Chapter II

16 2 1
                                    

CHAPTER II

 

Bumaba ako para tignan kung sino yung nag-doorbell.

 

 

Dahan dahan kong binuksan yung pinto at tumambad sakin ang tatlong lalaking mga nakangiti?

 

 

"Uhh, sino po sila?" tanong ko.

 

 

"Miss, ikaw ba si Cassie Angela Garcia?" tanong nung lalaking may eyeliner.

 

 

Bakla ba to? Tinalo pa ako. Di nga ako nag-eeyeliner eh.

 

 

"Bakit? Ano pong kailangan niyo?" tanong ko ulit sa kanila.

 

 

"Siya nga ata yun." Sabi naman nung isang maumbok ang cheekbones.

 

 

"Sino po ba kayo?"

 

 

Nakaka-ilang tanong na ako at ni-isa hindi nila sinagot.

 

 

"Wala lang miss. Sige." Sabi nung isang lalaking malaki ang tenga.

 

 

Pag-tapos niyang sabihin yun, nag-bow lang silang tatlo at umalis na.

 

 

Sino yung mga yun? Weirdos.

 

 

 

Sinara ko na yung pinto at umakyat na ulit sa kwarto ko saka nahiga.

 

 

Nakatitig lang ako sa kisame.

 

 

Hindi ako makatulog.

 

 

 

Namimiss ko na si mama.

 

 

Naalala ko nanaman yung araw na yun.

 

 

Niyakap ko yung unan sa tabi ko at saka dun ako umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.

Angel's GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon