Chapter 5

0 0 0
                                    

ZERNITA

'Ikaw na sana ang pinakamasayang babae sa gabing ito Alanie, kung nabubuhay ka lang sana...'
'Tinupad ko ang pangarap mong maikasal sa lalaking mahal na mahal mo, at isa-isahin kong tutuparin ang mga ninais mo noong nabubuhay ka pa at hindi ako titigil hanggang sa makamit ko ang hustisya!'

Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang tumunog ang magandang musika. Nasa terrace ako bitbit ang basong may lamang alak at pinanuod ang magandang ilaw sa baba. Nilagyan nila ito ng iba't ibang kulay na ilaw ang hugis puso na tinatayuan namin kanina sa kasal at mamamangha ako sa ganda na makikita mula dito sa ibabaw ng gusali.

Bahagya akong napaitlag ng may yumakap sa baywang at pinatong ang baba sa balikat ko.
Kinuha niya ang hawak kong baso at hinihele ako ng bahagya.

"Maganda ba?" Mahina niyang tanong at tumango lang ako. Kinakabahan ako ngayong kami na lang dalawa ang nandito.

"Baby..." tawag niya. Napapikit ako habang nakokonsensya. Si Alanie lang ang dapat niyang tawagin na gano'n.

Dinig kong bumuntonghininga siya nang hindi ako sumagot at ramdam ko rin na bumitaw siya sa akin kaya humarap ako sa kaniya. Bahagya akong nagulat nang makitang lumuluha na pala siya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Baka naman iyakin talaga siya? Tsh!

"Sobra kitang namiss... ang akala ko ay hindi mo na ako babalikan," humihikbi niyang sabi.

Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya, paano na lang kung malaman niya ang totoo? Na wala na ang babaeng mahal niya maging ang anak nila..

"Ssshh... nandito na ako. Babawi ako sa mga araw na wala ako." Pinahiran ko ang mga luha niya gamit ang aking kamay.

Tinitigan ko ang bawat sulok ng mukha niya at hindi na ako nagtaka kung bakit nabihag agad ang puso ni Alanie sa kaniya. Guwapo siyang tunay at ang ngiti niya ang unang makapagpabihag sa babae.

Hinapit niya ako sa baywang kaya napakapit ako sa batok. Isinayaw niya ako habang kumikislap ang mga mata niyang nakatitig sakin. Marahan niyang inilapit sa akin ang mukha niya at pinagdikit ang aming mga noo. Hindi ko magawang umangal dahil siguradong magtataka siya.

"I love you," usal niya na at ngumiti lang ako. Expected ko ang ganitong mga galaw at salita ngunit hindi ko kayang bigkasin pabalik para sa kaniya.

"Gusto ko nang magpahinga," mayamaya'y sabi ko.

Kumalas siya sa akin at bigla akong binuhat papasok sa isang silid. Nilapag niya ako sa kama pero nanatili ang braso niya sa likod ko at hinaplos ng kanan niyang kamay ang aking pisngi at huminto sa labi ko ang mga mata niya. Napalunok ako ng laway dahil ilalapit na niya ang mukha sa akin. Natuliro ako at hindi alam ang gagawin, itutulak ko ba siya oh hahayaan lang. Pero nakahinga ako ng maluwag nang tumunog ang cellphone ko.

"S-Sasagutin ko lang ang tawag." Pilit ang ngiti niya bago tumayo.

"Maligo muna ako," paalam niya at pumasok  sa banyo.

Bumangon ako't kinuha ang cellphone sa bag at sinagot ang unknown number.

"Hello?"

"Hi..."

Isang salita pa lang ay alam ko na kung sino ang may-ari nang boses sa kabilang linya.

"R-Reyveen?" Bigkas ko at tumingin sa pinto ng banyo bago nagmadaling lumabas ng kuwarto.

"I miss you."

Natameme ako at hindi nakasagot sa sinabi niya.

"Are you still there?"

Napabuntonghininga ako. "Yes." Hindi ko alam ano ang sasabihin sa kaniya.

"Nadisturbo ba kita?" Halata ang lungkot sa boses niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who Ever You AreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon