakalatag na ang mga kakanin sa mesa, amoy na amoy ko ang gatang inihalo sa kakaning ginawa ni nanay. Kaya agad na kumulo ang tiyan ko, ibinaba ko ang nakababata kong kapatid at ipinagsalin na sa plato ng kakanin

Maya maya pa ay nagsilabasan nadin ang iba kong kapatid na si Futinshana at Carla. Si Futinshana ay labing anim na taong gulang at si Carla naman ay Labing isa.

" Inay, si itay po? Nasaan?" Pagtatanung ni Carla

" Ayun, maagang pumunta sa bukid. H'wag kang mag alalat dadalhan ko siya maya maya lamang ng agahan" nakangiting sabi ni nanay kaya nagpatuloy na lamang kami sa pagkain.

Nang matapos na kaming mag agahan ay nagpasya na kaming hatiran na ng pagkain si itay marahil ay gutom na din ito.

" Pagkatapos nating ihatid ito sa tatay mo ay maglalaba at maliligo na tayu, ayus bayun sa iyo?," tanung ni nanay tsaka isinukbit sa kanyang braso ang basket na may lamang pagkain. Ngumiti ako tsaka tumango

" Ayus lang ho sakin ina—" ngunit hindi ko natapos ang aking sasabihin ng may sumulpot na dalawang lakake sa aming harapan

" Magandang umaga po, Binibining Josefina.," tumango si Fredy sa akin at ganun narin kay inay.

" Oh ginoong Fredy, napaaga yata ngayun ang iyong panliligaw" pigil ang tawang biro ni inay tsaka ako tinignan, kaya napapahiyang ngumiti na lamang ako

" Magandang araw," nahihiyang tugon ko

" Nais ko po sanang tulungan si Mang Jose sa bukid, maaari po ba?" Magalang na tanung ni Fredy kaya agad namang tumango si inay

" Ou naman, sa katunayan ay papunta talaga kami doon" ngumiti si inay na agad namang sinuklian ng matamis na ngiti ni Fredy

" Salamat po sa pagpayag, ah ito po pala ang nakatatanda kong kapatid si  kuya Nestor, kauuwi niya lang po galing pong  Maynila" agad na nagmano at tumango si Nestor kay inay, tsaka dahan dahang bumaling sa akin

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napatitig ako sa magagandang mata nito.

" Magandang umaga binibini, ikinagagalak kopo kayung makilala." Magalang na anya tsaka tumango

" aba'y akalain mo nga namang may mas gwapo pa palang anak si maring Nelya bukod sayu Fredy anu'?" Biro ni inay

" Higit na mas gwapo naman po ako aling Alfina," pabiro ding anya ni Fredy, tsaka niya  kinuha ang basket na dala ni inay at naglakad na papuntang bukid

Tahimik lamang ako habang nakikinig sa kwentuhan ni nanay tsaka ni Fredy, madaldal kasi si Fredy. Natural na yun sa kanya dahil palakaibigan ito. Tahimik ding naglalakad si Nestor sa gilid ko ngunit napapansin ko din ang paglingon lingon nito sa akin

Sa totoo lamang ay ngayun ko lamang ito nakita, marahil nga ay totoo ang sabi ni Fredy na kakauwi lang nito galing Maynila. Magandang lalaki si Fredy ngunit higit na mas maitsura ang kuya nitong si Nestor. Matangkad at mapuputi din ang balat, maganda ang pangangatawan kahit may kapayatan. Marahil ay puro pag aaral lamang ang gawain nito, kung tutuusin din kasi ay mapera ang pamilya nina Fredy. May sarili silang palayan at marami ding alagang kalabaw at baboy ngunit kahit na ganun ay mabait parin sa amin ang pamilya nila, lalo na si aling Nelya

Nang makarating na kami sa bukid ay nakita namin si Tatay na nag aararo, tinawag ito ni nanay kaya kumaway naman ito at tinigil ang ginagawa.

Masaya kaming nagsalo salo sa dala naming kakanin ni inay, si Fredy naman ay hindi parin natatapos sa pagkukwento. Habang si Nestor naman ay nakikitawa lang din paminsan minsan.

" Oh ito naba ang panganay ni Mareng Nelya? Aba'y pagkagwapong bata. Siguro'y kaedad mo lamang  itong anak kong  si Josefina," ngiti ni tatay kay Nestor

" Salamat ho mang Jose, nagpunta po pala kami dito upang tulungan kayong magtanim o mag araro dito sa bukid," ngumiti din si Nestor kay itay tsaka pasimpleng tumingin sakin at sa hindi inaasahang pangyayare ay aksidenteng  nagtama ang tingin  namin, kaya sabay din kaming nagkaiwasan.

" Aba maganda kong ganun, siya nga pala? ikaw ba'y nanliligaw na sa anak kong si Josefina?" Tanung ni itay kay Nestor

*huk*

Sabay sabay kaming napalingon ng mabulunan si Nestor, marahil ay nagulat siya sa tanung ni itay sapagkat ganun din ako. Dali dali kong inabot ang baso at pinagsalin siya ng tubig.

" Ayus kalang ba?" Tanung ko habang inaabut sa kanya ang baso. Ininum niya ito at naiilang na tumingin

" Salamat binibini,"

Napatingin ako kay inay na nagpipigil ng tawa, ganun din si itay na ngiting ngiti na animong may magandang natatanaw. Si fredy naman ay natahimik at nakatingin sa malayo

" Pasensya na hijo, marahil ay nabigla kita. Ngunit kung iniibig mo ang aking anak, ay hindi ako magdadalawang isip na ibigay sayu ang basbas ko,"

----

First story kopo to' kaya wala pa akong alam huhu, pero sana po ay basahin niyo pa ang next na pahina. Plss,thankyou godbless:>>

Sa Susunod na habang  buhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon