Chapter 1

1 0 0
                                    

ZERNITA

Masaya ako para sa kakambal ko, dahil nagdadalang tao siya. Magkakaanak na siya at hindi magtatagal ay may bata na akong makukurot sa pisngi! Nanggigigil ako sa naisip ko kaya para akong tanga na bigla na lang ngumingiti. Palabas ako ng kuwarto at pagbukas ko ng pinto ay saktong pagdaan ni Carmela.

"Oh! Aalis ka? Ang aga-aga, ah?" tanong ko sa kaniya kaya huminto siya.

"May importante akong pupuntahan," sagot niya.

Sinuyod ko ang kabuuan niya from head to toe. Ganito ang suot niya tuwing may operation sila—lahat itim.

"Hindi naman siguro delikado iyang lakad n'yo di ba?" Nag aalala kong tanong.

"Hindi!" nakangiti niyang tugon.

'Lie!'

"Don't worry mag-iingat ako." Pinisil niya ang pisngi ko bago nagpatuloy sa paglalakad kaya napasunod ako ng tingin sa kaniya.

"Umuwi ka nang maaga, ha!" pahabol kong sigaw at tinaas niya lang ang kaliwa niyang kamay bilang sagot.

Bumuntonghininga ako, kinakabahan ako bigla. Sana maayos at ligtas lang ang lakad niya. Alam kong kaya niyang ingatan ang kaniyang sarili, pero sa lagay niya kasi ngayon, kailangan niya ng dobleng pag-iingat at baka mapaano ang magiging pamangkin ko.

'Panginoon, huwag n'yo po pabayaan ang kapatid ko,' tahimik kong dasal bago bumaba.

Dumeritso sa komidor at nadatnan ko si Lolo na nagkakape.

"Morning, Lo!" bati ko sabay yumakap.

"Morning. Bakit ikaw lang? Nasaan na ang kapatid mo?" tanong niya.

"Maaga pong umalis." Umupo ako sa gilid niya habang siyabay nasa sentrong dulo ng mesa. Katapat ko ang upuan ni Carmela.

"Ikaw wala ka bang lakad?" tanong niya ulit.

"Aalis po kami nina Ringgo at Lukring, after breakfast. Pupunta kami sa clinic," sagot ko. Tumango lang siya habang humihigop ng kape.

Malayo pa man ay nangingibabaw na ang boses ni Lukring. As usual, nagbangayan na naman silang magkapatid. Parang babae ang mga to!

"Ano ang nauna, itlog o manok?" tanong ni Lukring.

"Itlog!" agarang sagot ni Ringgo na ikinatawa ni Lukring ng malakas.

"Akala ko ba matalino ka?" Natatawa niyang tanong sa kapatid.

"Oo nga! Tinatanong mo kung ano ang nauna! Eh, itlog ang nauna sa tanong mo! Bobo ka kahit kailan!" asik ni Ringgo sa kapatid na parang napaisip pa. "'Wag ka na lang mag isip! Wala ka namang isip eh!" dagdag ni Ringgo.

"Ang slow mo talaga!" nakasimangot na anggil ni Lukring.

"Tumahimik na kayo!" saway ni mang Presco, lolo nila.

Naupo sila sa kani-kanilang puwesto.

"Kababata, si Carmela, nasaan?" Tanong ni Ringgo saka tumabi sa akin.

"May lakad daw." Uminom ako ng gatas.

"Aahh..." usal nya.

"Bilisan n'yo riyan, aalis tayo mamaya," sabi ko pa.

"Kailan ang opening ng clinic mo, apo?" biglang tanong ni lolo.

"Bukas po, Lolo," sagot ko at tumango lang siya.

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming kumilos at nagbihis. Papunta kaming clinic at may kalayuan ang lugar na 'yon kaya napasarap ang asaran ng dalawa sa likod habang ako ang nagmaneho. Hanep! Wala man lang nag-volunteer sa kanilang dalawa para pumalit sa akin.

Who Ever You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon